Red's Point of View:
"San ka galing?" bungad ni Ry pag-akyat ko sa hagdan. Kasalukuyan itong nagbabasa ng libro at mukhang seryosong-seryoso, "Bigla kang nawala sa event, hinanap ka ni Lolo sa akin."
"Oh? Anong sinabi mo sakanya?"
"Sinabi ko na sinundan mo ang girl of your dreams."
GIRL OF MY DREAMS? WHAT THE FUCK! SINO YAN?!
"Huh?"
"Girl of your dreams, si Maureen 'di ba?"
WHAT THE ACTUAL FUCK.
Nilapit ko ang mukha ko sakanya habang hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya saka hinawakan ang kanyang mga balikat, "Gago ka ba? Gusto mo malaman nila Lolo ang sikreto mo?"
Napalunok ito, "Chill sister slash brother dear, I'm just joking! Hahahaha," tulak nito sa akin palayo.
"Kung hindi 'yon, edi ano sinabi mo?"
"Sinabi ko na nagpalipas ka muna ng sama ng loob."
"Talaga lang huh? Sa oras na tanungin ako ni Lolo tungkol sa "girl of my dreams", lagot ka talaga sa akin," pagbabanta ko rito bago umalis sakanyang harapan.
"Meron ka ba ngayon? Ang init ng ulo mo ah? Inaasar ka lang naman," kamot nito sakanyang ulo, "Gabing-gabi nakasimangot. 'Wag naman ganyan sister slash brother dear. Panget ka na nga, papanget ka pa. Yucks," dagdag pa nito.
Lumingon ako sakanya at sinamaan ng tingin, "I'm sorry pero hindi ako salamin para sabihan mo ng pangit," sabi ko sabay smirk.
She just rolled her eyes at me at hindi na sumagot. Mang-iinis tapos pag siya na ininis, maiinis. May kakilala ba kayong ganyan guys? Sarap lang batuhin ng bola noh? Kung hindi ko lang 'to kapatid sa papel, matagal ko na siguro siyang nasapak.
Ang init init talaga ng ulo ko ngayon. Hoy! Wala ako ngayon noh kaya hindi ito mood swings. Sadyang ang dami lang talagang pangyayari ngayong araw na 'to. Katulad na lamang nung pangyayari sa playground kanina. What a fucking scene. Makapaghilamos nga muna.
*1 new message*
Jhel: Mahal kita :(
Dali-dali akong nagbihis para tingnan ang message sa aking phone. Wait, what the fuck am I seeing?! Bakla na ba 'tong si Jhel? Hindi ba siya na-orient na wala dapat taluhang mangyayari sa barkada namin? May nalalaman pang sad face ang gago. Kadiri.
Me: Wtf. Kadiri
*Message sent*
*1 new message*
Jhel: Aba gago. Wrong send yan noh! As if naman na magsesend ako ng ganyang message sayo? Ang kapal po ng mukha mo Redaniella Valderama. Walang talo talo bro. At sa tingin ko, si Maureen lang ang magtetext ng ganyan sayo.
Me: Sa gwapo kong 'to? Si Maureen lang? Nagpapatawa ka ba? Hahaha. Para kanino ba yang text mo at bakit ang OA tingnan, may sad face ka pang nalalaman. Para ba kay Bes yan?
BINABASA MO ANG
Saving Her
Teen FictionRed Valderama, who is also known as the badass butch of R University. Longing for her real mother's love, and never getting it, she rebelled and became a cassanova. But after saving her ultimate fangirl from a car accident, things seem to change for...