Red's Point of View:
"Bilhan mo ako ng choco frappuccino sa Starbucks," utos ko sa aking personal alalay na hindi ko naman ginusto maging alalay.
"Ha? Walang Starbucks dito eh at saka gabi na oh," sabi niya sabay pakita sa kanyang relo.
"Maghanap ka diyan sa labas, wala naman sigurong tanga ang gagalaw sa katulad mo," giit ko.
"Pero—"
"Huwag ka nang umangal diyan. Eto oh, pera," sabay abot ng P1000, "Bilisan mo, nauuhaw na ako."
Hindi na siya umangal pa at nakangiting kinuha ang pera, "Okay po Red Valderama," nagbow muna siya saka magiliw na lumabas ng kwarto.
Pano ba mapapaquit ang babaeng yun sa pagiging alalay ko? Nakakasawa na kasi makita ang mukha niya. Buti na nga lang at tuwing gabi lang siya andito dahil pinapapasok siya ni Lolo sa school kapag weekdays, katulad na lamang ngayon.
Tapos na rin pala nasemento ang kamay ko at sabi ng sabi ng doctor, pwede na rin daw ako makalabas ng hospital within this week.
Nanunuod ako ng Adventure Time nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang magandang nilalang. Hindi 'yong alalay ko ha. Never kaya 'yon naging maganda sa aking panignin HAHAHAHA.
"Hi Red Valderama," ngiti ng isang anghel sa harapan ko. "I'm here to examine your arm," sabi niya sabay hawak sa aking braso.
Shet. Ang sarap ng pagpisil pisil niya.
Nurse pala ang magandang anghel na 'to.. Ang ganda niya, but I'm sure mas matanda 'to sa akin. Corrupting major na naman ako.
"How old are you miss?" pagpapapacute ko rito.
Napatigil siya sa pagcheck at tiningnan ako sabay taas ng isang kilay, "Why did you mind to ask?"
"Wala lang naman. Parang ang bata mo pa kasi para maging registered nurse," ngiti ko sakanya.
"Hmm, bolero kang bata ka ah," nahihiya niyang sambit.
"Hindi ah. Haha. Nagagandahan lang naman sayo."
"Haha. Are you flirting with me?" she bluntly asked.
"Why? Gusto mo—"
Hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil biglang bumukas ang pinto na ikinagulat naming dalawa. Letsugas naman oh! Bakit ngayon pa dumating ang distraction?! Kung nasa movie pa kami, nasa climax na sana eh!
"Red Valderama, andito na po ang inyong pinapabili na choco frappe at ito po ang inyong sukli," dire-diretso niyang sabi sabay abot nung frappe at sukli. "Ito nga rin pala ang resibo. Hihi," dagdag niya sabay abot ng isang papel.
Teka.. Bakit ang bilis niyang nakabili at parang 'di pa talaga siya napagod? Ang alam kong pinakamalapit na Starbucks dito ay dalawang sakayan pa ng jeep.
Oo. Nagresearch talaga ako ng medyo malayong bilihan para mapagod ang babaeng 'to at maisipang mag-quit. Ang sama ko noh? Sakanya lang naman.
Teka, may superpowers ba siya?
"Uhmm, okay na naman ang kamay mo, sasabihan ko si Dr. Dela Fuente about your recovery," singit ni Ms. Nurse at lumakad malapit sa pinto, "Maiwan ko muna kayo," ngiti niya saka lumabas.
"Teka lang Ms. Nu—"
*Blag!*
Walang hiya! Hindi man lang pinatapos ang sasabihin ko. Lumabas agad siya ng pinto at hindi ko man lang nahingi ang number niya. Tss. Letsugas naman kasi 'tong personal alalay ko! Wrong timing kung dumating!
BINABASA MO ANG
Saving Her
Teen FictionRed Valderama, who is also known as the badass butch of R University. Longing for her real mother's love, and never getting it, she rebelled and became a cassanova. But after saving her ultimate fangirl from a car accident, things seem to change for...