Chapter 4: That Smile

277 10 0
                                    


Red's point of View:


Aba matinde! Ganitong posisyon pa talaga kami nila nakita. Andiyan na naman ang kanilang mga nakakalokong ngiti. This is the scenario I'm avoiding to happen eversince nagkalapit kami nitong alalay ko.


"Bakit ganyan kayo makangiti? She's just my alalay. Nothing more, nothing less."

"DEFENSIVE!" sabay-sabay nilang sabi.


WHAT THE FUCK.


"Ewan sainyo. Magsiuwian na nga kayo. Kailangan ko pa ng pahinga," inis kong sabi, "Dalhin mo na nga ako sa kwarto," baling ko sa isa na halatang kinikilig sa paghawak niya sa akin.

"Grabe ang effort nila sa pag-surprise sayo tapos yan lang reaction mo?" saway ng aking alalay.

"So, anong gusto mong reaction ko? Iiyak sa sobrang saya na nag-effort sila? Huwag mo nga akong pakialamanan. You're just here kasi ikaw ang reason kung bakit ako nagkaganito. We're not even friends."


Napayuko naman siya sa sinabi ko. 'Di na rin siya umimik pa pero after I finished saying my lines, she managed to hold her head up and flashed me a smile. Medyo na-guilty tuloy ako sa sinabi ko. Medyo lang naman.


"I changed my mind. Dito na lang muna ako sa sala. Ayusin mo nalang ang mga gamit ko sa kwarto."

"Okay po," tumalikod na siya at nagstart maglakad pero agad tumigil at hinarap ako, "San nga pala ang kwarto mo Red?" tanong nito sabay kamot sakanyang ulo.

"Manang Hilda!" tawag ko sa head ng mga maid.

Nagmamadaling lumapit si Manang Hilda sa amin, "Ano pong kailangan niyo ma— este sir pala."

Sinimangutan ko siya. Ang tagal tagal na niya rito pero muntik niya pa rin ako tawaging ma'am. Tss. "Pakituro sakanya san ang kwarto ko. Salamat."


Agad naman siyang pinasunod ni Manang Hilda sa taas. Hay salamat! Mapapalayo muna sa akin ang babaeng 'yon. Nakakairita na rin kasi an pagmumukha niya pati na rin ang kadaldalan niya. Hindi ba nawawalan ng energy ang babaeng 'yun?


"Familiar siya bro," sabi ni Cham nang makalayo na si Maureen sa amin.

"Baka naka-fling mo na dati," sabat ni Jel.

"Shut up Jel. Never akong nagka-fling or nagka-girlfriend! 'Di tulad sa inyo!" sabi nito sabay turo sa aming tatlo nina Jel at Ry.

Pinandilatan siya ni Ry, "Hinaan mo nga yang boses mo Hernandez!"


Lagot talaga si Cham kay Ry kung sakaling narinig yun ni Lolo. 'Di pa kasi lantad si Ry sa family namin. Siya na lang kasi ang 'only girl' sa aming tatlo since lalake na rin ang turing sa akin nina Lolo. Hindi nila alam na katulad ko rin pala siya.


"Sorry," hingi ng tawad ni Cham.

"Back to the topic guys, Siya yung babaeng sinasabi ko na adik sa akin. Baka yun ang dahilan kaya familiar siya sa'yo," explain ko kay Cham. Tumango-tango lang siya. Tinamad na naman siguro magsalita.


Kinamusta lang ako ng soccer team at agad din namang umalis. Ang barkada nalang ang naiwan dito sa mansion. Every weekend naman kami magkakasama ng mga 'to pero hindi kami maubos-ubusan ng topic. Medyo nagsasawa na nga rin ako sa mga pagmumukha nila dahil ever since 7 years old ako, parati ko na silang kasama.


"Ang sama mo sakanya kanina ah?" pansin ni Jel.

"Kanino?" pagtataka ko.

"Kanino pa ba? Syempre, dun sa babaeng kasama mo kanina."

"Ahh. Yun ba? Trip ko lang," casual kong sagot, "Bakit ba concern ka dun? Gusto mo siya noh?"


Imbis na sagutin ako, binigyan niya lang ako ng poker face look— trade mark ng barkada namin.


"Yieee. Totoo noh?" pang-aasar ni Jel.

"Tumahimik ka nga Jelly Fish," inis na sabi ni Cham.

"What the heck dude. It's FITCHE, not FISH," pagbibigay linaw ni Jel kay Cham.

"Alam ko. Trip ko lang ang 'fish'," sagot ni Cham na dahilan ng pagkaka-poker face ni Jel.


Nag-asaran lang kami nang nag-asaran hanggang sa 'di namin namalayang gabi na pala.


"Gutom na ako," aba! Nagsalita na ang mahiwagang baul. Full of mystery kasi itong si Vien kaya 'yan tawag namin. Ang rate of speech niya ay 1 out of every 20 words na sasabihin ko. Oo, ganyan siya katahimik.

Nagsipalakpakan kaming apat sabay sabi, "Wow! Nagsalita na rin!"

"Ngayon lang 'to," walang buhay niyang sagot. Siya ang parating poker face sa aming lima.

"Since nagreklamo na ang mahiwagang baul, pumunta na tayo sa dining area para kumain na," sabi ni Ry, "tawagin mo na si Maureen doon. Sabay-sabay na tayo," utos pa niya sa akin.

"'Di pa ako nakakalakad ng maayos. Si Manang Hi—"

"Ikaw na," ma-awtoridad nitong sabi.

"Pero—"

"Kaya mo yan. Kailangan mo rin yan para ma-exercise yang buto mo sa paa. Go na."


Wala na tuloy akong magawa kundi um-oo. Ate siya eh. Nauna na silang pumunta sa dining habang ako.. eto, nasa harap ng pinto ng aking kwarto. Grabe ang pawis ko dahil sa effort na umakyat. Walang hiyang kapatid talaga si Ry.

Kakatok na sana ako nang biglang bumukas ang pinto. What the fuck! Nagulat tuloy ako at nawala ang aking hinandang poker face look. Nakapusod ang buhok nito at medyo pawis. Anong ginawa niya sa loon ng kwarto ko? Hindi ba niya alam na may aircon naman sa loob?


"Red? Ano—"

"Inutusan ako ng napakawalang hiya kong kapatid na akyatin ka dito para sabihing kakain na raw tayo."

"Ahh. Bakit ikaw lang mag-isa? Kaya na ba ng kaliwang paa mo?" pag-aalala niya.

"Medyo. Tama na ang pagtatanong. Sumunod ka na lang sa dining area," sabi ko sabay talikod at hirap na naglakad papuntang hagdan. Nako, Ry! Pag nadagdagan ang injury ko, lagot ka talaga sa akin!

"Sure ka na kaya mo na mag-isa?"

"Oo," sagot ko habang patuloy sa aking paglalakad. Sa totoo lang, nahihirapan na talaga ako pero ayoko lang ipahalata sa babaeng 'to. Ayoko kasing makatsansingan na naman ako ng babaeng 'to.


Nang pababa na ako sa hagdan, na-out of balance ako at muntik mahulog. Buti na lang at nakahawak ang kaliwang kamay ko sa railings. Kaya imbis na mahulog ako, napa-upo ako. Kasalukuyan akong nagpupumilit tumayo ulit. Ang hirap na sitwasyon naman 'to!


Sa kalagitnaan ng aking paghihirap, may humawak sa aking kaliwang braso at tinulungan akong makatayo, "Anong silbi ng pagiging alalay ko kung hindi kita aalalayan?"


I just gave her my poker face look habang itinatayo niya ako and for the second time of this day, she flashed that smile again. That never fading smile of hers.

**

CodenameXG: Another update for this week :D Bumabawi eh. Haha. Feel free to vote or comment :) God bless!

Saving HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon