Maureen's Point of View:
At tulad nga sa ipinangako ko kay Jake, siya ang maghahatid sa akin ngayong uwian.
"Would you like to go home now, Maureen?" tanong ni Jake habang nagwawalis.
Cleaner for this day. Bagong pasok pa lang pero cleaner na agad. Ang tindi, 'di ba? Hulaan niyo sino may pakana nito. Nakahula na ba kayo? Kung si Red ang nasa isip niyo, tama kayo. Congrats!
President kasi siya sa klase at may power mag-appoint ng kung sino-sino kung kailan niya gusto. Uminit na naman kasi ang ulo nang sinabi kong hindi ako sasabay sakanya pauwi. Nagtry pa nga siyang umacting ulit pero hindi na umepekto sa akin kaya mas lalong uminit ang ulo.
Hinanda ko na nga ang sarili ko dahil sa akin na naman mabubuhos galit niya pero imbis na sa akin dapat siya magalit, si Jake tuloy ang pinagdiskitahan niya. Himala para sa isang Red Valderama ang hindi magalit or mainis sa akin. Natatawa na lang mag-isip sa mga pinagkikilos niya ngayong araw.
"Okay lang, Jake. I can wait."
"Kayo ba?" curious na tanong ni Zinc habang nagpupunas ng bintana.
"Hindi," sabay naming sabi.
"Magkakilala na kayo dati pa?" tanong ni Kaye.
"Oo," sabay na naman naming sabi.
"Sabay na sabay ah, destiny lang," nakangising sabi ni Paul.
Hindi na kami umimik after nun. Awkward silence kumbaga. Pinagpatuloy na lang nila ang kanilang ginagawa habang ako naman ay gumagawa ng assignment namin ni Jake. Madali lang naman kasi.
"Guzman, hindi pa pala kayo nakakauwi?" biglang sulpot ni Red sa classroom.
Nakapamulsa ito at mukhang bad mood pa rin. Shet. Bakit ang gwapo talaga ng tibong 'to?
"Uuwi na nga kami eh," hinigit ni Jake ang kamay ko patayo na siyang nagpabalik sa isipan ko.
"Ah okay, ingat ka Guzman," poker face na sabi ni Red sa akin saka umalis.
"Teka lang, Red!"
Napalingon ito, "Ano?"
"Thank you!"
Tila nagbago ang mood nito at ngumiti ng kaunti, "You're welcome, Guzman."
Red's Point of View:
"Ibabalik ko na si Ms. Guzman sa dati niyang section pagbalik ko from California," seryosong sabi ni Lolo.
Napatingin naman ako sakanya, "Tapos?"
"I'm just telling you this para hindi ka mabigla," wow! Nag-aalala rin pala itong lolo ko about sa mafe-feel ko? "By the way, I'm hearing rumors about you and Ms. Guzman, totoo ba?"
"What rumors?"
"Are you courting her? It's very unusual for you Red. Natamaan ka na ba sa babaeng 'to?"
What the fuck? Anong pinagsasabi ng matandang 'to? Nakikichismis na rin pala siya?
"No, and never will I."
"Good to hear that from you," ngiti ni Lolo sa akin, "O sige, 'yun lang. Eto na nga pala ang ipod mo," kinuha niya ito sa drawer at inabot sa akin, "You can now go."
Agad ko naman itong nilagay sa bag ko saka lumabas sa president's office. Hindi talaga kami close niyang Lolo ko na 'yan at ewan ko rin kung bakit pero tanggap naman niya ang pagiging tibo ko kaya okay na rin.
BINABASA MO ANG
Saving Her
Teen FictionRed Valderama, who is also known as the badass butch of R University. Longing for her real mother's love, and never getting it, she rebelled and became a cassanova. But after saving her ultimate fangirl from a car accident, things seem to change for...