Maureen's Point of View:
Mag-iisang lingo na simula noong napahiya ako kay Red. Tama nga siya na magugustuhan ni Tita Helen ang regalo niya. Sino ba namang matinong tao ang hindi sasaya sa iPad Air 'di ba? Panay na tuloy ang pagseselfie ni Tita at take note, may snapchat na siya guys. May snapchat na siya, habang ako, nganga. Feeling ko nga, ngayon na talaga ang panahon na makakahanap si Tita ng lovelife since palagi na siyang active sa facebook.
Mag-iisang lingo na rin simula nang mag-iba ang trato nina Jake at Red sa akin. Mas lalong nagging protective ang dalawa at parati nila akong ginagawang prinsesa. Hindi naman sa ayaw ko pero nakakapanibago lang talaga kasi tapos may mga times pa na feeling ko maiihi ako sa kilig. Ang gwapo kaya nilang dalawa tapos ganoon ang trato nila sa'yo. Shet lang!
"Maureen, I'll buy your food," pagkukusang loob ni Jake.
"No, ako na, Guzman," sabi naman ni Red sabay tayo rin.
O, kita niyo na? Hindi naman ganyan si Red dati eh. Tapos si Jake mas lumevel up pagiging gentleman niya. Enebe. Kenekeleg eke. Pranka ako sa feelings ko pero sa ngayon, hindi ko magawang sabihin sa kanilang dalawa na kinikilig ako. Lalo na kay Red.
"Ako na," sabi ko saka tumayo na rin. Ayoko maging pabebe noh.
"Ikaw bahala," sabi naman ni Red saka naglakad patungo sa counter ng canteen. Aba! Ang daling sumuko ng tibong 'yun ah? Hindi ba niya alam anong meaning ng hard-to-get?
"Pa-hard to get ka pa kasi," tawa naman ni Jake. Hindi mo na naman halos makita ang mata ninya, "Ako na bibili ng food mo, okay? Stay here. Bantayan mo na lang mga gamit natin," ngiti nito.
Ah ganun? Kikiligin na sana ako kay Jake kaso baggage counter lang pala ang tingin niya sa akin. Nako! Mga lalake talaga, hindi maintindihan kung anong kiliti ng mga babae. Eh si Red nga mismo na half babae na, hindi alam, si Jake pa kaya.
"Tama na ang titig sa akin, matutunaw ako," sabi ni Red habang kumakain.
"Excuse me 'tol? Sa akin siya nakatingin," sabi naman ni Jake.
"Sa pangit mong 'yan? Seryoso ka?" pangungutya ni Red. Ang sama talaga. Jusko.
"Hoy! Mas pangit ka, pati ugali mo, pangit!"
Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga taong nakaupo sa table na nasa gilid namin. Ibang klase rin mag-away ang dalawang 'to eh. Sobrang liit na bagay, pinapalaki. Tapos puro laitan pa ang pinagsasabi. Mas mabuti na rin siguro 'yan kaysa naman magsuntukan silang dalawa. Parang away bata lang naman sila kung mag-away eh.
Ako lang ba ang mature sa lamesang ito?
"Magsitahimik nga kayo! Nakakahiya sa mga tao oh," sita ko sa kanilang dalawa.
"Red started it."
"Si Jake 'yun ha."
Tamang-tama naman at natapos na ako kumain. Maiwan ko nalang nga muna itong dalawa dito. Sarap pag-umpugin eh. Parang mga elementary na nag-aagawan ng laruan! Baka mapagkamalan pa akong mama ng dalawang 'to. Bakit ba kasi mga immature type ko?
"Where are you going?"
"San ka pupunta?"
BINABASA MO ANG
Saving Her
Teen FictionRed Valderama, who is also known as the badass butch of R University. Longing for her real mother's love, and never getting it, she rebelled and became a cassanova. But after saving her ultimate fangirl from a car accident, things seem to change for...