Chapter 17: Red vs. Jake

100 8 6
                                    


Maureen's Point of View:


 (Tinatawag ka na ng tita mo oh. Sige, bye.)


Magsasalita pa sana ako nang bigla niyang ibaba ang tawag. Napasimangot tuloy ako. Ano na naman kayang problema ng tibong 'yun? Ang moody moody talaga. Tama nga ang sinabi ni Jel, pabebe ang friend nila. Na-bad mood na rin tuloy ako.


"Hey, why are you frowning?" nagtatakang tanong ni Jake.

Isa pa 'tong lalake na 'to. Andito naman sa Pilipinas pero english nang english. Hay nako! Bakit ba ang init ng ulo ko ngayong araw? Nakatingin pa rin si Jake sa akin at naghihintay ng sagot, "Wala," tipid na sagot ko rito. Tumango-tango naman ito. Alam na siguro na bad mood ako.


Tinulungan ko na si Tita Helen sa pag-arrange ng table cloth. Tumulong na rin si Jake sa paglagay ng mga pagkain sa mesa. Ang aga-aga kasi dumating ng lalaking 'to, ayan tuloy, instant helper siya dito. Maya maya pa ay natapos na rin ang paghahanda namin. Nilagay ko ang cake sa gitna at nagtusok ng dalawang kandila na hugis 3 at 8. 38 years old na kasi si Tita Helen pero wala pa rin talagang asawa. Jusko. Sana hindi ako matulad sa kanya.  

Sumilip ako sa bintana ng kwarto ko at nakitang nagsidatingan na ang mga bisita ni tita. Kadalasan sa mga dumalo ay kamag-anak ko rin samantalang hindi ko na kilala ang iba. Nagsimula nang maging crowded and bahay at umiingay na rin. Mas lalo tuloy umiinit ulo ko. Ano ba 'to! Dapat good mood ako ngayon kasi birthday ni Tita Helen.

Nag-inhale exhale ako ng mga limang beses saka lumabas sa kwarto. I put on a wide smile habang gine-greet ang bawat isa sa kanila. Nakita ko si Jake na nakaupo sa sala habang nakatitig sakanyang cellphone.


Umupo ako sa tabi niya, "Feeling out of place?"

"Ang tagal mo kasi magbihis," sabi nito habang titig na titig pa rin sa cellphone. 

"Sorry lang. Presentable na ba ako tingnan?" isang simpleng white dress lang ang sinuot ko at naglagay na rin ako ng konting make-up para mas lalo naman akong gumanda. 

Napatigil ito sakanyang ginagawa at tiningnan ako. Napatitig pa ito ng matagal bago tuluyang makasagot, "You're always beautifulto look at," ngiti nito sa akin.

Hinampas ko siya, "Sabi ko presentable, hindi beautiful. Bolero mo po."


Tumawa siya hanggang sa hindi na makita ang singkit niyang mata. Napailing na ang ako. Oo, alam kong beautiful ako pero wala ako sa mood marinig 'yan ngayon. Pero infairness, medyo kinilig ako sa sinabi ni Jake. Sorry lang siya, hindi na siya ang kinaadikan ko ngayon. Sana makita na rin ni Red ang gandang taglay ko. 

Nag-gather na kami sa mesa upang magdasal at mag-greet kay Tita Helen. Sabay sabay kaming kumanta ng Happy Birthday at matapos nun ay pumila na para sa pagkain.  Ako ang nagbigay ng mga plato sa nakalinyang bisita habang si Jake naman ang nagbigay ng kutsara at tinidor.  Kampante rin naman ako na hindi kami mauubusan ng pagkain dahil alam kong marami pa sa kusina.

Natapos na ang linya hudyat na kami na ang susunod. Kumuha lang ako ng konting crab, pansit at kanin saka tumungo sa labas para roon kumain. Naglagay talaga kami ng tables and chairs sa labas dahil medyo mainit at masikip kasi sa loob kung doon lahat ng bisita kakain. Nilapag ko ang plato sa lamesa na nasa ilalim lang ng puno. Sumunod naman si Jake na punong-puno ang plato. Mga lalake talaga, ang tatakaw.

Saving HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon