Red's Point of View:
"Good morning Aku!" masiglang bungad ng aming bunsong kapatid, "Okay ka na ba?"
Aku means Ate na Kuya. Simula nang magkaroon siya ng isip, ganyan na ang tawag niya sa akin dahil 'di raw bagay sa itsura ko ang tawaging ate at 'di rin daw ako pwedeng tawaging kuya dahil 'di naman ako tunay na lalake. Medyo complicated na ang utak kahit bata pa ano? Pabayaan nalang natin siya.
"Oo naman. Makakalabas na nga ako mamaya eh."
"Yehey! Meron na ulit akong matinong kalaro sa Tekken 6," galak na sabi nito. Adik talaga sa video games -.-
"Bakit? Hindi ba ako matinong kalaro?" sabat ni Ry.
"Hindi."
"Aba bakit?"
"Walang challenge. First round pa lang, talo na agad. Weak," sabi ng bata sabay tawa.
"Walang hiya kang bata ka!" patakbong lumabas ng kwarto si Ryel na siyang sinundan naman ni Ry. Malayo na naman ang aabutan ng dalawang 'yon.
Naiwan tuloy akong mag-isa sa loob ng kwarto. Saan na ba kasi yung personal alalay ko? Dapat kanina pa siya andito eh. May nangyari kayang masama dun?
Wait!
Hindi ako concern ha! Kailangan ko lang talaga siya ngayon dahil... dahil... ang loner ko dito sa kwarto. Gusto kong mambully. Tama! Yun ang dahilan.
Bigla namang bumukas ang pinto, "Hi.Red! Sorry.kung.late.ako."
Para siyang hinabol ng aso sa itsura niya. Gulo-gulo ang buhok at pawis na pawis. Hashtag haggard look.
"Bakit na-late ka? Anong nangyari sa'yo?"
"Late na kasi akong nagising tapos traffic pa talaga. Hindi na nga ako nag-breakfast eh."
"Huh? Kumain ka muna dun sa canteen."
"Okay lang ako Red," ngiti niya, "At saka hindi kita pwedeng iwan mag-isa dito noh."
"Kaya ko naman mag-isa. Baka magka-ulcer ka niyan sa ginagawa mo," mga linyang pinagsisihan kong sabihin dahil bigla siyang natigil at namula.
And by that time, alam ko na ang susunod niyang sasabihin— concern ako sakanya.
"Yieeee! Concern siya sa akin!"
Hindi nga ako nagkamali -_____-
"'Di porke't sinabihan kitang kumain ka na, concern na agad ako sa'yo. Gusto ko lang muna mapag-isa dito sa kwarto."
"Denial ka pa talaga Red. Hihihi."
Pwede bang mahiya naman siya sa akin kahit once lang? Ang kapal kasi talaga ng mukha niya. Feeling niya close na kami masyado -.-"
"Bahala ka na sa buhay mo kung kakain ka ba o hindi, matutulog muna ako," sabi ko sabay takip ng kumot sa aking ulunan.
Imbis na ako sana ang mambu-bully, ako pa tuloy ang natalo. Nakakainis talaga na babae. Nakuha pa akong pagtawanan. Ang bait na alalay.
-
"Saan na ang mga kapatid mo?" tanong ni Lolo. Kakarating niya lang sa ospital.
Tanghali na pero nowhere to be found pa rin ang dalawa kong kapatid. Sabi na nga ba, malayo na naman narating ng mga 'yon.
"'Di ko po alam."
"Sabi ni Ry kaninang umaga, papunta raw sila rito. Eh san sila pumunta?" pagtataka ni Lolo.
"Andito sila kanina pero nag-asaran kaya ayun, naghabulan palabas at hindi ko na alam san sila ngayon," pagpapaliwanag ko.
"Oh, I see."
Pina-last check-up muna ako ni Lolo bago kami makakauwi sa bahay, to make sure na kaya ko na talaga. The results were good, kailangan ko nalang daw ng therapy.
"Hi Lolo!" sabay na bati ng dalawa, parehong may hawak na sundae. Mga walang hiya! 'Di man lang ako naisip bilhan :(
"San kayo galing?" tanong ni Lolo.
"Sa Mcdo po," sagot ni Ry.
"Nilakad niyo lang yun?"
Umiling silang dalawa, "Tinakbo namin," sabay nilang sabi.
Lakas talaga ng trip ng dalawang ito -.-
"Ry, pakibitbit na ang ibang gamit ni Red sa sasakyan," utos ni Lolo, "Uuwi na tayo."
"Okay po," sagot niya dito, "Tulungan mo ako Ryel," utos niya sa isa. Masunurin na bata ang aming kapatid kaya agad itong sumunod sa utos.
Inalalayan naman ako ni Lolo maglakad. Nagbrunch pa kasi ang personal alalay ko. Hindi niya talaga ako iniwang mag-isa kanina.
"Ako na po Sir," sulpot ng aking personal alalay paglabas namin ng elevator.
Pinaubaya naman ako ni Lolo sakanya at naiwan tuloy kaming dalawa. Parang magsyota ang posisyon namin kung titingnan sa likod pero pag titingnan mo sa harap, malalaman mong hindi dahil sa expression ng mukha ko: nakasimangot at parang gustong lumayo.
"Red," sabi niya na parang nahihiya.
"Bakit?"
"Ang sweet ng position natin oh.. pinagtinginan tuloy tayo ng mga tao. Hihi."
WTF -.- Feel na feel niya ang moment. Kung nakakalakad lang ako ng maayos, kanina ko pa 'to iniwan eh.
-
"Pakilabas na ang mga gamit," utos ni Lolo sa mga katulong. Kakarating lang namin sa bahay.
Manghang-mangha naman ang isa dahil nakita na rin daw niya ang bahay ko sa wakas.
"Ang laki naman ng bahay niyo Red. Times three sa bahay namin. Hihi."
'Di ko siya pinansin sa sinabi niya. Nauna siyang lumabas at inilalayan ako palabas. Same style pa rin nung kanina. Buti na lang at 'di ito nakikita ng barkada ngayon.
Malapit na kami sa may pinto nang may na-sense akong kakaiba. Agad namang binuksan ng katulong ang pinto nung makatungtong kami sa front porch..
Kasabay ng pag-open ng pinto ang tunog ng isang party popper, "Welcome home!" sabay-sabay na sabi ng barkada at iba pang miyembro ng soccer team.
WTF -___________-
BINABASA MO ANG
Saving Her
Novela JuvenilRed Valderama, who is also known as the badass butch of R University. Longing for her real mother's love, and never getting it, she rebelled and became a cassanova. But after saving her ultimate fangirl from a car accident, things seem to change for...