Red's Point of View:
"Ang aga niyo naman po Ma— ay Sir pala," bungad ni Manang Hilda pagdating ko sa dining.
Sinamaan ko siya ng tingin. Ang tagal tagal na niya dito pero 'di pa rin nagsi-sink in sa utak niya na ayaw ko ngang tawagin ng Ma'am dahil Sir ang gusto ko. SIR. Nakaka-urat isipin, "Paghandaan niyo na lang ako ng gatas. Sa labas na ako kakain."
"Okay po, Sir," yuko nito. Mabuti naman at 'di na siya nagkamali.
It's still 5:15 in the morning kaya wala pa masyadong tao sa paligid. Usually 6:00 na sila naghahanda ng breakfast dahil 'yan ang oras ng paggising nila Lolo. Hindi ko nga rin alam at bakit ganito ako kaaga nagising ngayon eh, pero mabuti na rin 'to para masimulan ko na ang pagbawi kay Maureen.
Napag-isipan kong susunduin ko siya sa kanila para 'di na siya mahirapan sumakay ng jeep. O diba, marunong din akong ma-concern sa isang tao. Pano ba naman kasi, kinain ako ng konsensiya ko kagabi. Halos 3 hours na nga lang ang nailaan ko para sa aking tulog.
"Ito na po ang gatas niyo, Sir," lapag ni Manang Hilda ng mug sa aking harapan.
Mabuti naman at tama na ang naitawag niya sa akin. Nginitian ko siya, "Salamat, Manang."
Humigop ako kaunti dito. Ang sarap talaga uminom ng mainit-init na gatas sa ganitong oras. Binitbit ko ang baso patungo sa balcony at doon ipinagpatuloy ang pag-inom nito. Naisipan ko na mga 6:00 na lang ako aalis dito sa mansion.
"Ang aga-aga mo naman nagising sister slash brother dear," bungad niya sa akin paglabas ko ng pinto. Kakatapos ko lang kasi maligo, "I'm so proud of you," dagdag pa nito sabay slow clap.
Sinamaan ko siya ng tingin, "Ang aga-aga nang-iinis ka na naman."
"Hindi ah. Pinupuri ka nga," ngiti nito. Plastic na ngiti, "Anong meron sister slash brother dear?"
"Wala," sabi ko saka siya nilagpasan. Harang kasi sa daanan.
"You will make bawi and harana?" tanong nito na nagpalingon sa akin.
"Bawi and harana?"
"No. Bahaw and harina," napalingon kaming dalawa sa dako ng nagsalita. Aba! Si Ryel. Ang bata-bata pa pero marunong nang mambara. Namana na niya ang mga kabalastugan ni Ry, "Bakit ka babawi at manghaharana kay Ate Maureen? May nagawa ka bang bad sakanya, Aku?"
Fuck. Na-hot seat tuloy ako ng batang 'to.
Nilapitan ko siya at ginulo ang buhok, "Nako! Ang bata-bata mo pa, chismoso ka na. 'Wag ka gumaya diyan kay Ate Ry. Bad influence 'yan," sabi ko sabay ngiting nakakaloko kay Ry.
Pinandilatan ako ni Ry, "Mas bad influence 'yang Aku mo, sinaktan niya si Ate Maureen kaya babawi at manghaharana siya ngayon. 'Wag mo siyang gayahin pag nagka-girlfiend ka na Ryel ha. 'Wag ka magpa-iyak ng mga babae," sabi nito. Sarap lang sapakin eh!
"Sinaktan niyo po si Ate Maureen?" hindi makapaniwalang tanong ni Ryel.
Lagot ka talaga sa akin Ry!
"Hindi ah! Sinisiraan lang ako ni Ate Ry! Nagka-misunderstanding lang kami ni Ate Maureen mo, hindi ko siya sinaktan," depensa ko sa aking sarili, "Maiwan ko na nga kayong dalawa. Mali-late na ako," sabi ko at dali-daling umalis sa kanilang harapan.
BINABASA MO ANG
Saving Her
Novela JuvenilRed Valderama, who is also known as the badass butch of R University. Longing for her real mother's love, and never getting it, she rebelled and became a cassanova. But after saving her ultimate fangirl from a car accident, things seem to change for...