Chapter 8: Tulala

282 11 7
                                    

Maureen's Point of View:

"Huy! 'Wag ka masyadong magpapagod," saway ko kay Red. Pano ba naman. Panay ang laro ng tennis sa wii kahit hirap na hirap na sa kanyang sitwasyon.

"'Wag mo nga ako pakialaman," sagot niya nang hindi inaalis ang tingin sa laro.

"Reminder lang po," concern kasi ako sa'yo. Yieee. Hindi ko nalang dinugtong kasi baka magalit na naman siya at pag-initan ako, "Bababa muna ako. Kukunan kita ng makakain at maiinom. Mukhang kailangan mo ng energy eh," pang-aasar ko bago tumayo at lumabas ng recreation room.

Nasa may hagdan ako nang may narinig akong pinto na bumukas. Paglingon ko, si Red. Baka naiihi. Tumalikod na ako at pinagpatuloy ang paglalakad.

"Sama na ako sa'yo sa baba," napahawak ako sa railings sa sobrang gulat. Bigla ba namang magsalita at nasa tabi ko na ang gwapong maldito na tibo.

"Ano ka ba Red! Ginulat mo ako!"

"Gulat ka na pala niyan? Wala kasing pinagkaiba ang mukha mo ngayon sa normal mong mukha," bahagya niyang hininaan ang boses, "'Di pa rin maganda."

"Anong sabi mo?" pagtataas ko ng kilay.

"Walaaa."

"Gaganda rin ako sa paningin mo! Tiwala lang Redaniella Valderama!" sabay wink. Parang yung bata lang sa Dream Dad hihi

"Ikaw? Gaganda sa paningin ko?" sabi nito sabay lapit ng mukha. Napapikit nalang tuloy ako. Nasa dining area na kami ngayon. Shet. Baka may makaki—

"The heck Red? Dito talaga sa dining?" may nakakita na nga. Dahan-dahan kong binuka aking mga mata at mas nanlumo nang makitang hindi pala nag-iisa si Ry. Kasama niya si Ryel pero tinakpan niya ang mga mata nito.

Panira naman oh! Hihi joke.

"Gagu. Iba yang iniisip mo," sagot ni Red dito saka bumaling sa akin, "Hoy ikaw, may papikit-pikit ka pa. 'Wag kang feeler. 'Di yun mangyayari ulit."

Naiwan tuloy akong tulala pa rin at medyo nanghihinayang. Medyo lang naman.

"Kayo ha," panunudyo ni Ry.

"Ate, ako dapat ang ring bearer sa kasal niyo ni Aku ha?" dagdag pa ni Ryel.

"Hindi pa nga kami, kasal agad? Ikaw talagang bata ka," sabi ko sabay gulo sa buhok nito.

"Hindi PA," pag-eemphasize niya sa pa, "Ibig sabihin, maaaring mangyari pa rin ang bagay na 'yan sooner or later. Kaya may chance pa rin ako maging ring bearer niyo, pwede rin namang isa sa mga groomsmen if malaki na ako by that time. Ay basta! Ang alam ko, boto ako sa'yo para kay Aku."

Juicolored na bata. Ang daming alam. Grade 4 pa lang pero parang ang dami nang terms na alam. Matalino siguro ito sa klase. Ang alam ko, matalino rin si Ry. Anyare kay Red? Joke lang! Ang talino kaya nung crush ko! Hindi lang halata.

"Hay nako Ryel. Dami-dami mo talagang satsat. Tingnan mo, na-speechless tuloy si Ate Maureen mo."

Ngumiti nalang ako. Ano ba kasing pinagsasabi ng Ryel na yan. Kinilig tuloy ako bigla. Pano nga kung kami talaga ni Red sa future? Ako na siguro ang pinakaswerteng babae sa mundo.

——

"Pwede na ba kitang iwan? Kailangan ko kasi magpractice para sa program," tanghali na, pero naglalaro pa rin si Red ng tennis. Wala talagang kapagurad ang tibong ito.

"Saan ka magpapractice?"

"Sa school."

"Okay," sabi nito nang hindi inaalis ang tingin sa screen. Hindi man lang ako pipigilan? Chos lang! Tumayo na ako at inayos ang pinagkainan niya.

"Tulungan na kita diyan," sabay kuha sa box ng oreos dahilan para magdikit ang gilid ng mga kamay namin. Sheeeet! Agad din namang naputol ang kilig moment na yun nang dali-dali niyang inalis ang kamay.

Ano ba naman yan! Kanina hindi natuloy yung kiss tapos ngayon hindi naman matuloy ang paghoholding hands? Asan ang hustisya?

"Ano? Tutuloy ka pa ba sa school o tutunganga ka nalang diyan?"

Ay shet. Na-overwhelmed ako sa nangyari.

"Tutuloy po."

Red's Point of View:

"Huy, gising na."

Andito na pala kami. Napagod yata ako sa kaka-tennis kaya naka-idlip ako sa byahe.

Wala naman talaga akong gagawin dito sa school. Boring lang sa bahay kaya mas naisipan kong dito nalang tumambay. Plus wala ang lolo kong principal at konti lang ang mga estudyante since Saturday.

"Diba may gagawin ka pa? Pupunta na ako sa music hall ha? Ingat," paalam ng isa.

Naiwan ako sa may bench. Ninanamnam ang sariwang hangin habang nakikinig sa music. Hmm. Namiss ko tuloy ang hangin sa aming hacienda.

Sa sarap ng hangin, 'di ko namalayang nakatulog pala ako. I woke up with a box of cake beside me with a note saying, please be mine. Napailing nalang ako. Medyo madilim na ang paligid. Kamusta kaya ang practice nung isa? Mapuntahan na nga. Just to clear things out, ang sariwang hangin ang pinunta ko rito. 'Di ang babaeng 'yun.

——

"Okay, play the song one last time para makauwi na tayo," sabi nung instructor.

Tamang-tama lang ang pagpasok ko. She started playing the grand piano. Hindi siya kumakanta pero damang-dama mo pa rin ang song. I never heard that song before, I wonder what's the title.

Feel na feel niya ang pagplay ng song. The serious side of Maureen Guzman. 'Di ko inakalang magaling pala siya pagdating sa music..

"Uy Red? Okay ka lang?"

"Huh? Ah-oh. Yeah. Why?"

"Kanina pa kita kinakausap pero parang wala kang narinig. Teka nga.. Natulala ka sa akin noh? Yieeeeee!"

ABA MATINDE! Bilib na talaga ako sa pagka-assuming ng babaeng 'to.

"What the fvck? Itigil mo nga yang pag-iilusyon mo Guzman," poker face kong sabi sabay talikod.

"Tsk. Tsk. Sabi sayo eh! Gaganda rin ako sa paningin mo!" tuwang-tuwa na sabi ng isa.

Nagmadali na akong maglakad palayo dahil baka uminit na naman ang ulo ko sa babaeng 'yun. But, is it really possible? Natulala ba talaga ako sa babaeng 'yun? No. Never. Sa song ako natulala, 'di sa kanya.

**
CodenameXG: Sorry ulit for the very late UD guys. Ang gulo kasi ng utak ko. Hoho. Merry Christmas! :)

Saving HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon