Chapter 5: Balik Eskwela

245 10 0
                                    

Red's Point of View:


"Sheeeet! Si Red!"

"OMG!"


Narinig kong bulungan ng mga babae nung pagbuksan ako ng pinto ng driver namin. Hatid sundo ang peg ko ngayon sa kadahilanang hindi pa raw ako pwede magdrive kasi 'di pa ganoon kagaling ang kanang kamay ko at grounded pa rin ako.

Bumaba na ako at dinaanan sila sabay ngiti. Narinig ko namang nagsitilian ang mga loka paglagpas ko sakanila.


"Uy pre!" bungad ni Zinc pagpasok ko sa classroom. Dalawa pa lang kami since medyo maaga pa naman.

"Anong pinaggagawa niyo dito nung mga panahong wala ako?" tanong ko.

"Wooow. Kung makagamit ng salitang 'panahon' ang isang 'to oh."

"Aba loko 'to ah," sabi ko sabay action na babatukan siya, dali-dali tuloy tumakbo palayo ang ulol.

"Joke lang!"

"Sagutin mo nalang kasi."

"As usual, lesson doon, lesson dito. Feeling ko nga mababaog na ako dahil sa sobrang boring," sagot niya at naglabas ng buntong hininga.


Section A kasi kami kaya expected talaga na everyday may lesson. Sa totoo lang, 'di ko rin alam ba't nalagay ako dito.. siguro Lolo ko ang nagdecide since siya ang may-ari nitong university.

Unti-unti na ring nagsidatingan ang mga classmates ko. Ang iba sobrang natuwa nung nakita ako, ang iba naman natuwa lang, meron din namang mga walang reaction.


"Good morning class!"

"Good morning Ma'am Quezon."

"Take your seats," sabi nito, "Red! It's nice to have you back. How's your condition?"

"I'm fine," tugon ko.

"Good to hear that," ngiti nito sa akin saka binalik ang atensyon sa klase, "Now, let's start our discussion. Open your books on page 75..."


At dahil wala ako sa mood makinig sa discussion, nagdrawing nalang ako ng racecar sa likod ng notebook ko.


Feel na feel ko na ang pagdra-drawing nang may biglang kumatok sa pinto na dahilan upang matuon ang attention ko at ng klase roon, "Good afternoon. I have an announcement to make," sabi ni Ma'am Ramos, adviser ng section B, "You will have a new classmate."


Nagsimula nang magbulungan ang mga classmates ko. Ang mga girls, hinahangad maging classmate yung gwapo sa section B samantalang yung sexy na new student naman ang gusto ng mga boys— which is, gusto ko rin. HAHAHAHA


"Shhhh. Minimize your noise," saway ng adviser namin. Excited na kasi kaming malaman kung sino ba ang bago naming classmate.

"Ma'am! Sino bago naming classmate?" tanong ng makulit kong classmate kay Ma'am Ramos. Hindi halatang excited pre.


May tinawag si Ma'am Ramos mula sa labas at sinabihang lumapit ito sa may pinto ng aming classroom.


"Hi," ngiti nito na parang naiilang. Ang excitement ng klase ay tila napalitan ng disappointment sapagkat hindi ito ang inaasahan nila, especially ako.

Saving HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon