Chapter 1: Personal Alalay

482 13 0
                                    



Ugh. Ang sakit ng katawan ko. Teka,  asan ba ako? Bakit ang puti ng paligid? Ano bang nangyari? Am I in heaven? "It's way too impossible," sabi ni inner self. Aba! Ganun na ba talaga ako kasama para pati ang aking inner self  ay pagdudahan akong pumasok sa kingdom ni papa God?

"Doc, kamusta na po ang kapatid ko?"


Boses ni Ry 'yun ah? Bakit andito rin siya sa lugar na ito? Aha! One thing is for sure, 'di nga talaga ito heaven. Mas impossibe kasing makapasok ang isang demonyita doon. Andun pa lang siya sa gate na binabantayan ni San Pedro, siguradong tunaw na. 


"Okay na ang kondisyon niya pero we need to do one more thing bago siya tuluyang makalabas."


Huh? Anong one more thing ang pinagsasabi ng matandang lalake na kausap ni Ry?

Gusto ko sanang sumabat sa usapan kaso 'di ako makagalaw ng maayos at parang ang daming nakakabit sa katawan ko. What the fuck? Gagawin ba nila akong experiment?! Hindi 'to maari! Kailangan kong makawala dito! Demonyita forever talaga 'tong si Ry.


"Gising na ang pasyente," sabi ng matandang lalake saka ako nilapitan para tingnan.


Pasyente? Dinilat-dilat ko ang aking mga mata hanggang sa luminaw ang paligid. Wew! Nasa hospital lang pala ako. Pero bakit nga ba ako napadpad dito?  Nasangkot na naman ba ako sa isang gulo at nawalan ng malay?


"Hija, okay ka na ba?" tanong niya na nagpabalik sa aking presensiya. Umiling ako. Hindi sa kadahilanang hindi ako okay pero dahil sa pagtawag niya sa akin ng 'hija'. Walang hiya lang? Ang lalake na nga ng mukha at porma ko tapos hija pa ang itatawag sa akin ng doctor na 'to? Sapakin ko siya eh!

"May masakit ba sa'yo?"

"Oo."

"Saan?"

"Tenga ko," casual kong sagot with my famous poker face look. Napa-huh face naman siya, "Masakit sa tenga marinig ang tawagin akong hija," dugtong ko sabay death glare. Natulala naman ang doctor.

"Hahaha. Pasensiya ka na po sa kapatid ko, Doc. Ganyan lang talaga siya magsalita," singit ni Ry sa usapan habang dahan-dahan na lumalapit sa akin. Patago akong kinurot nito sa tagiliran. Fuck!

"Ah hahaha! Okay lang," tugon ng doctor sa kanya.


Napailing nalang ako, bigla namang nahagip naman ng mga mata ko ang isang pamilyar na mukha. Naka-upo siya  banda sa may pintuan at nakatingin sa akin. 'Yung tingin na parang may pagnanasa. What the fuck is she doing here?


"Bakit siya andito?" inis na tanong ko kay Ry.

"Sino?" pagtatakang tanong ni Ry.

Tinuro ko 'yung babae na naka-upo, "That girl."

Sinundan ng tingin niya ang turo ko, " Ah, Don't you remember? You saved her."



Loading...



"Reeeeeed!"



Saving HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon