Red's Point of View:
"Ang sweet naman," bulong ni Ry sa akin mula sa likod ng van.
Kasalukuyan na kaming pauwi sa Manila at nagbago na ang posisyon namin pag-uwi. Si Ryel at Ry na ang magkatabi sa pinakalikod na seat at kami na ni Maureen ang magkatabi sa middle seat. Exchange of partners lang ang nangyari. Nakiusap kasi ako kay Ryel na pagtabihin kami ni Maureen at dahil supportive brother siya, pinush niya na magtabi kami. Magaling na bata.
"Tumahimik ka nga, baka magising siya," sagot ko rito na pabulong rin. Ang himbing ng tulog ni Maureen sa balikat ko ngayon at baka bigla siyang magising dahil sa kabalastugan nitong si Ry.
"Protective ang gago. Pwe!"
"Patay ka sa akin mamaya," pabulong na pagababanta ko rito.
Mga ilang minuto pa ay nasa harapan na kami ng bahay nina Maureen.
"Hey, gising na," alog ko rito.
Unti-unti niyang dinilat ang kanyang mga mata, "Sorry."
"Why?"
"Natulugan kita."
"It's okay," ngiti ko rito.
"Asus!" side comment ni Ry sa likod. Hinayupak talaga na babae.
Ngayon nga pala ang uwi nila Mom at Dad galing sa California for a business trip kaya pagkatapos namin hinatid si Maureen ay dumiretso na kami sa airport. Hindi ko inaasahan na kasama rin pala nila si Lolo na uuwi. The fuck. Imbis 1 month pa dapat akong toxic-free, naging 3 weeks lang.
On our way home, napadaan kami sa Mall-E at napagpasyahan namin na sa French Baker na lang magdinner since medyo traffic on our way home and gutom na gutom na kami. Kumpleto ang pamilya ngayon and I know na may mahaba-habang catch up na mangyayari dito.
"Kamusta na ang grades mo, Red? Is change coming?" panunukso ni Dad. Hindi kasi lingid sa kanilang kaalaman na simula pa noong grade 1 ako hanggang ngayon ay walang pagbabago. Kung hindi bagsak, pasang-awa. Kabaliktaran kay Ry. Hindi naman dahil sa bobo ako pero tamad lang talaga.
"Bibigyan kita ng bagong car if magiging honor ka this grading," sabi naman ni Mom.
Napatingin naman si Dad sakanya at tumawa ng malakas, "Hahaha. Ikaw talaga, Zeni! Lakas mo makasabi ng ganyan kasi alam mong hindi naman mangyayari," pinaningkitan ko naman si Dad, "Peace big boy!"
Tanggap na tanggap ni Dad ang pagiging tibo ko. Siya nga mismo nagpaboy cut sa akin nung four years old ako. Tinuturuan pa lang daw niya akong maglakad, alam niyang iba na ang mga hakbang ko. O 'di ba, bilib din ako sa Dad ko.
BINABASA MO ANG
Saving Her
Teen FictionRed Valderama, who is also known as the badass butch of R University. Longing for her real mother's love, and never getting it, she rebelled and became a cassanova. But after saving her ultimate fangirl from a car accident, things seem to change for...