Suzy's POV
Ang hirap palang tumakbo lalo na syempre kung nakaheels at dress ka na alam mong wa-poise kung madadapa ka. Yung sobrang sakit na ng paa mo pero wala kang magagawa. Tumakbo ka na eh, sinimulan mo na, kaya dapat hindi ka huminto. Kasi kapag ginawa mo yun parang nilunok mo na rin yung pride mo. Ikaw yung unang lumayo at ikaw yung unang tumalikod. Ngayon, panindigan mo yan. Tiisin mo kahit anong klaseng sakit pa yang dinadaing mo, kahit saang parte pa yan ng katawan mo. Isipin mo nalang na may mga pagkakataong mas masasaktan ka pa. Gaya ng kung ipapagpapatuloy mo pa ang pagtakbo, ang paghula sa mga pwedeng mangyari kung hindi ka umalis, at ang pinakamasakit sa lahat..
Yung pag lingon mo.. wala palang humahabol sayo. Malalaman mong tumatakbo ka lang pala para sa wala. Mas masakit pa yun sa paglunok ng pride, o sa sugat sugat mong paa.. Masakit talaga..
Nagising nalang ako ng hindi ko alam kung pano ako nakatulog. Ang huling naalala ko, sumakay ako ng taxi at bumababa sa tapat ng bahay namin.
I decided to get up nung narinig kong may nagdoorbell. Lalo akong nagmadali paulit ulit na pinindot yung doorbell ko.
"WHAT THE F-" uck..
"Ayumi.. gusto ko lang magusap tayo" sabi niya habang nakahawak sa kamay ko
"Paulo wala na tayong paguusapan eh. The fact that I saw you with that girl naked and..." I stopped to wipe my tears "doing 'that' it makes me sad.. Hindi mo man lang inisip yung mararamdaman ko. Gago ka rin eh no? Sinama sama mo ko sa bar na yon tapos iiwan mo ko!! Tapos makikita nalang kita may ginagawa ka nang milagro"
"Bakit Ayumi? Naiisip mo rin ba yung nararamdaman ko tuwing magkasama tayo at siya parin ang iniisip mo? Tangina naman eh. Lahat naman ginawa ko para sayo eh. Alagaan ka tuwing lasing ka, samahan ka tuwing may pupuntahan ka, mahalin ka. Lahat yon ginawa ko. Pero ano? Napansin mo ba yon ha? Hindi diba? Kasi hanggang ngayon siya parin yang laman nyang puso mo. Oo, mali ako. Pero ano bang kasalanan ko? Yung iwan kang magisa diba? Yun lang naman diba? Kas-" pinutol ko na yung sasabihiin niya, mas mabuting ako na ang magsabi kaysa manggaling pa sakanya
"Kasi magkaibigan lang naman tayo. Hindi naman kita boyfriend at hindi mo naman ako girlfriend diba? Yun yung isusumbat mo diba? Ha-ha, nakakatawa lang Paulo, nung nakita kitang tumingin sakin akala ko mahihiya ka. Kasi pagkatapos mong iparamdam sakin na gusto mo ko makikita kitang may ibang kinakama! Kaya tumakbo ako palayo. Kasi alam kong gusto mo ko. Alam kong magsosorry ka, alam kong susundan at hahabulin mo ko para magpaliwanag. Kaya putangina kahit masakit sa paa, tumakbo ako. Pero alam mo kung anong mas masakit ha? Yung paglingon ko wala ka. Walang Paulo na gustong magpaliwanag at walang Paulo na humihingi ng sorry. Pero kahit kalian, wag na wag mo kong susumbatan na hindi kita inalala kahit kalian. Andito ko sa tabi mo all the while, at wag mong isusumbat na hindi kita binigyan ng halaga, dahil kung hindi sana, kagaya ng iba, kinalimutan narin kita."
"Sorry Ayumi. Sobrang sorry, ayun yung pinunta ko dito para humingi ng sorry.. Sorry sa mga nasabi ko.. Sorry kasi nagpadala ako sa emosyon ko..I know I am stupid, too shallow at nandito ko para humingi ng tawad. Sorry. S-sorry sa lahat ng nagawa ko, sa lahat ng nasabi ko. Sorry, please give me another chance please. I'm begging you" umiiyak siya at halos lumuhod sa harapan ko..
This is breaking my heart.. Hindi ako magpapaka impokrita, I admit, I almost fell inlove with him. I'm just stopping myself because I know it is too soon and I know I am still inlove with him. But I got to this thing that's been bothering me for a long time..
"Too late for sorry. Ikaw parin pala si Paul.. You are still the old you.. Your words are still sharper than any knife..Sige ipaliwanag mo, hindi mo ko hinabol kasi tinapos nyo pa nung babaeng yun yung ginagawa nyo diba?! Mali ba ko ha?! Sabihin mo sakin, mali ba ko?!"
"I'm so sorry... I was drunk"
"What the fucking reason? You are drunk? Hahaha. It's too late for sorry.. It hurts yes, but I got to let you go. You clouded my mind for a long time. Yung sinabi mo sakin nung mga bata pa tayo, na pangit ako at lahat. Kung gaano ako nasaktan sayo noon, ganun din ako nasasaktan sa ginawa mo ngayon. Akala ko may chance tayo. Akala ko lang pala yun. Maybe someday we can be friends again.. but for now....
Please leave me alone.."
His POV
I know I am evil but I just did what I have to do. Tao din naman ako kaya nung una nakokonsensya pa ko pero nung pumayag siya dun sa babae na gawin nila yun, hindi ako makapaniwala. I set it all out. Kinausap ko yung babaeng malandi na laging nagmmessage sakin. Sabi ko may ipapakilala ako sakanya and she can get him if she can seduce him. Akala ko matigas ang paninindigan nya kay Suzy but he failed. Bumigay siya eh., pumayag siyang may mangyari sakanila. Nung pumayag siya that time I fucking felt like I should be really fucking greatful.. Now it's my time.. and soon she'll be mine again, I fucking swear.
BINABASA MO ANG
Miss A
Teen FictionMeet Suzy. Isa na siguro siya sa mga babaeng "Ms.-Have-it-all". But we never really know kung ano nga bang buhay yung meron siya kung hindi siya mismo yung magkkwento diba? -Sorry I really suck in creating story reviews. So here you go! ^__^ ENJOY!