A/N: Hello readers :))))) Sorry tagal ng update. Puro longtest eh. Hahaha. Pinapabilis ko rin kase yung pacing ng story. Ayuuun. hoy hoy hoy hoy! Try nyo naman magparamdam. Magcomment naman kayo! =))))))) Para mainspire ako magupdate. Kahit isang "update!" lang :))) masaya na ko :))))) Alam niyo ba....
Nagulat nalang ako pagbukas ko ng wattpad sa homepage. Pati ba naman sa story ko may gumagaya na. Title palang napaghahalataan na ehh. Ay nako talaga ha. Sana naman wag gayahin. Bukod kay *toot* eto nalang yung meron ako na pwede kong ipagmalaki.
Ayun, pasensya na ha, kung minsan kase nagkakaron ng delay sa mga updates. Busy kase lagi sa school works, projects, longtests, boyfriend. Hahahahah chos lang. :))) Sino ba dito yung mga maka-L o kaya maka-Paul? Haahahahaha dali comment niyooo :))))) hahahaha.
Sige na nga, eto na. Wala nang kung ano ano pa. Read and Enjoy! Don't forget to Vote and Comment. :)
______________________________________________________________
Chapter 16
Suzy's POV
Nakasalubong ko si Sky kanina, after nung game nila. Binati ko kase siya ng happy birthday tapos ininvite niya ko sa birthday party daw niya sa bahay nila mamaya. Makakatanggi ba naman ako, syempre pumayag ako. Since alam kong kasama niya si Shirley at hinihintay siya nun, nagpaalam na ko. Sabi ko text text nalang.Paguwi ko sa bahay nakita ko si kuya. Nakaupo sa sofa. Nakatulala with straight face.
"Huuy! Kuya!" tawag ko sakanya tapos parang magic, nawala siya sa pagiging tulala niya.
"Oh Suzy. Ikaw pala yan! San ka galing?"
"Ayyy! Lutang?! Malamang sa school diba?"
"Sorry naman diba!"
"Ehh bakit tulala ka jan ha!"
"Ah.. eh.. Wala lang. Trip ko lang" tapos binaling niya yung tingin niya sa TV. Tinabihan ko siya sa sofa tapos hinug ko yung right arm niya.
"Di ko ipagkakalat" sabay taas ng right hand "PROMISE!" tapos ayun tumigin siya sakin tapos nagsalita.
"Nafriendzoned ako"
I almost burst into laughter nung narinig ko yun. Buti nalang napigilan ko.
"Say whaaaaat?! Sa gwapo mong yan? Nafriendzone ka pa?!" Natahimik siya. Parang pinagiisipan niya kung ano bang dapat niyang sabihin.
Bago pa siya makapagsalita, nagring young cellphone niya. Syempre, ako tong tsismosa, todo dikit ng muka sa cellphone at todo pakinig :)))
"Oh Rachel.. Ohh.. BAKIIIT?!.. Talaga? Asan ka ba?!.. Sige pupuntahan na kita, hintayin mo ko.. Sige" tapos binaba na niya.
"Uhm Suzy, alis muna ko ha!" tapos bigla siyang tumakbo. Hahahahaha. Ang cute.
Pumunta ko sa kwarto ko para ilapag yung mga gamit ko tapos nagshower. Nagbihis ako tapos nagpatuyo ng buhok. Inayos ko narin yung mga gamit na dadalhin ko mamaya. Hindi ako pwedeng sumugod sa gera na walang dalang armas. Lol, anudaw? :)))))
Dahil alam kong mapupuyat ako mamaya dun kila Sky, nagbaon na ko ng extra clothes. Tinignan ko yung orasan. Hmm.. Mejo maaga pa. Malamang wala pa yun si Sky sa bahay nila. Yoko muna pumunta. Magpapaspecial muna ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Miss A
Teen FictionMeet Suzy. Isa na siguro siya sa mga babaeng "Ms.-Have-it-all". But we never really know kung ano nga bang buhay yung meron siya kung hindi siya mismo yung magkkwento diba? -Sorry I really suck in creating story reviews. So here you go! ^__^ ENJOY!