Suzy's POV
Makalipas ang isang linggo, eto makikipagkita ulit ako kay Lou-.. Lance. Sorry. Hindi pa ko sanay na tawagin siyang ganun eh... Alam nyo yun yung magkamukang magkamuka talaga sila. Para silang kambal na separated at birth. Di kaya kambal talaga sila? *O* Pero parang napaka-imposible naman nun. Aishh.
Pero sa totoo lang, natutuwa ako tuwing nakikita ko siya. Masaya ako sa di ko malamang dahilan. Nung tumawag siya sakin nung isang araw at tinanong kung may lakad daw ba ko ngayon, kinabahan ako bigla. Date ba to?
Hindi niya alam kung saan ang condo ko kaya napagkasunduan naming sa SM Aura magkita. Medyo malayo yun sa'kin. Nagcondo kasi ako, hindi ko gusto ang ambiance sa bahay eh. Para bang may iba? Parang may bagay doon na nagpapaalala sakin ng lahat ng sakit at paghihirap na dinanas ko.. hay buhay.
Right after I finish putting make-up on myself, someone pressed the buzzer outside. Tumakbo ako para icheck kung sino yun. Pagbukas ko ng pinto, tadaahhh.
"Uhm.. Hi Suzy." si Lance *O*
"L-Lance! Ah..eh.. pasok ka!" nautal ako nalakahiya >\\\<
Pinaupo ko siya sa sala at nagsabing wait lang. Haha. Magsusuot lang ako ng sapatos at kukunin yung bag ko.
Pagkababa ko, nakita ko siyanh tinititigan ung portrait ko na nakasabit sa wall sa sala. Nakakahiya >////< Fierce yun eh hahahahahaha.
"Uhm.. Lance...?" pagtawag ko sa atensyon nya.
"Ang ganda ganda mo talaga. Sa picture man o sa personal. Muka kang prinsesa."
Waaah? Sinabi niya talaga yon?.. Nararamdaman ko yung pamumula ng pisngi ko.. Hala... >\\\<
"Uhm.. Thank you.. T-tara na?.."
Nagsmirk siya nung napansin niyang nautal ako.. That smirk... Louise's smirk. Shhhhh. No Suzy, si Lance ang kasama mo. Lance. Lance. Lance.
"Let's go"
---------
*His POV*
I'm dating her. Today, I'm living the life that I can't live before. Despite everything that happened, siya parin ang mahal ko. siya parin ang gusto kong makasama.
After namin kumain, marami kaming napagkwentuhan. Maraming beses ma muntik akong madulas na ako talaga si Louise. Ang dami dami niyang nashare sakin. Yung mga times na wala pa ako at wala na ako sa buhay nya.
She told me about her mom and her family but the sad part is that she never even mentioned my name... not even once... Masakit pare. Haha.. Aaminin ko medyo nabadtrip talaga ako dun kaya tinanong ko siya.
"Never ka pa nagkaboyfriend?" medyo may note ng bitterness yung boses ko. Hindi ko alam kung nahalata niya ba yun but she winced at my question. Matagal bago siya sumagot. Nakipagtitigan pa nga siya sakin eh.
"I once had." she told me while smiling. Alam kong fake yung smile niya. Atleast alam kong nasasaktan parin siya, which is a good thing. Nagpipigil ako ng ngiti ngayon.
Naguilty naman ako bigla nang nakita ko yung tingin sa mga mata niya. Sorry babe ha.. Kagaya na nga ng sabi ko sayo dati, onting tiis nalang.
Muli akong nairita nang may marining akong boses na tumawag kay Suzy mula sa likuran ko. "Ayumi!!" sigaw niya.
Nag-igting ang panga ko sa narinig ko. Boses palang kilala ko na to eh. What the fucking fuck is this fucking guy doing here? Sa inis ko nilingon ko siya and just what I was expecting, nagulat siya.
"What the fuck?! L?!" sabi niya habang nakatingin sakin. I played it cool.
"Uhm Paulo...hindi siya si L.. Lance... Lance ang pangalan niya"
Iniabot ko ang kamay ko sakanya as a gesture "Lance pare. Lance Cruz"
"Paul. Paul Jang." matabang niyang sagot sabay abot din ng kamay niya.
Sa pagitan naming dalawa ramdam ko ang tensyon. Puta to, kalalaking tao napakalandi! Damn fuck.
Malipas ang ilang minutong pangiistorbo niya ay nagpaalam naman. Yun naman pala, marunong naman pala siyang makiramdam. Leche.
"Osya Ayumi, mauna na ko." Tumingin din siya sakin at inabot ang kamay niya. Nang maglapit kami ay bumulong siya sakin.
Hindi yun simpleng bulong.
It's more like a threat.
"I know who you really are. Take off the mask L, di bagay sayo gago."
That son of a bitch.
--//--//--//--//--//--//--//--//--
A/N:
I have a new strory. Pakicheck nalang guys sa stories ko. Bagong idea. Sana magustuhan nyo rin. Thank you for the nonstop support.iloveyouall.
Catherine M., signing off.
BINABASA MO ANG
Miss A
Teen FictionMeet Suzy. Isa na siguro siya sa mga babaeng "Ms.-Have-it-all". But we never really know kung ano nga bang buhay yung meron siya kung hindi siya mismo yung magkkwento diba? -Sorry I really suck in creating story reviews. So here you go! ^__^ ENJOY!