4

1K 26 1
                                    

Chapter 4

Suzy's POV

Nakasakay kami ngayon sa sasakyan nya. Walang nagsasalita, awkward eh.

Date daw namin to eh, so libre nga niya.

Uy ah, first date ko to. Tapos etong si Gangster ang kasama ko. =_____=

Hay. Pero infairness ang gwapo nya ah. Ang gwapo pa nya magdrive.

Oopss? Erase erase erase. :)))) 

Hindi sya gwapo. Hmm.. COOL lang. hahahaa ^_______^

"May dumi ba ko sa  mukha?" Tanong nya habang nakatingin sa daan.

"Huh? Di naman kita tinitignan ah" depensa ko

"Bakit sinabi ko bang tinitignan mo ko? Ikaw ha!" nakangisi nyang pangaasar

"Che!" sabay tingin ko sa bintana.

"Naiinlove ka na no?" Nakangisi nyang tanong habang nakatingin sa dindrive nya.

"ASA KA PA!" Sigaw ko sabay saksak ng earphones ko.

Feeling ko may sinasabi pa sya eh. Kaso masyadong malakas yung tugtog ko. HAHAHA.

Yung itsura ko pala. Hahaha. Ganun parin. Cute at maganda. loljk.

Siya naman, naka black na jacket. Lalo syang nagmukang gangster.

Pero bagay naman sa kanya kaya ayos lang. Oo na.

Aaminin ko na, gwapo sya NGAYON. Ngayon lang ha. :P

Bukas di na. hahahaha ^________^

Ngayon ko lang napansin, napapangiti ako magisa. hala.

Tumingin ako kay L, nakangiti din sya.

Haluh! Minsan lang yan ngumiti ng walang dahilan.

Miss ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon