🌼Chapter: 9

325 6 0
                                    

I suddenly felt a tingling sensation in my head. Sumabay pa ang mabibigat na mata at katawan. Para akong binugbog nang paulit-ulit sa nararamdaman ko. Hirap na hirap akong bumangon, parang ayaw ko pumasok.


Ilang beses ako napabahing, pati ang panlalamig ay aking nararamdaman na. Mukhang magkakaroon pa ako ng lagnat ngayon, ah. Malas, may quiz kami ngayon. Baka malungkot si Alyssa na wala ako ngayon, charut.


"Hindi ka papasok?" Binuksan ni Mama ang pintuan, nakita niyang nakahiga parin ako.


"P-Papasok." Nahihirapang saad ko. I covered myself with a blanket, sobrang lamig kasi.


Naramdaman kong naglakad palapit si Mama. Dumampi sa aking noo ang malamig nitong kamay, napaigtad tuloy ako sa sobrang lamig.


"Nako, may lagnat ka. Huwag ka muna kaya pumasok?" Lumubog ang kama na aking hinihigaan, umupo siya sa tabi ko.


"May quiz ako." I tried to get up but fell back on the bed.


"Quiz? E' may lagnat ka!"


"Hmm." Nakapikit na sagot ko. I don't have the strength to speak. Ang gusto ko lang ay ang makapasok ako pero mukhang hindi ata kaya.


"Huwag kana pumasok, bukas nalang pag medyo okay kana." Inayos niya ang kumot na nakapatong sa akin. "Sabihan ko nalang si Akir–"


"Wag na!" I was suddenly alarmed when I heard his name. He didn't need to know.


"Anong wag na?" She Pushed my head lightly. "Para nga siya mag sabi sa teacher niyo."


I tried to get up again but Mama pulled me down. "Sabing mag pahinga ka nalang!"


"Naiihi ako!"


Naalis ang kunot sa noo niya at tumango nalang. I left the bed without a word and immediately went to the bathroom. I still walked limply, I almost fell down the stairs. I'm dizzy.


May narinig akong katok mula sa aming pintuan nang makalabas ako sa banyo. Kahit nanghihina ako ay naglakad ako patungo sa pintuan para pag buksan ang taong 'yon.


"Ano ginagawa mo dito?!" Kunot noo na tanong ko.


Nawala ang ngiti sa labi ni Clark nang makita ang ayos ko. "May sakit ka?" Akmang lalapit siya pero mabilis ako lumayo. Balak kasi hawakan ang noo ko.


"Medyo masama ang pakiramdam ko." Napaubo ako saglit at muli tumingin sakaniya. "Pakisabi nalang kung sakali may mag tanong."


He didn't speak, he just stared at me. Bumaba ang tingin niya sa aking suot na tanging sando at pajama lang.


Nataranta ako bigla sa tingin niya. I hugged myself to cover what he shouldn't see. Shit, nakalimutan kong wala akong bra.


"S-Sorry." Napaiwas ito ng tingin. "Chat mo lang ako pag may gusto ka ipabili para mabigay ko sa'yo pag uwi ko." He gave me a small smile before leaving.


"Ay, saglit!" Pigil niya nang marinig ang pagsara ng pintuan. Bigla siya humarap at muli lumapit sa akin.


"Ano?" Bored na tanong ko.


"Mag pagaling ka, ah. Wag ka muna mag cellphone. Magpahinga ka."


Napairap ako. "Kahit hindi mo sabihin, gagawin ko 'yon." Malakas ko sinarado ang pintuan pagkatapos sabihin 'yon.


Nanghihina ako bumalik sa kwarto para matulog. Nakasalubong ko pa si mama na kasalukuyan bumababa sa hagdanan.


Pagkapasok ko palang sa kwarto ay agad ko na ibinagsak ang aking katawan sa higaan. Mabilis ko kinuha ang kumot at tinaklob sa sarili. Nilalamig parin ako hanggang ngayon.


When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon