"Walang pasahod si boss, anong magagawa ko?" Pababa na sana ako ng hagdan kung hindi ko narinig ang boses ni Papa.
Nagtagal ako sa pwesto ko, balak makinig sa pinag-uusapan nila. Hindi ko rin maiwasan na bumigat ang pakiramdam sa tuwing naririnig sila.
"Kailan ba kayo papasahurin? 'Yan nalang palagi mong rason kaya wala kang pera!" Galit na sabi ni Mama.
"Puntahan mo nang malaman mo." Walangyang saad ni Papa.
Humigpit ang hawak ko sa aking pajama. Gusto kong bumaba at pagsalitaan si Papa pero hindi ko magawa. Natatakot ako sa maaring mangyari.
"Baka naman binibigay mo lang sa babae mo."
"Ako nga tigil-tigilan mo, Selya! Puro ka babae, babae!" Tumaas ang boses nito.
"Bakit? Hindi ba? Baka nakakalimutan mo, may anak kang babae tapos magloloko ka?!"
Nag-init ang bawat sulok ng mata ko. Nasasaktan ako sa tuwing ganito lagi ang pinag-aawayan nila. Walang araw ata na hindi sila nag-away, nakakarindi na.
"Ilang beses ko naba sinasabing wala akong babae."
"Huwag mo akong gawing tanga, Olan! 'Yan naman talaga ang dahilan kung bakit gusto mo mag trabaho dito sa cavite!" Nanginginig na ang boses ni Mama na naging hudyat ng pagtulo ng luha ko.
Ako ang nasasaktan sa ginagawa sakaniya ni Papa. Kung ako ang nasa sitwasyon niya, baka matagal na ako sumuko at iniwan ang asawa. Pero magkaiba kami ni Mama, kahit patuloy siya nasasaktan, lumalaban parin para mabuo ang pamilya namin.
"Puro ka dada! Tumahimik ka nanga!"
Napayukom ang aking kamay, balak sana bumaba pero muli napatigil. Siguro mas mabuti kung itulog nalang ito kesa pakinggan pa ang pinag-aawayan nila. Umiinit lang ang ulo ko pag nakikita ko ang Tatay ko.
Kinabukasan, sumabay ulit ako kay Clark. Kulang ang binigay na baon ni Mama, wala na siyang pera. Ang tindahan nalang talaga ang pag-asa namin, kaso mahina ang benta ngayon. Ang dami na kasing may sari-sari store.
"Bakit?" Naguguluhan na tanong ko nang tumigil kami sa 7-eleven. "Wala akong bibilhin, busog ako." Pagdadahilan ko. Akala niya siguro balak ko kumain ulit.
Hindi ako kumain kagabi kaya ramdam ko na ang gutom ngayon. Wala akong gana kumain sa bahay, feeling ko sobrang bigat ng pakiramdam ko pag nandoon ako.
"Bumili ka nalang ng pambaon, para mamaya pag nagutom ka may makakain ka." Kinuha niya ang helmet na hinubad ko.
Kulit naman ng bituka na 'to. Wala nga akong pera. Sapat lang 'to para sa pangkain ko mamayang breaktime.
"Huh, hindi na. Okay lang." Akmang kukunin ko ang helmet pero mabilis niya inilayo.
"Magugutom ka mamaya."
"Hindi. Nag almusal ako." Nakagat ko ang aking labi sa pagsisinungaling ko.
Hindi siya sumagot, tumitig lang siya sa mata ko. Napaiwas ako ng tingin, baka mapansin niyang umiyak na naman ako sa tatay ko. "Tara na, baka malate tayo." Tinapik ko ang balikat nito.
"Namamaga mata mo." Seryoso ang mukha niya, hindi inaalis ang tingin sa akin. "Umiyak ka na naman ba?"
Peke akong ngumiti at hinampas siya. "Nakakaiyak kasi 'yung pinanood ko kagabi, kaya namamaga." Nagkunwari akong nasaktan. "Grabe, panoorin mo 'yon, ganda non!"
BINABASA MO ANG
When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)
HumorNot An Angel Series# 5 (Completed) Creselia Sylyphyn Velencio is the woman who values food more than falling in love again. For her, eating food is preferable to fooling around and being silly with men. Love for her is reserved for the brave woman...