🌼Chapter: 44

418 6 3
                                    

Tanghali na ako nagising. Sunday kasi ngayon kaya mahaba haba ang aking itinulog. Medyo madami rin ako inasikaso kahapon.


Nang makabangon, agad ako dumiretso sa cr para maghilamos at makapag luto narin ngayon. Habang nagluluto naisipan ko mag lampaso ng sahig. Inalis ko rin ang ilang alikabok sa patungan ng tv. Sa sobrang busy nakalimutan ko na mag linis. Ilang buwan na rin ako nakatira dito pero ngayon lang naisipan mag linis.


Kasalukuyan ako nag hahalo ng nilulutong monggo nang may kumatok. Kaya saglit ko ito iniwan at binuksan ang pintuan.


"Oh, bakit?" I asked boredly.


"Good afternoon, My Neighbor!" Bati nito, kumakaway pa. Ang lakas ng energy niya, ah. Siguro nakabingwit ulit ng chicks.


He is wearing white polo shirts and pants. As usual, nakatali ang buhok niyang humahaba na ngayon. Halos nakatingala na 'ko habang pinagmamasdan siya. Patagal nang patagal mas lalo siya lumalaki.


"Nung umalis ako sarado kapa, tapos ngayon mukhang kagigising mo lang." He laughed before scratching his head. "Sorry, kumatok na ako. Aabot ko lang 'to sayo." Inabot niya ang sampaguita na naka plastic.


Kumunot ang aking noo nang kunin ito. "Galing ka sa simbahan?"


Mabilis siya tumango. "Oo, bumili rin ako kaya naisipan kong bilhan ka." Inilagay niya ang dalawang kamay sa likuran.


"Sige, salamat." I was about to close the door but he blocked his hand again to stop it from closing. "Ano pa ba? Bilisan mo at may niluluto ako." I said irritated.


"Naamoy ko nga, baka naman neighbor...pakain." He smiled widely which make me annoyed.


Niluwagan ko ang pintuan at saka siya tinalikuran. Dumiretso ako sa kusina para tingnan kung okay na ang niluluto ko. "Papasok ako, ah! Aalisin ko na ang sapatos ko!" Rinig kong sigaw niya habang nag sasalin ako ng ulam sa mangkok.


"Geh lang."

Palagi siya nag dadala ng ulam sa tuwing kagagaling ko sa trabaho. Hindi naman ako makatanggi, nakaka tempt ang mga binibigay nito.


"Bango, ah!" Pambobola niya. Sinilip ang ginagawa ko. Nag pi-prito ako ngayon ng tilapia kapartner ng monggo. "Ako na bahala mag set up sa table." Dagdag niya.


Hindi na ako sumagot, hinayaan ko nalang siya. Dalawang piraso ang niluto ko bago ilapag sa mesa. Matapos ko magluto nagka-ayos na lahat. Pati kanin at mga plato namin.


"Kain na." Aya ko saka umupo. "Hindi 'to katulad ng binibigay mo kaya–"


"Gusto ko nga 'to e." Putol niya. He started putting rice on his plate.


"Edi sana nag luto ka sa bahay niyo." Saad ko habang naglalagay ng ulam sa kanin.


"Grabe! Hindi ko alam kung bukal sa loob 'tong pagpapakain mo sa akin." Humalakhak pa ito.


Hindi na ako sumagot. Wala naman akong balak makipag-usap nang matagal sakaniya. Binabalik ko lang ang tinulong nito para wala akong utang na loob.


"Nga pala, may pasok ka sa holiday?" He broke our silence.


Tumango ako. "Half day." I answered, not looking at him


"Uuwi ka sainyo pagkatapos?" Muling tanong niya.


"I don't know. Kinabukasan may pasok rin ako kaya baka hindi na."


When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon