🌼Chapter: 1

967 17 0
                                    

"Magkaklase pala kayo ni Akiro? Mabuti nga 'yon!" Napalakpak ito nang mabanggit ni Mama na parehas kami ng section ni Clark. Napunta kasi ang topic nila sa amin, wala na ata mapag-usapan.



Muli ako napasimangot nang maisip na magkaklase talaga kami ni Clark. Psh, ang dami dami bibigyan ng kaklase iyong lalaki pa ang ibinigay sa akin. Bakit kasi same pa kami ng section?  I still thought I wouldn't be his classmate, kasi noong grade 11 ako hindi ko naman naging kaklase.



Nakasalubong kasi namin si Tita Malou, kakagaling lang namin ni Mama sa grocery, namili kasi kami ng paninda para sa tindahan namin. Paubos narin kasi ang laman.



Ang tagal nga nila mag-usap umabot na sa topic kung ano ang section ko. Daming ebas, nagugutom na ako.



Dalawang linggo na ang nakalipas magmula mag start pasukan bilang isang grade 12 Tvl student. Mabuti nga hindi muna sila nag papagawa ng madaming gawain, nag sisimula palang kasi e.



"Ma!" Clark shouted as he came toward us, and we both turned to face him.



When I saw a familiar man bothering me, my blood immediately boiled.  Nakita ko na naman ang lalaking ayaw ko makita o makasalubong manlang, kaso malas kasi naging kaklase ko siya.



"Oh, Akiro! Kaklase mo pala si Phyn. Bakit wala ka manlang nabanggit!" She asked her son as he approached us. "Nag tanong ako kung may maganda sa classroom niyo, Sabi mo wala!" Kwento ni Tita Malou.



My eyes widened, and I couldn't help but stare at Clark. Tarantado talaga 'to kahit kailan. 


Clark felt embarrassed and scratched the back of his neck. "Ma naman! Syempre noong nag tanong ka, absent siya nun." Tumingin siya sa akin. "If she wasn't absent, perhaps I mentioned her name to you." He winked at me.



Parang lahat ng galit ko noon sakaniya bumalik ulit nang sabihin niya 'yon. Sabi na nga wala siyang matinong sasabihin e! "Tanga! Kailan pa ako umabsent? Maybe it's yo–"



"So handsome?" He cut off what I was about to say. "Sabi na nga e' may pagtingin kana sa akin." Nakangisi nitong saad. "Balik kana kasi." He mouthed.



I looked at Mama right away after being startled. They were just grinning and looking at us, so it's a good thing they didn't hear Clark's last words.


Nakakairita talaga. Mahuhuli kami ng lalaki na 'to e. Kung kailan mag ex na kami doon malalaman na may something sa amin noon. Taena, wag naman sana nila malaman.



Sa kasamaang palad, minahal ko ang lalaki na 'yan, noon. Ngayon ko lang narealize na mas mabuting pinili niyang hiwalayan ako. Dati, sinisisi ko pa ang aking sarili dahil sa hiwalayan namin. Napapikit tuloy ako ng mariin nang maalala ang araw na 'yon.


I gripped the phone firmly while my tears streamed down my face. "B-Bakit?" Nangangatal ang boses na tanong ko.



"Siguro, nagsasawa na ako." Hindi agad nag sink in ang sinabi nito. Parang nabingi ako nang sagutin niya ako. "Paulit-ulit nalang tayo nag-aaway, maybe it's my fault that we got to this point." Pahabol nito habang nasa kabilang linya.



"Pinilit kong labanan na wag kang hiwalayan dahil mahal kita." Pansin ko ang panginginig ng boses nito. "Pero siguro hanggang dito nalang tayo."



"I don't want Clark. Mahal na mahal kita." I couldn't stop the tears from falling as I spoke. "You love me right? Bakit ayaw mo pa lumaban?"



When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon