🌼Chapter: 48

646 7 0
                                    

Pagkarating ko, tumayo agad sina Karina kasama ang mga asawa na todo pag papatahan sakanila. May mga pag-alala sa mukha nang makita ako.

"Si Clark?" Nanginginig ang buong katawan kong lumapit sakanila.

Bakas sa mukha nila ang pag-iyak, lalo si Karina. Alam kong buntis ito ngayon kaya masyado emotional. Niyakap ako ni Alyssa na halatang kagagaling rin sa iyak

"Ano wala bang sasagot?!" Tumingin ako sa room kung saan sila nakaupo kanina. "Nandito ba si Clark?"

Balak ko sana buksan ang pintuan pero agad ako nahila ni Stever at Kevin. "What the hell let me go! I want to see him, please!" Puno ang pagmamakaawa sa boses ko.

Pero kahit anong pilit na kawala ay hindi ko magawa. Lumapit si Miracle at agad ako niyakap. Pilit niya ako pinapatahan pero ang sarili niya hindi magawang matigil sa pag iyak.

"Si Sebastian na ang bahala kay Clark. Huwag ka mag-alala gagawin niya lahat para lang mabuhay siya." Stever said calmly, patting my shoulder.

I weakly cling to his t-shirt. "Please, gawin niyo lahat ang pwedeng gawin! Hindi ako papayag na mawawala nalang siya bigla!"

Hinila ako ni Alyssa palayo kay Stever. "Magiging maayos si Clark, don't worry. Hindi siya basta basta kukunin ni Lord, masama ugali nun." Pilit niya ako pinapagaan

Pinunasan ko ang luha sa pisngi. "Ano ba nangyari?! Sino may gawa nito." Naguguluhan na tanong ko.

Tumikhim si Zander. "Ang kapatid ni Berting ang may gawa ng lahat."

Napatingin ako sakaniya, puno ng tanong ang nasa utak but I remained silent while listening to him.

"Nakita sa cctv kung paano pag tulungan si Clark. Hindi lang siya mag isa sumugod, kundi tatlo rin ang tumulong para hindi makalaban si Clark." Panimula niya. Nagsisimula na naman mamuo ang luha sa mata ko. "He was stabbed six times in other parts of his body."

"Nasa critical ngayon ang kalagayan niya, mas mabuti kung hintayin natin si Sebastian." Dagdag ni Kevin.

Napahawak ako sa bibig, hindi makapaniwala sa narinig. "N-Nahuli naba?! What was his purpose, why did he do that?!" I asked confused.

"Nag paiwan si Chavion sa barangay niyo para hanapin ngayon ang gumawa nun kay Clark." Singit ni Sherel. "Wala pa siya balita pero panigurado gumagawa na siya ng paraan para mahanap sila."

Napaupo ako sa sahig, agad nataranta si Hari at hinawakan ako. Tulala akong napatingin sa puting pader habang luha ko at patuloy na tumutulo.

"Satingin ko alam ko ang dahilan." Umangat ang tingin ko sakanila.

"Kapatid ni Berting 'diba? Panigurado gumanti siya sa ginawa ni Clark sa kapatid niya." Napahawak ako sa ulo at sinabunutan ang sarili. "Ito na nga ang sinasabi ko, e." I cried.

Nangyari na ang kinakatakutan ko. Possible talaga na gumanti ang pamilya ni Berting lalo na siya lang ang bumubuhay sa pamilya niya.

Hari sat next to me. "Shh, it's not your fault, Creselia. You're a victim too so there's no one to blame for what happened here."

"N-Napahamak siya dahil sa pag tulong sa akin, Hari." My voice cracked.

Muli kumirot ang puso ko. Hindi ko siguro kakayanin kung mawawala nalang siya bigla. Mas maigi pa na mambabae kesa mamatay siya.

"Kahit naman sino tutulong kung sakaling may mag tangka sa'yo. Mas malala lang talaga ginawa ni Clark kay Berting." Bumuntong hininga si Miracle.

Tumayo ako at pinunasan ang pisngi ko. "I can't just sit here. I have to go with Chavion! Hinding hindi ko mapapatawad ang kapatid ni Berting if something bad happens to Clark."

When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon