The three of us just looked outside their house in silence. Only a few motorbikes and crickets hovered around us. Saglit dumaan ang malakas at malamig na hangin na dumapo sa aking balat.
Mabuti nalang nakikisama ang dalawang 'to. May times na napasulyap sila sa pwesto ko but not a single question came out of their mouths. Matapos rin akong yakapin ni Clark, nanatili akong tahimik. Hindi niya ako pinilit magsalita para mag kwento, nasa gilid ko lang sila, walang kibo.
Tumayo si Carl at pumasok sa loob, he came back with a guitar that he started playing. I heard a familiar tone. Sabay silang humarap sa akin at binigyan ako ng isang tipid na ngiti.
"Loving can hurt, Loving can hurt sometimes." My eyes widened slightly when Clark started singing. Just looking at me.
"But it's the only thing that I know." Sa pagkakataon na 'to, si Carl naman ang sumunod.
Ano nakain ng dalawang 'to?
"When it gets hard, You know it can get hard sometimes." Hindi talaga umaalis ang tingin niya sa akin. Si Carl naman sa gitara lang naka focus habang nag sasalitan ng kanta.
"It is the only thing that makes us feel alive."
"We keep this love in a photograph."
Little by little, a smile appeared on my lips when I noticed that they were doing this to somehow ease the sadness in my heart.
"We made these memories for ourselves." Sa bawat kanta nila sinsabayan ko ito ng pag alon ng katawan.
"Eyy." Mahinang saad ko.
"W-Where..pftt..our eyes are never closing, Hearts are never broken, Times forever frozen still.." Si Carl, medyo hirap pa.
Muntikan na matawa si Carl pero siya na kasi ang sunod kaya hindi natuloy, kaya ang ending hindi niya masyado naitawid.
Gusto ko narin matawa pero napawi 'yon nang bigla tumayo si Clark at tumabi sa akin. He put his arm around me and sang in my ear.
"So you can keep me, Inside the pocket, Of your ripped jeans. Holding me closer, 'Til our eyes meet. You won't ever be alone, wait for me to come home..." Sobrang lamig ng pagkanta nito. Gusto ko pagmasdan ang mukha niya pero nahihiya ako. Magang maga pa ang mata ko.
Napaigtad ako nang mawalan sa tono si Carl. Sabay kami napatingin ni Clark. Naka peace sign siya sa amin, hilaw na ngumiti. "Sorry, bigla kumulo ang tiyan ko. Nauutot ako bigla. Pwede time first muna?"
Nagkatinginan kami ni Clark at sabay tumawa. Panira naman ang gago. "Sige na, baka dito mo pa mabuga." I rolled my eyes.
Dali-dali tumayo si Carl at ibinaba agad ang gitara. Pagkadaan niya narinig ko ang pag utot. Nag-iwan pa ng masamang amoy, amp.
"Kamusta kana, may mabigat parin ba?" He gently held my hands.
Dumapo ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa akin. Tipid ako ngumiti. "Oo, medyo malaki kasi 'tong dibdib ko kaya mabigat." Biro ko rito. Ayoko muna pag-usapan ang nangyari kanina, nasasaktan parin ako.
Napayuko ito para pakawalan ang mahinang tawa. "Parang hindi naman–aray! Masakit 'yon, ah!" Daing niya. Nakatanggap kasi agad ng hampas bago niya matapos ang balak niyang sabihin.
"Mas gusto mo siguro ng malaki at ma–"
"Ikaw lang ang gusto ko, Creselia." He cut me off. "Kahit ano kapa, ikaw lang... Ikaw lang ang mamahalin ko." He touched my cheek with one hand.
BINABASA MO ANG
When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)
MizahNot An Angel Series# 5 (Completed) Creselia Sylyphyn Velencio is the woman who values food more than falling in love again. For her, eating food is preferable to fooling around and being silly with men. Love for her is reserved for the brave woman...