🌼Chapter: 19

259 6 0
                                    

"Pucha, ang ingay mo naman!" Reklamo ni Clark at sinamaan ako ng tingin. My lips parted and I looked at him confused.



Nanahimik lang ako kumakain ng monde tapos bigla niya ako susungitan?! Maski pag galaw ko nga inirereklamo niya pa, kesyo ang gaslaw ko raw.



Pagkatapos niya ako ihatid sa bahay nung araw na may nangyari sa clinic, naging ganito na siya. Madalas mainit ang ulo sa akin, tapos minsan nang-aasar. Hindi na siya 'yung palangiti sa akin. Kaya ang ending palagi kami nag-aaway at nag bubulyawan sa classroom.



"Edi, lumipat ka! Doon ka sa library!" Inirapan ko siya bago kagatin ang natitirang monde na hawak ko.



Natigil siya sa pagsusulat at muli ako sinulyapan. "Ano naman gagawin ko do'n?" Masungit na tanong nito sa akin.



Napabuga ako sa hangin. "Gusto mo ng tahimik 'diba? Edi doon ka mag-aral!" Bulyaw ko sa mukha niya, napalayo tuloy siya. "O, kaya sa sementeryo nalang tapos mag palibing ka doon!"



His eyes widened and immediately covered my mouth. "Hindi ko na kailangan pumunta sa mga sinuggest mo, manahimik kalang okay na 'yon." Saka niya binatawan ang bibig ko at bumalik ulit sa pagsusulat.



"Tahimik naman ako, ah?! Kumakain lang ako!" Hinampas ko ang likod niya kaya lumagpas ang sulat niya sa yellow pad.



Muli niya ako tinignan. "Talaga ba? Eh, rinig na rinig 'yang balat ng kinakain mo. Maski 'yang pag nguya mo." Reklamo niya.



"Edi umalis ka nalang, lumipat ka doon sa tabi ng lutang mong kaibigan!" Tukoy ko sa kaibigan niyang si Josh.



"Hindi ako lutang! Naririnig pa nga kita!" Rinig kong sigaw ni Josh sa kabilang row. Nilingon ko siya sa, nakasimangot sa akin.



"Lutang ka parin, gagu!" Sigaw ko pabalik.



"Stop shouting, do your activity." Saway ni Pres sa akin, his voice was cold even when he looked at us.



Magsasalita pa sana ako kung hindi lang hinarap ni Clark ang ulo ko sa harapan ng whiteboard. "Huwag kana magsalita, alam mo naman mainit pa ang ulo niyan sa atin." Bulong ni Clark.



Ilang linggo na ang nakalipas pero nanatiling may pagitan kina Pres at Alyssa. Pero ngayon, parang bumalik ang dating Alyssa na mahilig makipag away, walang araw ata na wala siyang kaaway. Kung sino sino ang sinasama para may katulong sa pagsabunot.



"Grabe ba." Naiiling na sagot ko bago ulit kumuha ng pagkain sa bag. Nagugutom pa ako, hindi ako kumain kagabi. Nag-away na naman si Mama at Papa. Nakakasawa na pakinggan ang mga batuhan nilang salita.



"Unahin mo muna kaya 'yang activity. Pres will collect that later." Hindi pa nga ako kumakagat sa pagkain ko umeksena na naman siya.



Binalingan ko siya ng tingin. "Gawin mo nalang kaya 'yang activity mo, hindi 'yung nangingielam ka sa akin." Pag tataray ko.



Like duh! Enemy na kami ngayon kaya wag na siya mangielam sa buhay ko. Bwisit siya! Nagugutom 'yung tao tapos bigla siya eeksena? Patapusin niya muna ako kumain para may energy ako na awayin siya.



"Sige, kumain kalang diyan. Kainin mo pati balat." Pag susuplado niya bago ituloy ang ginagawa sa papel.



Kainis talaga siya.



"Sayo ko ipapakain 'yon!" Tinalikuran ko siya pagkatapos ko sabihin 'yon.



Walang sa mood tuloy ako kumagat sa monde na hawak ko. Nakakairita kasi siya. Oo nga hindi na ako kinukulit na bumalik sakaniya pero ang lakas naman mang-asar at mang-away.



When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon