"Akiro!" Napatigil ako sa pag paypay ng sarili nang bigla ito tawagin ni Mama.
"Ma!" Mahinang saway ko pero may diin. Ano naman nakain niya at tinawag si Clark?!
"Po?" Sagot nito. Napapikit ako at inilibang nalang ang sarili ko sa cellphone, kahit walang net.
Umulan kasi nang malakas at sinamahan pa ng malakas na kidlat kaya bigla nag brownout. Ang ending tuloy nag pa-paypay ako rito.
Sumilip ako nang kaunti at agad rin umiwas, nakatingin kasi siya sa pwesto ko. "Brownout rin ba sainyo?" Si Mama.
"Huh? Hindi po." Saglit siya napatigil bago ituloy ang sasabihin. "Mukhang sa street niyo lang po brownout." Napalabi ito, inilibot pa ang mata sa paligid niya.
"Nako! Mabuti pa sainyo."
Oo nga, sana all. Palagi nalang kami nawawalan ng kuryente sa tuwing umuulan at kumikidlat ng malakas.
"Pwede muna po kayo tumambay sa bahay, may kuryente doon." Alok niya sa amin.
"Ayos lang ako," lumingon si Mama sa pwesto ko. "Ikaw, Phyn? Sumama ka muna kay Akiro. Kanina kapa paypay nang paypay diyan."
Bahagyan nanlaki ang mata ko pero agad rin kumalma. "Hindi, ayos lang."
"Ayaw pala sumama, tita." Lumapit ito kay Mama na parang tropa lang niya lang. "Mukhang gusto pa ata kaladkarin." Biro nito.
Nanlukot ang mukha ko at sinukmaan siya ng tingin. "Mas lalo ako maiinitan doon, nakatira ka doon e." I rolled my eyes.
"So, sinasabi mong hot ako?" Mayabang ito ngumiti at nakipag apiran pa kay Mama. Akala mo talaga close sila.
"Hindi." I frowned. "Dahil siguro demonyo ka." Saad ko rito. Siya naman ang sumimangot kaya gusto ko matawa.
"Edi, bagay kadin doon..kasi demonyita ka rin e." Rebat nito.
"Mas bagay kayo," sumingit si Mama, mukhang kinikilig pa habang nakatingin sa amin.
Nagkatinginan kami ni Clark at sabay napaiwas ng tingin. "Y-Yuck!" Umarte pa akong naduduwal.
Tinignan ko ito para makita ang reaksyon sa sinabi ni Mama pero tanging tipid na ngiti lang ang isinagot nito.
Hindi manlang umangal, mas lalo siya mahahalatang patay na patay sa akin. Psh, sa ganda ko ba naman 'to!
"Oh, baka totohanin niyo, ah!" Sabay napadako ang tingin namin kay Mama. "Ikaw, Akiro. Binibiro lang kita, wag mo liligawan 'tong anak ko! Balita ko sa Nanay mo matinik ka sa babae." Nakapameywang pa ito habang nakaduro ang daliri kay Clark.
Napatikhim si Clark at ready na ipaglaban ang sarili. "Tita, nagpapaniwala kayo sa nana–"
"Aba, syempre Nanay mo 'yon!"
"Aba, grabe ka tita!" Napahawak siya sa dibdib niya. Sumulyap muna ito sa akin bago ibalik ang tingin kay Mama. "Single nga ako ngayon e."
Napaismid si Mama. "Maniwala ako! Hindi ako pinanganak ka–"
"Tita, alam ko po. Ka batch niyo po 'yung alaga na dragon ng kaibigan ko."
Nanlaki ang mata ni Mama. "Loko kang ba–"
Muli siya pinutol ni Clark. "Joke lang po, tita." Sabay peace sign niya.
BINABASA MO ANG
When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)
HumorNot An Angel Series# 5 (Completed) Creselia Sylyphyn Velencio is the woman who values food more than falling in love again. For her, eating food is preferable to fooling around and being silly with men. Love for her is reserved for the brave woman...