"Wow! After ng isa, may dalawang susunod na ikakasal ngayon!" Halata parin sa boses ni Hari ang pagka mangha.
Mas lalo lumakas ang tili ni Miracle. "I can't believe this!!" Nakatitig ang mata sa isang mamahaling singsing. "I'm getting married na talaga, guys!" She hit her chest softly in a dramatic way.
"Si Alyssa rin." Karina looked at her, smiling. "Akala ko sa ating anim, you were the last to get married."
"Ngik, akala ko nga hindi 'yan ikakasal." Singit ni Sherel na kakagaling lang sa kusina ni Lander.
Kasalukuyan kami nandito sa bahay ni Lander para pag-usapan ang theme sa kasal ni Miracle. Hindi siya makaisip kaya pinapunta kami. Ang daming nangyari nung nagdaan na isang taon. Nagulat nalang kami na pagkatapos ipagkalat ni Miracle na engaged siya ay sunod naman si Alyssa. Magkasunod na buwan sila ikakasal, mukhang excited na ang mga soon to be groom.
"Atleast 'yung kasal namin hindi pilit!" Pang-aasar ni Alyssa.
Nasamid tuloy si Sherel. "Ang sarap manira ng kasal ng iba." Pag paparinig niya.
"Subukan mo, ikukulong ko kayo ni Chavion hanggang makabuo kayo ng supling–"
"Sige, tingnan mo kung gaano siya ka wild sa akin." Napangisi si Sherel rito.
"Tangina, kadiri!" Umakto pa siyang hinihimas ang braso sa sobrang kilabot. "Edi ikaw na may araw araw na dilig!" Pahabol nito bago niya irapan.
I laughed loudly, lahat sila bumaling ng tingin sa akin. Sabay sabay sila ngumisi at parang iisa ang nasa isip.
"Oh, ano tinitingin tingin niyo diyan?!"
Hari held her chin. "Ano status niyo ni Clark?" Pa unang tanong niya. "You've been living in his house for a while, huh? Baka nag li-live in na kayo."
Nangasim ang mukha ko. "Friends lang."
"Friends?!" Sigaw nila.
Lumapit si Alyssa at tinulak ang ulo ko. "Hoy babae! Baka nakakalimutan mo bente otso kana, hindi kana bata!" Sermon niya.
"Bata pa 'yan, nag babahay-bahayan pa nga sila ni Clark e." Singit ni Hari sabay tumawa.
I've been living in his house for a year. Sinubukan ko magsabing bumalik sa pagiging kapitbahay niya pero hindi ito pumayag. Baka daw maulit lang ang nangyari sa akin.
Alam narin nila Karina ang tungkol sa amin noon ni Clark. Gulat na gulat nga silang naging boyfriend ko 'yon.
Naging maayos ang panunuluyan ko sa bahay niya. Sadyang hindi lang maiwasan makaramdam ng kakaiba sa tuwing magkasama kami. He is very attentive whenever I am with him. Ni hindi na nga makakilos sa bahay kasi puro siya ang gumagawa.
"Bakit hindi niyo totohanin 'yan?"
Napabaling kami kay Karina na busy kumain ng mangga. Magkakaroon na si Sachi ng kapatid, samantala si Hari naman nanganak na at kay Zander pina-alagaan habang nandito siya.
"Hindi na pwede, Karina." I smiled bitterly.
Sa akin naman sila tumingin. "Bakit naman hindi pwede?!" Muli sila nagsabay.
Bumuntong hininga ako. "There was cheating involved in my breakup with Clark. Ayoko maulit 'yon! Tama na 'yung hanggang kaibigan nalang."
Tumahimik sila at nanatiling nakatingin sa akin. "Did he really cheat?" Alyssa asked gently.
I bit my lip. "Babae na mismo nagsabi sa akin. Hindi paba ako maniniwala?"
"Nag explain ba sa'yo si Clark." Si Karina na tumigil sa pagbabalat ng mangga.
BINABASA MO ANG
When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)
HumorNot An Angel Series# 5 (Completed) Creselia Sylyphyn Velencio is the woman who values food more than falling in love again. For her, eating food is preferable to fooling around and being silly with men. Love for her is reserved for the brave woman...