🌼Chapter: 33

285 6 0
                                    

"Himala hindi mo kasama aso mo." Bungad ni Alyssa nang makita ako naglalakad palapit sakaniya.



First day of school namin ngayon and super kinakabahan ako. Omg, college na talaga ako! Dito na talaga mapapatunayan kung gaano ako kabobo.



I frowned. "Nako, Ewan ko doon." Binuksan ko ang monde na binili sa tapat ng university. Hindi ako nakapag almusal, masyado kinakabahan e.



Si Clark naman kanina pa chinachat, nalate pala ng gising kaya pinauna ako. Alam niyang ayaw na ayaw ko malate lalo na pag ganitong araw. Masyado sila na wili ni Carl mag ml kagabi. Isa ako sa nanonood habang naka google meet. Pinauna lang ako matulog kasi gabing gabi na 'yon.



"Kala ko may something," saad nito bago ako talikuran at mauna maglakad.



Hindi na ako nag reklamo sa sinabi niya. Alam ko naman sa sarili na tama ang hinala ng babae na ito. Hindi ko lang pinagkakalat. Bago palang kasi.



"Good morning," bati ni Pres. Hindi ko napansin nandito rin pala siya.



Mag ka holding hands ang dalawa kaya hindi nakalampas ang pang-aasar ko sakanila. Kaya ang ending ako lang rin ang napikon.



Matapos nila mag usap, nagsimula na kami mag hanap ng classroom. Doon namin nakasalubong sila Carl na hinahanap rin ang room. Magkaklase ulit kami.



"Hi mga classmates!" Bati ni Carl, kumakaway papasok.



Napatakip ako sa mukha. Nakakahiya talaga kahit minsan ang lalaki na ito. Walang pinipili na lugar. Baka mamaya nasa gc na siya at pinag-uusapan kung gaano ka pabida.



Umupo kami sa likod. Ayoko sa unahan, panigurado introduce yourself muna bago mag discuss.



"Excuse!" Inunahan ni Alyssa si Clark na papaupo palang sa aking tabi. Nakasimangot tuloy ito ngayon.



Habang wala ang prof, nag kwento si Alyssa ng mga nangyari nung mga araw na walang pasok. Halatang walang pakialam ang tatlo, nakatunganga lang sa gilid. May naririnig akong usapan about sa ml na nangyari kagabi.



"Nandiyan na si Ma'am!" Bulong ni Carl. Napaayos ako ng upo, biglang bumalik ang kaba na nawala kanina.



Pero mabuti nalang hindi agad nag discuss ng lesson. Nag kwento lang ito kung paano at anong gagawin sa subject niya. Medyo kinabahan pa ako. Ang babait naman pala nila.



Kaya umuwi kami na hindi masyado pagod. Nag-aya si Clark mag kwekwek malapit sa school namin. Pumayag na ako, medyo nakakaramdam na ako ng gutom e.



"Babe, oh." Binigay niya ang isang basong may laman na kwekwek. "Kuya, magkano palamig?" Baling niya kay Manong.



Nag simula na ako kumain habang nililibot ang paningin sa paligid. Panay ang kain ko, habang siya nilalagyan ng kwekwek ang aking baso sa tuwing malapit na maubos ang laman.



"Kain kapa, mahal." Ngiting-ngiti ang gago, nagawa pa kumindat.



Bumaling ang tingin ko kay Manong, nakangiti lang siya nang marinig ang sinabi ni Clark. Siguro naiimagine niya kung gaano rin siya kaganyan noong kabataan pa nito.



Matapos kumain, nagpasya namin umuwi. Walang mag babantay ng tindahan, mamayang gabi pa ang uwi ng kapatid ko, ganoon rin si Mama. Dalawang subject lang para sa araw ngayon, kaya maaga ako makakauwi.



"Oh, hindi kapa magbibihis?" Kunot noo tanong ko nang mapansing sumunod siya sa akin hanggang sa loob ng bahay. Feel at home ang loko. Nasanay na palagi siya nandito.



When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon