"Papalitan nga nito, ang baho. Bago ba 'yang mga paninda niyo?" Inis niya ibigay ang pillows na binili ng anak niya.
Tumaas ang kilay ko, hindi maiwasan uminit ang ulo. Grabe siya makapag salita. "Ahm, ate. Sinabihan ko na po ang anak niyo. Akala niya dumi lang ung nasa balat kaya nag pumilit na bu–"
"Bakit mo pa binenta? Alam mo–"
"Kasi nga po, nag pumilit po 'yung anak niyo." Mahinahon na saad ko. Pinipilit ko pakalmahin ang sarili ko, baka maibato ko lang ang pillows sakaniya.
May bumili na binata sa akin, sinabihan ko na siya. Sinabihan pa nga akong punasan ko pero wala parin naman. Akala ko rin naman nasunog 'yung parte na 'yon. Maitim kasi, atsaka mahina ang pang amoy ko. Kaya hindi ko naamoy ang tinutukoy niya.
Ang anak niya ang nag pumilit, at hindi ako. Alam kong mali ako na binenta ko parin. Iisa piraso nalang kasi 'yon, gustong gusto niya ata kaya hinayaan nalang niya kung ano man ang nakadikit sa balat nun.
"Dapat tinitignan niyo muna bago ibenta." Pag tataray niya. Napakagat labi ako, pinipilit ko pakalmahin ang sarili.
"Pasensya na po, palitan ko nalan–"
"Ay hindi, ibalik mo nala–"
Hindi ko na siya pinatapos, agad ko na binigay ang pera na pinambayad sa pillows at diretsa itinapon ang nirereklamo niyang pagkain sa basurahan. Sa harap niya mismo ko ginawa para makita niya.
"Pasensya na po ulit, wag na kayo bumalik.." Hininaan ko ang boses ko sa bandang dulo at agad na siya tinalikuran.
Nakakaurat siya! Atsaka, bakit siya ang nag balik? Dapat 'yung anak niya! Napaka amp! Sumbong nanay naman nun! Nakakabwisit.
Hanggang makalabas ako sa subdivision ay mainit parin ang dugo ko sa mag ina na 'yon. It's the first time I've had a customer like her, pag talaga bumili ulit ang anak niya hahayaan ko siya, hindi ko lalabasan 'yon.
Saktong 12:00 na ako umalis, wala kaming klase. Malapit na ang intrams, kaya busy sila sa mga booth's. Pumasok lang ako para sa tumulong booth namin.
"Psh." I rolled my eyes. Inismaran ko ang Nanay na nagreklamo sa pillows. Kaurat, nakasalubong ko pa. Tinignan niya ako, masama ang tingin.
Pasalamat siya may respeto ako sa matanda, kung wala baka nakeltokan ko siya sa bagang.
"Aray!" Daing ng isang babae nang matamaan ko ang siko niya.
"Darag 'to si Ate." Natawa ang kasama nitong lalaki.
Nilingon ko sila. Mag tropa, mga nasa anim sila. Apat na lalaki at dalawang babae. Ang isa doon ay 'yung natamaan ko sa siko. Kaunti nalang malapit na siya maging labanos, ang puti e.
"Sensya, hindi ko napansin." Palusot ko. Alam kong hindi sila maniniwala, ang dami nila tapos hindi ko napansin, pero ang totoo... Alam kong nandiyan sila, kaso hindi ko naman alam na matatamaan ko ang isa sa kaibigan nila.
"Deh, sinadyan mo 'yon e." Sabi ni labanos.
"Medyo." Bored na sagot ko.
"Aba't–"
"Hayaan mo na Winter." Awat ng isang lalaki. Naka uniform sila, familiar nga e. Nadaanan ko siguro ang school nila kaya parang familiar.
"Pareng Stever, wag mo na awatin. Minsan lang makakita ng live sabong." Napaismid ako sa sinabi ng isa niyang kaibigan, tinapik ang balikat niya.
BINABASA MO ANG
When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)
HumorNot An Angel Series# 5 (Completed) Creselia Sylyphyn Velencio is the woman who values food more than falling in love again. For her, eating food is preferable to fooling around and being silly with men. Love for her is reserved for the brave woman...