"Pabili!" Busangot ang mukha kong tumayo habang naglalakad palapit sa isang familiar na boses.
"Oh, ano?" Masungit na tanong ko sa lalaking malawak ang ngiti.
"Pabili kami." Nakangiting saad niya.
Napatingin ako sa tabi niya pero wala naman siyang kasama. Napansin niya atang may hinahanap ako kaya agad siya yumuko at may binuhat na bata.
"Pabili kami ni Jermaine!!" Kinuha niya ang kamay ng bata at ikinaway ito sa akin.
Namilog ang mata ko sa batang nasa aking harapan. Hindi ako nakakilos agad dahil sa gulat.
"Si Jermaine na ba 'yan?" Gulat na tanong ko habang nakaturo sa batang walang pakialam sa amin. Sa mga pagkain lang siya nakatingin.
Muli ngumiti si Clark. "Yes. Karara–"
Bago pa nito matuloy ang sasabihin, agad na ako lumabas para lapitan ang batang inosente. "Hi Jermaine!!" Maingat ko hinawakan ang kamay niya.
Ang bilis talaga ng araw, parang kailan lang sa video call ko lang siya nakikita at sa mga video na sinesend sa akin ni Clark.
"Ang laki mo na," I pinched her cheeks. "Mas cute ka pala sa personal. Ang ganda talaga ng mata mo!" Gigil na saad ko habang nakangiti.
"Mana sa Tito 'yan." Pakikisali nung lalaking hindi naman kinakausap.
Nawala ang ngiti sa aking labi at agad siya inirapan. "Psh, saan banda?" Pagtataray ko rito.
Mabilis siya umiling, tumatawa pa. "Kahit ganiyan sabihin mo, alam kong... Ako ang iniisip mo pag nakikita mo ang mata ni Jemaine." Mayabang na sabi niya.
Napaawang ang aking labi at mabilis umiling. "Yabang, bano naman." I whispered.
"May sinasabi ka?" May pang-aasar parin sa labi niya.
"Oo. Mag linis ka ng tenga para sa susunod alam mo na!" I rolled my eyes.
"Taray, ah." Malakas siya tumawa. Nakakainis talaga 'tong lalaki na 'to. Mas lalo ako naasar sa tawa niya.
"Shut up!" Tinalikuran ko na ito at balak sana ipag patuloy nalang ang ginagawa ko kanina.
"Hoy, bibili kami!" Pigil niya sa akin.
Wala akong imik bumalik sa tindahan. "Ano na bibilhin mo?"
"Pabili ako lollipop," inabot niya agad ang bayad.
"Ano pa?" Inip na tanong ko. Napansin ko kasi na may tinitignan siya sa gilid, baka may bibilhin pa.
Nawala ang tingin niya sa mga candy at dahan-dahan ngumiti sa akin. "'Yung tindera rin sana."
Napabuga ako sa hangin matapos niya sabihin 'yon. Muntikan na ako maduwal. "Not for sale." Bored na sagot ko.
"Pwede ba ibigay nalang sa akin?" Nakakaloko niyang biro. Muntikan na ako kilabutan.
"Bawal din, hindi siya bagay para ipamigay." Halukipkip ko. "At hindi siya laruan na pagkatapos pagsawaan ay pwede pa paglaruan." Pahabol ko, bakas ang inis sa aking boses.
Nawala ang ngisi sa kaniyang labi. Mukhang nagets ang tinutukoy ko. "I have no intention to do that thing." Seryosong saad niya habang nakatitig sa aking mata.
"At wala rin ako intensyon na ibigay ang sarili ko sa'yo."
Pagkatapos ko sabihin 'yon ay agad ko na siya tinalikuran. Inis ako umupo sa sofa at nag cellphone nalang para mawala kahit pa-paano ang inis na bumabalantay sa aking katawan.
BINABASA MO ANG
When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)
HumorNot An Angel Series# 5 (Completed) Creselia Sylyphyn Velencio is the woman who values food more than falling in love again. For her, eating food is preferable to fooling around and being silly with men. Love for her is reserved for the brave woman...