🌼Chapter: 38

361 7 0
                                    

Until now I still haven't told Clark that we're moving this vacation. Ilang tulog nalang ay finals na. Malapit na talaga matapos ang second sem. Natatakot ako sa magiging reaction niya.

Baka magalit pa ito na kung kailan lilipat kami doon ko lang sasabihin. Hayss.

I lost my thoughts when my phone suddenly rang. Pag silip ko sa caller, number ni Clark.

I sighed and immediately answered the call. "Babe–"

"Happy Anniversary!!"

Napatayo ako nang bigla ako nito batiin. Lumapit agad sa calendar para tingnan kung ano ang araw ngayon.

Shit! Anniversary nga namin ngayon!!!! Sa sobrang daming nangyari, nawala isip kong malapit na kami mag isang taon at ngayon 'yon!!

Napakagat ako sa labi. "H-Happy Anniversary, babe... Nasaan ka?" Lumabas pa ako ng bahay, baka biglang sumulpot, e.

"Pumunta ka mamayang four pm sa restaurant nila Alyssa, we'll see you there." Malambing nitong saad. "I can't believe na isang taon na tayo ngayon."

I smiled. "Me too. Parang dati lang hiniwalayan mo ako nung dapat mag iisang taon na ta–"

"Forget it, babe. Hindi tayo mag hihiwalay. See, hanggang ngayon okay tayo hanggang umabot sa araw ng anniversary natin unlike before."

I laughed suddenly. I remember those times very well. Kung kailan malapit na mag-isang taon doon pa nag hiwalay.

"I know. Anyway, nasaan ka?" Tanong ko ulit, hindi kasi sinagot ang unang tanong ko rito.

"Secret. Basta see you mamayang four pm."

"Huh? Per–" bago ko pa matuloy, wala nang tao sa kabilang linya.

Leche, pinatayan ako!

Napatingin ako sa orasan, mabuti nalang maaga pa kaya may oras pa makagawa ng regalo para kay Clark. Pumunta agad ako sa tindahan namin para maghanap ng maiiregalo, kaso puro pagkain naman nandito.

Saglit ako naupo sa tindahan at pinagmamasdan ang loob nito. Ano kaya maganda iregalo sakaniya? Wala naman akong pera para makabili sa mga store, ang daming gastos, e.

Aha! Alam ko na.

Kumuha ako ng ilang color paper na puro red at black. Saktong may mga ribbon na paninda kaya 'yon rin ang kinuha ko. May illustration ako sa kwarto kaya pwede na 'yon para makagawa ng explosion box.

Bago ako tuluyan umalis sa tindahan, kumuha pa ako ng flatops at ilang chocolate candies na pwede ilagay doon.

Sinimulan ko na gumawa habang madami pang oras. Kumaripas agad ako ng takbo para makapag pa print ng ilang pictures namin. Hindi maalis ang aking ngiti sa tuwing gumagawa ako ng message para rito. Bumabalik kasi ang alaala ng mga ginawa niyang nag pangiti at nag pakilig sa akin.

Ala una nang matapos sa pag gawa ng explosion box. I even double checked if the opening would be good and beautiful when he opened it. Seeing that the outcome was good, naisip ko na maligo para makapag hanap narin ng susuotin.

"May pupuntahan ka?" Nawala ang tingin ko sa closet when I saw my brother leaning against the door.

As usual, he still looked cold while looking at me, nothing new.

"Anniversary namin ni Clark." I smiled.

Napatango ito. "Good luck." Pagkatapos nun umalis na siya.

When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon