"Par, laro!" Tumayo si Carl sa upuan nang makita kami pumasok sa classroom. He immediately approached Clark and pulled him away from me.
Sumabay siya ulit sa akin papunta sa school, palagi nag-aabang pag lalabas ako ng bahay. Nandoon na si Clark sa tapat ng bahay namin para makisabay maglakad. I don't have a choice, hindi ko naman hawak paa niya.
Clark glanced at me, mukhang ayaw mag pahila pero wala siyang magawa kasi hawak siya ni Carl. I just shrugged my shoulders and walked to my seat, doon ako nanahimik.
"Pre, nag babagong buhay na 'yung tao." Rinig kong saad ni Clark sa likod. "Malimit na ako mag laro kaya pass muna."
"Lul! Inaya mo nga ako kagabi. Hanggang alas dose pa tayo nun!" Carl replied.
Bigla sila nanahimik kaya sinubukan ko lumingon, I saw Clark holding Carl's mouth. Habang ang lalaki ay pilit inaalis ang kamay na nakatakip sa kaniyang bibig. Sinasabihan ito ni Clark pero pabulong.
Napunta ang mata niya sa pwesto ko. Dahil do'n inalis niya ang kamay na nakatakip sa bibig ni Carl. Sinubukan nito ngumiti pero irap lang ang aking isinukli. Nagawa pa talaga ngumiti, nakakairita lang siya.
Hanggang ngayon adik parin siya sa mga online games. Hindi na bago sa akin 'yon. Kailan ba nagbago ang mga lalaki? Kaya hindi na ako babalik sa lalaki na 'yan! Alam kong mauulit rin ang nangyari sa amin pag binalikan ko siya.
Atsaka, mahirap pag may boyfriend na gamer. Lalo na pag nasa ldr stage kayo. Paano naman 'yung ibang babae na hindi hilig maglaro? Paano masasabayan ang boyfriend pag gusto mag laro?
Minsan kasi 'yon na ang bebe time nila sa isa't isa bukod sa call at chat. Syempre, kailangan rin nila mag bonding sa pamamagitan ng laro. Kaya paano na ang ibang babaeng hindi hilig maglaro?
"Babe, laro daw kami."
Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin sa call, nag paalam ito. The smile on my lips disappeared nang mag sabi siya. Mukhang maglalaro na naman.
"K-Kalalaro mo lang, ah?" I made my tone sad. "Baka may babae kana doon, ah!" Pag-aakusa ko.
Natawa siya sa kabilang linya. "Babae? I don't have a girl, babe. We're just going to play."
Napasimangot ako. "Sino naman kasama mo?" Tanong ko, nakataas na ang kilay.
"Hmm, si Miracle. Nag papabuhat 'yon." Mabilis na sagot niya.
Nag-init agad ang ulo ko nang makarinig ng babae. Madalas puro babae kalaro niya, keso mag papabuhat daw. Napaka friendly kasi nito. I can't help but feel jealous when he plays with or talks to other girls sa tuwing kinukwento niya akin pag uuwi siya galing school.
"Sino naman 'yon?!"
"Kaklase ko, babe." Mabilis na sagot nito. "Hawak mo acc ko, kahit tingnan mo pa. Hindi kami naglalandian niya." Tumawa ito.
I'm still not convinced. "Talaga ba? Baka sa ml kayo naglalandian." Pag dududa ko.
"Babe..." He took a deep breath. "Never ako lumandi kahit nasa malayo ka, loyal ako. Nag papabuhat lang 'yon, para masabayan niya ang boyfriend sa ml."
I pouted. "Talaga ba?"
He laughed again. "Yes, babe. I love you." He said softly.
Unti unti bumalik ang ngiti sa labi ko, kinilig. Marupok talaga ako pag dating sa lalaki na 'to. Can't wait na magkita kami sa personal.
BINABASA MO ANG
When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)
HumorNot An Angel Series# 5 (Completed) Creselia Sylyphyn Velencio is the woman who values food more than falling in love again. For her, eating food is preferable to fooling around and being silly with men. Love for her is reserved for the brave woman...