🌼Chapter: 28

260 4 0
                                    

"Huy, kawawa naman 'yung kaibigan namin, ilang araw nang hindi dama ang pagmamahal mo." Kinalbit ako ni Josh na katatapos lang tumulala sa labas ng bintana.



Tinuro niya ang lalaking nakatungo sa desk, mag-isa. Kanina pa siya diyan, hindi nakikihalubilo sa mga kaklase namin. I've been avoiding him for three days, hindi ko siya pinapansin kahit kinakausap niya ako. Maski si Carl sinubukan lumapit pero hindi ko rin napagbigyan.



Nung nakaraan hinabol nila ako palabas, ang ending hindi rin ako nakausap. Natalisod ba naman siya habang si Carl nauntog sa puno. Mga tanga, hindi tumitingin sa daan.



"Baka pagmamahal ni Carl." I answered with a frown, not looking at him.



He laughed loudly which got my attention. "Nag seselos kaba kay Carl? I-open mo naman 'yang almond mong brain." He shook his head. "Hindi niya mahal si Carl, okay? Tropa lang sila, mag tropa lang kami!"



Napaismid ako sa pinagsasabi niya. Hindi ako nag seselos kay Carl. Nagalit lang ako, feeling ko kasi pinag tulungan ako. Feeling lang naman, kaya hanggang ngayon naiinis parin ako sakanila. Ba naman galit sila parehas sa akin nung huli kami mag usap. Feeling ko tuloy wala akong kakampi nung oras na 'yon.



Atsaka, minsan lang ako manlambing tapos inignore pa niya! Manigas ka siya diyan, doon siya kay Carl sumuyo.



"Palibhasa lutang ka kaya wala kang alam sa nangyare!" Inirapan ko siya.



His lips parted. "Oo nga pala, ano ba nangyare? Sa tuwing nag tatanong ako sakanila bigla na ba-blanko utak ko." Umarte pa siyang sinasubunutan ang sarili.



Inismaran ko siya at hindi na muli kinausap. Nilibang ko ang aking sarili sa pagsusulat ng notes. Wala ang second teacher namin kaya eto kami ngayon binigyan kami ng module.



Wala si Alyssa, pati si Pres wala rin. Hindi ko alam kung saan sila pumunta. Maybe Pres is making moves to bring back their interrupted sweetness.



I stopped writing when Carl suddenly stopped in front of me. Mukhang kinakabahan ang mukha nito nang matitigan ko. Nagdadalawang isip pa siya kung ngingiti kaya hilaw ang ngiti ang nabigay sa akin.



"Oh?" I asked with raised eyebrows.



No words came out of his mouth. He suddenly dropped a piece of yellow paper on my desk. Agad siya umalis matapos niya gawin at tumakbo sa tabi ni Clark na patagong sumulyap. Nahuli ko ang mata niya, mabilis siya umiwas.



Gising na pala ang gago.



"Ano 'yan?" Akmang kukunin ni Josh ang papel pero hindi natuloy, may bumato ng papel sa ulo niya. Galing sa pwesto nila Clark. "Sabi ko nga huwag nalang."



Muli ako tumingin sa pwesto niya, nahuli kong nakatingin ang dalawang loko sa pwesto namin. Nag kunwaring lang na may ginagawa nang mahuli ko.



I hesitated as I took the folded paper in front of me. Sa huli kinuha ko 'yon at sinimulan basahin.



Gumawa ng tula ang loko.



Aking Mahal, halos wala na akong masabi,
Upang ilahad ang aking pagmamahal sa iyo.
Sa bawat halinghing ng hangin,
Sa bawat patak ng ulan,
Ang hungkag ng pandinig ko'y naghahanap, ng boses mo, may halakhak.



My eyebrows rose when I read the first stanza. I don't know what my reaction will be. Napunta ulit ang tingin ko sakanila, si Clark ang nahuli ko ngayon na nakatingin.



When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon