Pasinghot-singhot si Mama nag lilista ng ipapamili sa tindahan, kaunti na ang paninda kaya naisipan niyang mamili ng mga chichirya pang display.
I turned to her when I heard her sneeze, papunas-punas ng sipon si Mama. Parang nahihirapan na nga magsulat gawa ng sipon.
Tinigil ko muna ang pagbabasa at lumapit sa pwesto nito. I silently took the list from her "Ako na dito," sabi ko nang umangat ang tingin ni Mama. "Mag pahinga kana doon, ang lakas ng bahing mo."
"Hay! Ikaw muna diyan, kanina pa tumutulo sipon ko." Tumayo siya at kinuha ang vicks sa gilid. "Ikaw kaya muna mamili?"
Nilingon ko siya.
"Pwede naman." Nagsisimula na ako mag lista habang tumitingin sa tindahan kung ano pa ang kulang.
Lumabas ito para pagmasdan ang aking ginagawa. "Bumili ka dalawang tray na itlog, tapos washed sugar."
"Ma, ang dami naman. Baka mahirapan ako mag buhat." I complained.
Wala akong kasama kaya mahirap kung isasabay ang itlog at asukal sa pamimili. Madalas pa naman tatlong tray ang binibili, mabenta kasi 'yon. Lalo na ngayon, ubos na kaagad ang itlog.
Suminga muna ito bago sumagot. "Pasama ka, mamili ka kung si Carl o kay Akiro." Walang pakialam na sagot nito.
I secretly rolled my eyes when I mentioned the two men who were heating my head. "Busy sila." I frowned.
"Wala pa kapatid mo e', mag papatuka pa ng manok iyon pag ka-uwi." May group project daw sila kaya maaga umalis, sabado kasi.
I only answered with a sigh and continued listing the things to buy. "Phyn, bumili ka nalang itlog, kahit 'wag muna 'yung washed." Pinipilit talaga niya bumili ng itlog.
I just nodded, didn't say anything. Matapos ko maglista, patayo palang sana nang biglang kumatok si Clark sa pintuan ng bahay namin.
Napasulyap ako rito, may dala itong platito. He was wearing only a shirt and simple shorts. It's obvious that he just woke up, his hair is still messy.
Nag tama ang tingin namin, ako una umiwas. Kunwari naglilista para lang hindi ako gambalain. Sure naman akong lalapitan siya ni Mama. Atsaka, wala akong balak kausapin ang lalaki na 'yan.
"Oh, Akiro! Napadaan ka." Muling napabahing si Mama matapos sabihin 'yon.
"Nako, tita. I shot mo na 'yan, para matanggal sipon mo." Biro ni Clark, sabay sila natawa ni Mama.
"Siraulo! Bawal na ako diyan, may acid ako."
"Ganun po ba?" I heard him ask, I couldn't see them because I was pretending to be busy. "Pinapabigay po pala ni Mama, almusal." Magalang na saad nito.
Tumaas ang kilay ko nang marinig ang sinabi nito. Shala, may pa almusal si Tita Malou. Ano kaya 'yon? Tumayo na kaya ako tapos mag kunwaring papasok sa bahay para masilip kung ano ang binigay? Ang tagal kasi umalis ni Clark, kakwentuhan pa si Mama.
"Ah, nga pala, Akiro. Busy kaba?" Napapikit ako nang mariin sa tanong ni Mama. Imbis na paalisin, dinaldal pa. Akala ko ba masama pakiramdam niya? Nagagawa pa makichika.
"Ho? Hindi po." Sagot niya.
Napaismid ako, tagal umalis amp. Nag-uusap pa, pwede naman mag paalam na siya para makaiwas sa tanong ni Mama.
Sumilip si Mama sa tindahan kaya mabilis ko iniwas ang tingin, kunwari natingin sa listahan.
"Hindi naman pala busy, Phyn!" Sigaw ni Mama.
BINABASA MO ANG
When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)
HumorNot An Angel Series# 5 (Completed) Creselia Sylyphyn Velencio is the woman who values food more than falling in love again. For her, eating food is preferable to fooling around and being silly with men. Love for her is reserved for the brave woman...