Kanina pa ako tumitingin sa aking relo. Hanggang ngayon wala parin si Clark. Saan nagpunta ang loko na 'yon? Ang tagal, kanina pa siya umalis para bumili lang ng gagamitin naming materials para sa nstp.
"Putek! Ang tagal niya, ah! Uwing-uwi na ako!" Mukhang napansin rin ni Alyssa ang pagiging matagal ni Clark. "Kung hindi lang 'to need bukas baka umuwi na ako."
"Easy kalang! Baka na traffic siya." Pinapakalma ito ni Carl. "Pikit ka muna baka pag dilat mo nandiyan na siya."
Inis siya nilingon nito. "Bobo kaba?!"
"Oo, bobo-o ng araw mo." He answered before pushing Alyssa away from him.
"Yieeee, ang bantot!" Nakisali rin si Josh sa usapan, mas lalo tuloy naasar.
"Pweh! Mga kadiri!"
Nakitawa nalang ako habang patuloy sila sa pag-aasaran. 'Yung tingin ni Alyssa parang ready na manakit.
Nang magsawa ako sakanila, inilipat ko ang aking paningin sa lalaking naglalakad palapit sa amin. May dala siyang malaking illustration board. Mag pa-pa-print lang dapat siya pero may pahabol na gawain ang teacher namin, no choice kundi utusan siya.
"Finally!" Tumayo ako at sinalubong siya. "Bakit ang tagal mong haup ka?"
Pinunasan niya ang ilang butil ng pawis sa kaniyang noo. "Ang dami nag papa print. Atsaka muntikan ko na masagasaan 'yung babaeng nag mamadali kanina tumawid." Saad niya habang inaabot ang illustration na binili.
Kumunot ang noo ko. "Ano nangyari? Hindi naman natamaan?" Nag-aalalang tanong ko.
He pinched my nose. "Muntikan nga lang, means hindi." He chuckled.
I frowned. "Psh, hindi ka nag iingat!" Malakas ko siya hinampas.
"Bigla kasi sumulpot." He shook his head. "Mabuti nalang mabilis ako napa preno."
Nang makalapit kami kina Alyssa. Sinimulan na ang pinagawa sa aming activity. Due date na bukas kaya nagmamadali narin kami. After nito pupunta pa kami sa barangay para mag interview.
Mabilis ang araw. Mga ilang araw nalang ay midterm na. Kaya halos ang iba sa amin walang tulog. Ang dami pinapagawa sa ibang subject may zumba pa sa pe.
"Nakakapagod," ibinagsak ko ang aking katawan sa sofa nang makauwi kami galing sa barangay. That was our last task in nstp for the first sem. Kaya para akong nabunutan ng tinik nang matapos namin.
Hindi rin naging madali sa amin ang first sem. Napa acting kami ni sa Arts Appreciation may debate pa naganap sa ethics at report naman sa understand self. Madami pang pinagawa kaya wala talaga tulog na naganap.
"Nag gawa ako ng reviewer sa ibang subject, send ko nalang sa'yo." Clark put his arm around me when he sat down.
"Yown, hulog ka ng soil!" Tumagilid ako para mayakap siya.
"Malapit na birthday mo, ano balak mo?" Biglang tanong nito sa akin.
Hindi ako nakasagot agad. Wala akong balak mag handa or mag celebrate ngayong nalalapit na birthday ko. Parang normal na araw lang 'to para sa akin. Buti nga naalala niya, ako muntikan pa makalimutan.
"Mas mauuna ka tanga!" I laughed.
October 28 siya habang ako sa 30 pa. Medyo matagal pa naman kaya hindi ko pa naiisip. Mabuti nga walang pasok nun, kasi kung meron baka pag tripan pa ni Alyssa.
BINABASA MO ANG
When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)
HumorNot An Angel Series# 5 (Completed) Creselia Sylyphyn Velencio is the woman who values food more than falling in love again. For her, eating food is preferable to fooling around and being silly with men. Love for her is reserved for the brave woman...