PALABAS AKO NG presinto para umuwi na sa bahay. Tapos na kasi ang duty ko ngayong araw.
Naglalakad ako patungo sa kotse ko ng may mapansin ako sa windshield ng sasakyan ko na maliit na papel. Kinuha ko 'yun habang palinga-linga sa paligid. Binuklat ko ang papel at agad kumunot ang nuo ko ng hindi ko maintindihan ang naka sulat.
Ty mne nravish'sya moya Iyubov'
Basa ko sa sulat saka tinignan ang likod ng papel kung may naka sulat pa bang iba. Agad kong nilukot ang papel saka ko tinapon 'yun sa malapit na basurahan.
Pumasok ako sa kotse at agad binuhay ang makina. Habang nag mamaneho ako ay tinanggal ko ang unang batones ng uniporme ko dahil feeling ko hindi ako makahinga.
Dahan-dahan lang ang pagmamaneho ko hanggang sa makarating ako sa tinutuluyan kong apartment. Pinark ko lang ang sasakyan ko sa harap ng apartment saka ako bumaba ng kotse.
Agad kong inilibot ang tingin ko sa paligid dahil pakiramdam ko ay may naka masid sa 'kin. Ngunit wala naman akong makita kundi mga vendors at mga estudyante na naglalakad pauwi.
Pinalibot ko pa ng isang beses ang tingin ko hanggang sa tumunog ang cellphone na hawak ko. Agad ko namang sinagot 'yun ng makita ko ang pangalan ni Daphne.
"Hello!" Bungad ko sa kabilang linya saka naglakad papasok sa apartment.
"Policewoman.." tawag niya sa hyper na boses kaya agad nalukot ang mukha ko. Bestfriend ko kasi si Daphne since high school pa lang. Siya ang una kong naging kaibigan hanggang sa nasanay na ako sa kadaldalan niya kaya ayon, naging mag bestfriend kaming dalawa. Pareho lang kami ng pinasukang university sa college pero iba ang course na kinuha niya. Teacher kasi ang gusto niya at ako naman ay pulis.
"Ang ingay mo Teacher Katakutan." Nakangisi kong sabi dahil alam kung magagalit siya sa tinawag ko sakanya. Paano ba naman kasi.. ang apelyido niya ay Katakutan.
"Sige mang-asar ka pa! dyan ka magaling eh." Sabi niya sa kabilang linya.
Mahina akong natawa habang binubuksan ng isa kong kamay ang pintuan ng apartment ko. "Anong atin?" Tanong ko ng makapasok ako sa loob ng apartment ko.
"Akala ko ba day off mo bukas?" Tanong niya sa 'kin.
"Oo, bakit?" Tanong ko naman.
"Gaga. Nakalimutan mo agad? Kung hindi pa pala ako tumawag sa'yo para iremind ka sa date mo bukas ay malamang parang tanga ang kaibigan ko sa meeting place niyo bukas sa kahihintay sa'yo." Deritso niyang sabi.
Napakamot ako sa ulo ko ng maalala ko nga pala na umu-oo ako sa blind date na sinasabi ni Daphne. May gusto kasi daw sa 'kin ang kaibigan niyang teacher na hindi ko man lang nakita ang hitsura nito kahit sa picture man lang. Ayaw kasing ipakita
sa 'kin ni Daphne para surprise daw pag nag meet kami ng lalaki. Napaka maduga talaga ng babaeng 'to, tapos ang lalaki alam ang hitsura ko.Bumuntong hininga naman ako bago ako sumagot kay Daphne. "Kailangan pa ba 'yan? Pwede ba akong mag back out?" Naka ngiwi kong sabi.
"Back out ka dyan!! Pinaghandaan pa nga niya ang date niyo bukas tapos sasabihin mong back out." Naka sigaw niyang sabi sa 'kin kaya medyo inilayo ko ang cellphon sa teynga ko.
"Oo na." Pagsusuko kong sabi. Atat na atat kasi siyang magka jowa ako eh, sinabi ko ng wala akong panahon sa mga ganyan. May kailangan pa akong gagawin kaya wala pa sa isip ko ang mga lalaki.
Muntik ko na sanang mahuli ang lalaking naka suot ng maskara tatlong buwan na ang nakakalipas. Pero sa kasamaang palad ay nakatakas.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 7: Atticus Romero
Romance[R-18 🔞] ||✅Complete|| {Matured Content} (UNDER EDITING) Atticus Romero, the tracker of assassination group obsessed to policewoman August Suãrez who is seeking justice for her father's death.