Chapter 14

34.4K 753 58
                                    

BINUKSAN KO ANG kulongan at pinalabas ang may saltik na lalaki na nag presentang pumasok sa loob. Naka nguso pa itong tumayo mula sa pagkaka salampak sa sahig saka naglakad papunta sakin.

Inirapan ko siya ng makalabas siya saka ko isinirado ulit ang kulongan. "Sa susunod na gawin mo ulit yan, Atticus.. hinding-hindi na kita palalabasin sa kulongan." seryoso kong sabi sakanya.

"Hindi mo naman ako matitiis, moya Iyubov." sagot niya sakin saka pinag siklop ang kamay naming dalawa.

"Kanina pa ako nagugutom, moya Iyubov." reklamo niya sakin habang naka simangot. "Ang sama mo! Hindi mo man lang ako pinakain," madrama niyang sabi sakin.

"Bakit ko naman pakakainin ang isang bilanggo, aber?!" pang-aasar ko sakanya.

"Kasalanan ko bang papasok-pasok ka sa kulongan. Ano ba kasing pumasok sa isip mo at ginawa mo 'yon?" inis kong tanong sakanya.

Kanina pa kasi ako inaasar ng mga kasama ko dahil itong Atticus na 'to ay sinabing nanaliligaw daw siya sakin. Kaya ayon.. walang ginawa ang mga kasama ko kundi tuksuhin ako.

"Kapag nakita pa talaga kita bukas sa presento, Atticus, sinasabi ko sayo.. sasakalin talaga kita gamit ang posas," pananakot ko sakanya.

"Baka gusto mong ikaw iposas ko," naka ngisi niyang sabi sakin.

"Heh!" sagot ko saka hinila ang kamay ko na hawak niya. Ngunit agad niyang hinawakan ulit ang kamay ko saka 'yon pinagsiklop.

"Gusto mo doon ka nalang sa bahay ko matulog mamaya?" tanong niya sakin bigla.

"Bakit ko naman gagawin 'yon?" sagot ko habang naka taas ang isang kilay ko.

"Kasi wala pa 'yong bed frame mo. Pinagawa ko pa kasi para alam kong matibay. Hindi basta-basta babagsak 'yon kahit magdamag akong buma—

Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil mabilis kong tinakloban ang bibig niya. Nahihiya tuloy akong tumingin sa naka salubong namin na mag-asawang papasok sa presento, narinig pa yata ang sinabi ni Atticus.

"Puro ka kalokohan! Hala sige.. lakad!" saad ko sabay punta sa likuran niya saka ko siya tinulak.

"Kumain tayo sa labas, moya Iyubov." pangungulit niya sakin.

"Oo na. Pero ihatid ko muna ang sasakyan ko sa labas ng apartment ko," saad ko sakanya na ikina-tango niya.

Pumasok ako sa loob ng kotse ko saka ko pina-usad agad. Naka sunod naman sakin ang sasakyan ni Atticus.

Nang makarating ako sa harap ng apartment ay agad akong bumaba ng kotse at naglakad papunta sa naka paradang sasakyan ni Atticus.

Lalabas pa sana siya sa driver seat para siguro pag buksan ako ng pinto ng kotse ng mabilis ko siyang napigilan. Mag pagka bastos si Atticus pero gentleman naman siya kahit papano.

Nang makapasok ako sa loob ng sasakyan niya ay naka nguso ito habang nakatingin sakin. "Anong klaseng mukha yan?" tanong ko sakanya.

"Mukha ng baby mo," sagot niya sakin. Hindi ko nalang siya sinagot at ikinabit ko nalang ang seatbelt.

"Saan mo gusto kumain?" tanong niya sakin saka pina-usad ang sasakyan.

"Ikaw na bahala," sagot ko naman dahil wala akong maisip kung saan kami kakain. Hanggang sa may pumasok sa isip ko.

"Ahm.. gusto ko yung may nagluluto sa harap ko habang kumakain ako." saad ko sakanya.

"Sige, moya Iyubov." naka ngiti niyang sagot sakin.

Hanggang sa makarating kami sa isang kalsada na wala namang restaurant. Bumaba si Atticus sa kotse saka umikot sa passenger seat at pinag buksan ako ng pintuan. Bumaba naman ako agad at palinga-linga sa lugar at baka may nakatagong restaurant lang pala.

Assassin Series 7: Atticus RomeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon