SPG~
NASA POLICE STATION ako ngayon at hinihintay na gumabi dahil may gagawin akong mission. Ako ang pinili ng Chief of Police namin para mag panggap sa gagawin naming raid sa isang bar sa Makati.
Mabuti nalang ay gumaling na ako sa lagnat dahil sa nangyari samin ni Atticus. Nilagnat lang naman ako ng three days. Pilit pang pumapasok si Atticus sa apartment ko pero hindi ko siya pinagbuksan dahil sobrang sakit ng pagkababae ko. Inis na inis ako sa pagkalalaki niya.
Hinanda ko na ang sarili ko at nagsuot ng sexy na damit na binili ng kasama ko. Kahit ayaw kong suotin ay wala akong choice dahil kailangan kong magpanggap na G.R.O.
May nakapagbigay kasi samin ng impormasyon na talamak daw ang bentahan do'n ng mga menor de edad.
Kaya kailangan kong makapasok doon at gumiling-giling sa maliit nilang stage. Napag-aralan ko naman ang bawat sulok ng bar kanina. Hindi din naman ako natatakot dahil magpapanggap din na mga customer ang mga kasamahan kong pulis.
Sumakay ako sa kotse ko at naunang pumunta sa bar. Nakasunod naman ang isang pulis sa 'kin na si P03 Wayne na nakasakay sa motor. Magpapanggap kasi siyang customer mamaya.
Kinakabahan ako dahil ito ang unang beses na gagawin ko ang mission na 'to. Lagi lang naman kasi akong nag pa-patrolya kaya talagang kinakabahan ako.
Hindi dapat ako ang babaeng papasok sa bar kundi ang isa kong kasama na pulis. Ngunit sumakit ang tyan niya kaya wala silang choice kundi palitan 'to. Kaya ang ending.. sa 'kin na punta ang mission.
Agad kong pinark ang kotse ko sa harap ng bar saka ako bumaba sa sasakyan. Itinaas ko kunti ang maiksi kong palda na kulang nalang ay makita na ang pang-upo ko. Hapit na hapit din saking katawan ang tube na suot ko at halos maipit ang malalaki kong dibdib.
Kahit hindi komportable ay sinuot ko parin 'to para magawa ng maayos ang mission ko. Nginitian ko lang ang mga bouncer na nasa labas kaya pinapasok nila agad ako.
Sumalubong sa 'kin ang maingay at magulong mga tao na halatang lasing na lasing na. Ang iba pa nga ay nag dro-droga sa gilid.
Nakita ko naman na may sumasayaw na tatlong babae na halatang mga teenager pa. Nakikita ko sa mukha nila na napipilitan lang silang gawin ang ginagawa nila. Napa-iyak pa ang isang babae ng hipuan siya sa dibdib ng isang matandang lalaki.
Uminit agad ang ulo ko ng makita ko 'yon. Mga bwesit!
Napadako ang tingin ko sa isang bakla na punong-puno ng alahas ang katawan at parang may tinatawag na mga babae.
Umiiyak ang isang babae ng hilain 'to ng lasing na lalaki at agad nilukomos ng halik. Napabuga ako ng hangin dahil hindi ko kayang masikmura ang ginagawa nila.
Nakatitig lang ako sa baklang nagpapay-pay sa sarili niya habang nakatingin sa stage na may gumigiling na tatlong babae.
Napansin niya yata ang titig ko kaya lumingon siya sa gawi ko. Tumingin siya sa 'kin mula ulo hanggang paa saka siya lumapit sa 'kin.
"G.R.O?" Tanong niya kaya nagulat ako. Pero agad naman akong nakabawi kaya tumango ako.
"Ano pang hinihintay mo!! Maghanda kana dahil ikaw na ang susunod na sasayaw. Galingan mo ang pag giling ha!" Sabi niya sa 'kin. Mukhang napagkamalan niya akong kasama ng mga trabahante niyang GRO.
Sinunod ko parin ang gusto niya kaya agad akong naghanda sa gilid ng stage. Pinapanood ko ang tatlong babae na sumasayaw at kulang nalang ay maghubad sa harapan ng mga lasing na lasing na mga lalaki.
Nang matapos sila ay agad akong tinulak ng bakla pa-akyat ng stage. Halos mag sigawan ang mga lalaking lasing na ng tumapat sa 'kin ang spotlight.
Kinakabahan ako pero ng makita ko ang mga kasamahan kong mga pulis na nasa gilid lang habang umiinom ng beer ay agad nawala ang pangamba ko.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 7: Atticus Romero
Romance[R-18 🔞] ||✅Complete|| {Matured Content} (UNDER EDITING) Atticus Romero, the tracker of assassination group obsessed to policewoman August Suãrez who is seeking justice for her father's death.