Chapter 19

31.8K 665 51
                                    

NAGLILINIS KAMI NI Atticus ng apartment ko ngayong araw. Ayaw ko sana siyang patulongin pero makulit siya at talagang pumunta pa talaga dito sa apartment ko para tumulong.

Medyo mahapdi ang pagka babae ko dahil hindi ako tinantanan ni Atticus kagabi. Inuwi na naman niya kasi ako sa bahay niya at doon ako natulog kagabi. Kaya maaga akong umuwi kaninang umaga sa apartment ko, hindi na ako nag pahatid kay Atticus dahil dumating ang kaibigan niya na ang pangalan ay Caiden. May negosyo silang pinag-uusapan kaya hindi na ako nag pahatid. Tumawag naman kanina si Atticus at tinatanong kung anong ginagawa ko kaya nag pumilit siyang tumulong.

Gusto ko kasing baguhin ang kulay ng apartment ko kaya naisipan kong gawin ngayong araw dahil day off ko.

Inaayos ni Atticus ang kama ng matapos kaming dalawa mag pintura. Mabilis namang natuyo kaya ibinalik na ni Atticus sa dating ayos ang higaan ko. Medyo mabigat ang pinalit niyang bed frame kaya siya na ang nag ayos n'on.

Pinupunasan ko ang mga naka display kong gamit saka ko 'to inayos. Napangiti ako ng makita ko ang photo album ng pamilya ko kaya dinampot ko 'to saka pinunasan. Itinago ko kasi 'to simula ng mamatay si papa at sumunod din ang aking ina. Sa sobrang lungkot ko ay itinago ko muna ang album na 'to dahil hindi ko kayang tanggapin na wala na sila.

Binuksan ko ang photo album saka pinunasan ang unang picture na nakalagay sa loob. Habang ginagawa ko yun ay lumapit si Atticus sakin at ginaya ako na naka salampak ang upo sa sahig. Hinalikan niya ang gilid ng ulo ko saka inamoy niya ang leeg ko kaya agad kong inilayo ang leeg ko dahil amoy pawis ako.

"Wag mo nga akong amoyin. Amoy pawis ako!" saad ko sakanya.

"Mabango ka parin naman kahit amoy pawis ka. Kaya umurong ka dito sakin para singhotin ko ang amoy mo," seryoso niyang sabi saka hinila ako palapit sakanya saka inamoy ulit ang leeg ko.

"Nakikiliti ako, Atticus." natatawa kong sabi sabay tulak ng ulo niya palayo sa leeg ko.

Tumigil naman siya saka niyakap ako saka ipinatong ang baba niya sa balikat ko. "Sino yan, moya Iyubov?" tanong niya sakin habang nakatingin sa album na hawak ko.

"Ako 'to ng baby ako," sagot ko saka inilipat ng pahina ang album.

"Ganun siguro ka cute ang magiging anak natin sa future, moya Iyubov." saad niya kaya napa-iling ako. Gustong-gusto na daw niya kasing magka anak kami. Naiingit daw kasi siya sa mga kaibigan niya na may mga anak na.

Itinigil ko ang pag buklat ng makita ko ang picture namin ni papa at mama na naka suot ako ng toga. Parang gusto kong maiyak ng maalala ko ang sandaling 'to.

"Nasaan nga pala ang mga magulang mo, moya Iyubov? Gusto kong magpa kilala sakanila," saad ni Atticus kaya napakurap-kurap ako.

Mapait akong ngumiti saka hinaplos ang naka ngiting picture nila mama at papa. "Wala na sila.." saad ko sa mahinang boses.

"Pumasok si papa sa trabaho niya nong araw na yun. Habang ako ay nag tatake ng Napolcom exam. Saktong tumawag ako nong araw na yun kay papa at nakikipag usap sakanya. Sinabi ko na medyo nahirapan ako sa exam," saad ko habang inaalala ang nangyari nang araw na yun.

"Bigla nalang may lumapit na lalaki na naka suot ng hoodie jacket at naka suot ng maskara," naiiyak kong sabi. "Kitang-kita ko kung pano pinatay ang ama ko hanggang sa tuluyan niyang na bitawan ang cellphone niya. Hindi ko makita ang pumatay dahil sa suot niyang maskara. Hanggang ngayon ay tandang-tanda ko parin ang hitsura ng maskarang 'yon." mahabang sabi ko. Tumingin ako kay Atticus na tahimik na nakikinig sakin.

"Actually, naka harap ko siya.. four months ago, pero naka takas parin siya." malungkot kong sabi. "Gustong-gusto kong mahuli ang lalaking nasa likod ng maskarang 'yon. Magbabayad siya sa pag patay niya sa ama ko. Maging ang mama ko ay hindi na kayanan ang nangyari ng malaman niyang namatay si papa kaya inatake 'to sa puso dahilan para mamatay siya at maiwan akong mag-isa sa buhay." malungkot kong sabi habang inaalala ang mapait na nangyari sa pamilya ko.

Assassin Series 7: Atticus RomeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon