Chapter 21

29K 656 34
                                    

TWO DAYS NA AKONG hindi umuuwi sa apartment ko. Pagkatapos ng duty ko ay lagi akong sinusundo ni Atticus at inuuwi sa bahay niya. Kapag hindi ako pumayag sa gusto niya ay siya naman ang natutulog don sa apartment ko. Ayaw ko kasi siyang patulugin don lalo na't mainit ang panahon. Nakakahiya naman kasi sa balat niya dahil walang aircon ang apartment ko.

Kararating lang namin sa bahay niya at agad akong dumeritso sa kwarto niya para makapag bihis muna dahil kanina ko pa gustong hubarin ang uniporme ko
na mas lalo pa yatang sumikip sakin. Kailangan ko na talaga ng bagong uniporme para naman komportable ako. Kasalanan 'to ni Atticus eh, puro dala ng pagkain sakin, sinabi ng diet ako eh.. kaso talagang sinasadya niyang mag dala ng pagkain kaya ang ending.. kinakain ko. Kain now, iyak later dahil ang sikip ng mga damit ko.

Binuksan ko ang shower para maka ligo na ako. Balak ko kasing turuan si Atticus mag luto dahil gusto daw niyang matuto para hindi na daw siya panay order ng pagkain sa labas.

Binilisan ko ang pag ligo ko at baka kung ano na naman ang gawin ni Atticus sa kusina niya. Nong isang araw kasi ay muntik na niyang masunog ang kusina niya dahil biglang lumakas ang apoy sa stove. Sa sobrang gulat niya ay binuhusan niya ng tubig ang stove saka ito tinapon sa labas.

Pinatay ko muna ang shower saka ko kinuha ang bath robe na naka sabit. Isinuot ko yun saka ako lumabas ng banyo na may dalang maliit na towel para punasahan ang buhok ko.

Nang maka labas ako sa banyo ay agad akong nag lakad sa walk in closet ni Atticus para kumuha ng tshirt at boxer short. Pero bago ako lumapit ng tuluyan sa walk in closet ay huminto muna ako sa harap ng salamin saka tinitigan ang hitsura ko.

"Grabe... ang taba ko na," saad ko sabay pisil ng bilbil ko sa harap ng salamin. Akmang tatalikod na sana ako sa salamin ng may mapansin ako na naka patong sa glass cabinet ni Atticus. Isa 'tong laruan na naka harap ang katawan ngunit naka tagilid ang mukha. Akala ko ay ganun lang talaga ang pagka gawa n'on kaya hindi ko nalang pinansin.

Maglalakad na sana ako ng mapalingon ulit ako sa laruan na yun, parang may mali kasi. Hinawakan ko ang ulo ng laruan at laking gulat ko na pwede pala siyang ikutin paharap. Inisip ko nalang na baka inikot yun ni Atticus at nakalimutan lang niyang ibalik. Kaya inikot ko ang ulo ng laruan hanggang sa humarap na 'to sakin.

Napabitaw ako sa laruan ng may marinig akong bumukas na pinto sa likod ng glass cabinet. Palipat-lipat ang tingin ko sa pintong bumukas at sa laruan na naka patong sa glass cabinet.

Akala ko ay nagkataon lang kaya inikot ko ulit patagilid ang ulo ng laruan, laking gulat ko ng sumara din ang pinto na bumukas kanina. Inikot ko ulit ang ulo ng laruan paharap kaya bumukas ulit ang pintuan.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa naka bukas na pintuan saka sumilip. Ngayon ko lang kasi nalaman na may pintuan dito. Hindi kasi halata dahil pader lang siya at may naka harang din na malaking cabinet.

Sa sobrang curious ko ay pumasok ako sa naka bukas na pintuan. Bumungad sakin ang isang malaking cabinet na punong-puno ng iba't-ibang klase mg katana.

"Bakit may ganito si Atticus?" bulong ko sarili ko habang pinagmamasdan ang mga katana na naka display sa malaking cabinet.

May isa ding cabinet na may iba't-ibang uri ng baril, may mga sniper gun din na naka lagay kaya mas lalong kumunot ang nuo ko. "Bakit ang daming baril dito?" naitanong ko ulit sa sarili ko.

Naglakad ako ulit para libutin ang silid na 'to hanggang sa nakita ko ang mga naka display na picture frame. Nasa picture na 'yon ay ang mga kaibigan ni Atticus at siya. Naka ngiti ang iba sa picture pero 'tong si Atticus ay hindi man lang naka ngiti.

"Napaka sungit talaga ng mukha mo," naka ngiti kong saad saka hinaplos ang mukha ni Atticus sa picture frame. Tumingin ulit ako sa isang picture frame at mahinang natawa dahil hindi sila naka tingin sa camera man kundi sa kaibigan nilang si Ruwi. Naka suot ng wedding dress si Ruwi katabi ang asawa niya na napapalibutan nila Atticus kasama pa ang iba niyang mga kaibigan. Halata sa mga mukha nila na parang gulat na gulat.

Assassin Series 7: Atticus RomeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon