Chapter 29

27.5K 704 102
                                    

⚠️W A R N I N G‼️

WALA AKONG PASOK ngayong araw kaya nandito lang ako sa bahay para makapag bonding naman kami ni Xanth.

Sinabihan ko si ate Minerva na mag day off ngayong araw pero ayaw niya. Hinayaan ko nalang dahil ang sabi niya madami daw siyang lalabhan na mga damit.

Tulog pa naman si Xanth kaya magluluto na muna ako ng breakfast naming tatlo. Habang si ate Minerva ay naglalaba.

Nag priprito ako ng may marinig akong kalabog sa labas. Pinatay ko muna ang kalan para tignan kung ano yun dahil sobrang lakas ng kalabog na 'yun.

Sumilip lang ako sa bintana ng makarating ako sa sala namin. Nanlaki ang mata ko ng may makita akong apat na lalaki na sinisira ang gate namin.

Akmang lalabas sana ako para harapin sila ng may dumating pa na mga lalaki. May mga hawak din silang mga baril kaya nanlaki ang mga mata ko.

Mabilis akong lumapit sa pinto saka dinouble lock ko 'to para hindi sila makapasok. Tumakbo ako sa kwarto namin ni Xanth saka ako kumuha ng malaking tshirt saka ko 'yon isinuot.

Lumapit ako sa anak ko para gisingin siya. "Anak! Anak! gising!!" Pukaw ko sakanya. Nagkusot naman siya ng mga mata niya saka kumurap-kurap sa harap ko.

"Bakit po mama?" Tanong niya sa 'kin sa antok na boses.

"Kailangan mo magtago, anak." Sagot ko kaya kumunot ang nuo niya.

"Bakit po mama?" Tanong sa 'kin ni Xanth.

"Basta anak, wala na akong oras para mag paliwanag." Sabi ko saka ko siya binuhat.

Lumapit ako sa maliit na baul na nasa kwarto namin saka ko 'to binuksan para ipasok si Xanth do'n.

"Mama.. ano po bang nangyayari?" Naguguluhan niyang tanong sa 'kin.

"May haharapin lang si mama sa labas. Wag kang lalabas hanggat hindi ako ang nagbubukas ng baul na 'to, okay? Wag ka din gagawa ng ingay anak ha!" Bilin ko sakanya.

"Pero mama.."

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Xanth dahil ipinasok ko siya sa baul na binili ko dati para may mataguan siya kapag nasa panganib kami. Ibinigay ko sa anak ko ang cellphone saka ako umuklo para magpantay ang mukha namin ng anak ko. "Hindi ba.. sinabi ko sa'yo dati na kapag may nangyari kay mama, kailangan mong tawagan ang number na naka save sa cellphone ko na panda." Mahaba kong sabi sa anak ko. Tumango naman siya sa 'kin habang umiiyak. Panda kasi ang sinave kong pangalan ni Atticus sa cellphone ko.

"Ang galing talaga ng anak ko." Nakangiti kong puri sa anak ko saka hinaplos ang mukha niya at pinipigilan na hindi umiyak sa harap ni Xanth.

"Wag kang lalabas dito ha! Hintayin mo si mama na bumukas ng baul na 'to, okay?" Dagdag kong sabi saka ko dinampian ng halik ang nuo niya.

Napabitaw ako sa anak ko ng marinig ko ang malakas na kalabog sa pinto. Umiiyak na nakatingin sa 'kin si Xanth kaya isinara ko ang baul saka nilagyan 'to ng vase para hindi halata.

Akmang kukunin ko na sana ang baril ko ng bumukas ang pintuan namin sa kwarto. Limang lalaki ang pumasok habang naka ngisi ng makita nila ako. Naririnig ko pa ang boses ni yaya Minerva na humihingi ng tulong.

"Sino kayo? Anong kailangan niyo samin?!" Matapang kong tanong sa mga lalaki na nasa harap ko.

"Matapang ka talagang police ka ha! Nang dahil sa'yo na sa kulungan ang ama ko." Sigaw sa 'kin ng lalaki na halatang bumatak ng druga bago pumunta dito.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa 'kin, ang gusto ko lang ay hindi madamay ang anak kong si Xanth.

"Hala sige! Katayin na natin ang babaeng yan!" Sigaw niya sa mga kasamahan niya na agad namang tumalima.

Assassin Series 7: Atticus RomeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon