Epilogue

32.3K 727 135
                                    

Nakatayo ako sa harap ng school habang hinihintay ang anak ko. Ako kasi mismo ang sumusundo sakanya at naghahatid sa school araw-araw.

Napalingon ako sa kabilang kalsada ng may marinig akong paparating na sasakyan. Bumaba ang kaibigan kong si Lucifier kasama si Salem. Naglakad ang mga 'to papunta sakin kaya nakipag fist bump ako sakanilang dalawa.

"Kanina ka pa?" tanong sakin ni Lucifier saka niya isinandal ang likod niya sa kotse ko.

"Medyo," tipid kong sagot.

"Kamusta ang buhay?" tanong niya sakin.

"Ayos lang. Kahit hindi ko na kasama si August," saad ko.

"Si Xanth? Hindi naba siya nalulungkot?" tanong din ni Salem sakin.

"Nakikita ko namang bumabalik na ang sigla ni Xanth. Salamat sa mga anak niyo! Malaking tulong yun sa anak ko para maka move on sa nangyari sa mama niya," saad ko habang nakatingin sa kalangitan.

"Tsk! Kaya hindi na tuloy mapaghiwalay ang mga anak natin," naiiling na sabi ni Lucifier.

"Mabuti nga at naisipang magpatayo ni boss Lucian ng playground sa mga anak natin," saad ko.

"Play ground? Baka underground?" saad ni Salem sakin na ikinatawa ko. Naging hide out na kasi ng mag anak namin ang pinagawang play ground ni boss Lucian. Ayaw pa nga kami papasukin dahil para sakanila lang daw yun. Hindi daw kami pwedeng pumasok lalo na't hindi daw namin alam ang passcode ng pinto nila.

"Yung anak mo.. nagmana sa'yo! May ginawa sila ni Lufhier n'ong isang araw. Hinack ba naman ang cctv ng coffee shop, at nang mahuli ko silang dalawa ay tinanong ko kung bakit nila ginawa yun. Pinapanood lang daw nila si uncle Lorcan nila na sinabuyan ng tubig ng may-ari ng coffee shop," mahabang sabi ni Lucifier.

Natawa naman ako dahil na kwento kasi ng anak ko yun. May gusto kasi si Lorcan don sa may-ari ng coffee shop kaso hindi siya makalapit dahil ayaw siyang makita ng babae. Mukha pa lang daw kasi ni Lorcan nakaka sira na ng umaga. Paanong hindi masisira eh, napaka angas ng mukha at parang laging ng hahamon ng gulo.

"Nakwento din sakin yan ni Hannah. Ang sabi ko pa nga wag nilang ipagsabi kay tito Lorcan nila na alam natin at baka masuntok tayo n'on," natatawang sabi ni Salem.

Natigil kaming tatlo ng marinig namin tumunog ang fire alarm. Naalarma kaming tatlo at baka may sunog na nangyayari sa loob ng school. Ngunit laking gulat namin ng makita namin ang mga anak namin na nag tatawanan habang tumatakbo palapit samin habang hinahabol ng teacher.

"Kingina! Mukang matatawag na naman tayo sa principal office, mga tsong," saad ni Lucifier saka bumuga ng hininga.

Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa kalokohan ng mga anak namin. Mukang pinindot ang fire alarm sa school saka tumakbo palabas.

Masama naming tinignan ang mga anak namin na nakatayo sa harapan namin at inosenteng nakatitig samin.

"Ano na namang kalokohan 'to, Hannah?" tanong ni Salem sa anak niyang babae. Dito yata tatanda ng maaga si Salem sa anak niyang si Hannah, namana pa naman ng anak niya ang kahanginan niya.

"Daddy, let me explain po. Si Lufhier po kaya yung nag press ng fire alarm," maarteng sagot ng anak ni Salem kaya mahina akong natawa.

"Hayy.. puputi buhok ko sa'yo. Isusumbong kita sa mommy mo," saad ni Salem na halatang na kukunsumisyon na sa anak niya.

"Lufhier!!" tawag ni Lucifier sa anak niya na nakayuko na ngayon.

Hindi sila magkaka-klase pero same school lang sila ng pinapasukan. Pero kapag tapos na ang school hours ay silang tatlo ang magkakasama. Nasa Canada kasi nag-aaral ang mga anak ni Ruwi na kambal kaya wala 'to ngayon sa Pilipinas.

Assassin Series 7: Atticus RomeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon