Chapter 25

26.8K 656 75
                                    

NAKA UWI NA KAMI sa bahay ng anak ko kaya todo alalay ang kaibigan kong si Daphne. Ang laki ng utang na loob ko sa kaibigan ko, hindi talaga niya ako pinabayaan at iniwan.

Ngunit, dahil one week lang naman ang leave niya kailangan niya ng bumalik sa Manila. Pero, babalik din naman siya sa saturday kaya ayos lang.

Umalis na si Daphne kaya kami nalang ng anak ko. Pinapadede ko muna ang anak ko saka ko aayusin ang mga gamit namin. Bago umalis si Daphne ay nilabhan pa talaga niya ang mga damit ko pati narin kay Xanth para daw hindi ako mabinat.

Nakaka panibago pala talaga pag may anak na, kaya nang makatulog ang anak ko ay dahan-dahan akong kumilos para makapag ayos ng gamit. Nagsaing narin ako at nagluto ng ulam. Medyo masakit pa ang tahi ko kaya dahan-dahan ang bawat galaw ko.

Lumipas ang mga araw, lumalaki narin ang anak kong si Xanth. Hindi madali maging nanay pero kinakaya ko parin naman. Minsan nga pag umiiyak ang anak ko ay umiiyak nalang din ako dahil hindi ko siya mapatahan.

Hindi pa ako nakaka punta ng Manila dahil ayaw kong ibyahe ang anak kong si Xanth.

Lumipas ang mga buwan, hindi parin ako nakaka punta ng Manila. Nagkasakit kasi ang anak kong si Xanth kaya na admit ito sa hospital. Naging maayos naman ang lagay ng anak ko pero hindi parin ako pumunta ng Manila. Natatakot kasi ako na baka maka sagap ng sakit si Xanth kaya mas pinili kong manatili nalang muna sa apartment. Makakahintay naman ang pag punta ko kay Atticus, uunahin ko na muna ang kapakanan ng anak ko.

Mabilis lang lumipas ang buwan, hindi ko man lang namamalayan. Isang taon narin ang anak kong si Xanth kaya pinabinyagan ko narin siya. Pinagsabay ko na ang binyag at ang first birthday niya para maka tipid ako. Kumuha kasi ako ng mag-aalaga kay Xanth dahil balak ko ng bumalik sa serbisyo.

Kunti lang ang inimbitahan ko sa binyag ng anak ko, mga kaibigan ko lang. Nandito si Fritz at ang mga dati kong kasamang pulis nong nasa Manila pa lang ako. Nandito din si Daphne at ang boyfriend niya, kinuha kong ninang si Daphne maging si Fritz ay kinuha kong ninong. May mga kasamahan din akong pulis na kinuha kong ninong kay Xanth.

Nang matapos ang event ay tulog na tulog ang anak kong si Xanth, napagod yata kakalaro sa mga batang bisita niya.

Hindi madali maging ina pero nakaka wala naman ng pagod kapag nakikita ko ang ngiti ng anak ko.

Stay-in din ang kinuha kong maid kay Xanth, lumipat kami ng bagong apartment na may dalawang room para kay ate Minerva.

Lumabas ako ng kwarto namin ni Xanth at naabotan ko si ate Minerva na nag aayos ng mga gamit. "Ate, bukas mo nalang po ayusin yan. Magpahinga kana muna ate," biglang saad ko.

"Tapusin ko lang 'to, Ma'am August saka ako magpapa hinga," sagot niya sakin.

Mabuti nalan talaga at mabait ang nakuha kong katulong. Maasahan ko talaga si ate Minerva lalo na sa pag babantay kay Xanth.

"Ate Minerva, pwede bang ikaw na muna ang mag bantay kay Xanth bukas? May pupuntahan lang po ako bukas," saad ko.

"Sige po, Ma'am, wala pong problema." sagot sakin ni ate Minerva.

Kinabukasan, maaga akong umalis para hindi ako makita ni Xanth na naka bihis ng panglakad. Alam na kasi ng anak ko kapag aalis ako, kaya ang ending iiyak 'to at maghahabol sakin.

Habang nag mamaneho ako ng kotse ay ang nasa isip ko ang anak kong si Xanth. Iniisip ko kung gising naba 'to at umiyak ng makitang wala ako sa tabi niya.

Balak kong puntahan ngayong araw si Atticus. Gusto kong humingi ng tawad sa ginawa ko sakanya mahigit isang taon narin ang nakalipas. Nahihiya parin ako pero para kay Atticus, kakapalan ko ang mukha ko. Dapat lang na ako ang humingi ng pasensya dahil binaril ko siya, hindi lang isang beses kundi dalawang beses. Gusto ko din humingi ng pasensya sa mga kaibigan niya dahil alam kong na galit sila sa ginawa kong pag baril kay Atticus.

Assassin Series 7: Atticus RomeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon