NAMUMUGTONG ANG MGA mata ko habang naka higa sa kama. Hanggang ngayon ay hindi ko parin matanggap ang natuklasan ko tungkol sa aking ama.
Kapag naalala ko ang mga napanood ko sa flash drive ay mas lalo akong napapa-iyak. Hanggang ngayon ay naririnig ko parin ang mga iyak ng mga biktima ni papa kaya mas lalo akong umiiyak.
Wala man lang akong kaalam-alam sa mga nangyayari dati nong na bubuhay pa si mama at papa. Hindi ko matanggap dahil sobrang bait ng ama ko, na halos hindi man lang ako magawang saktan ni papa dahil baka daw magalusan ang balat ko. Nong nalaman nga niya na pulis ang kukunin ko ay ayaw niya pumayag agad dahil baka hindi ko daw kayanin.
Hindi ko alam kung pano ako naka uwi nong gabing nag harap-harap kami ni Atticus at ang mga kaibigan niya. Wala na ako sa tamang hwesyo ng gabing yun dahil sa sinabi ng kaibigan ni Atticus.
Kahit ayaw kong panoorin ang laman ng flash drive, pinanood ko parin at doon ko nalaman ang lahat. Nahihiya ako! Nahihiya ako kay Atticus. Nahihiya ako sa lahat kaya hindi ako pumapasok sa trabaho. Tatlong araw na akong nandito sa apartment at hindi ko magawang lumabas kahit saglit man lang. Panay din ang tawag ng kaibigan kong si Daphne ngunit hindi ko sinasagot ang mga tawag niya.
Pagod na pagod na ako sa buhay ko.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng may marinig akong mahinang katok sa pinto ng apartment ko. Umupo ako sa kama at hinihintay kong kakatok pa ba ulit ang taong nasa labas.
"August.." tawag niya sa pangalan ko.
Hindi ako gumalaw sa kama, ayaw kong pag buksan si Atticus ng pinto, hindi ko pa siya kayang harapin at hindi ko alam kung makakaya ko pa siyang harapin sa mga ginawa ko sakanya. Nahihiya ako sakanya.
"Alam kong nandyan ka sa loob, August. Nag-aalala ako sa'yo. Kumain kana ba? Wag kang magpapalipas ng gutom, please.." saad niya kaya mas lalo akong naiyak.
"Hindi ako galit sa'yo kung yun ang nasa isip mo, August. Handa kitang samahan sa pinagdadaanan mo, moya Iyubov." dagdag niyang sabi.
Tumayo ako sa kama saka ako nag lakad palapit sa naka sarang pinto. Tumayo lang ako sa naka sarang pinto habang pinapakinggan si Atticus na nasa labas ng apartment ko.
"Umalis kana, Atticus. Hindi kita kailangan!!" sigaw ko habang pinipigilan ang hikbi ko.
"Kumain kana ba? May dala akong pagkain para sa'yo," saad niya.
"Layuan mo na ako! Hiwalay na tayo diba!! Kaya umalis kana! Hindi kita kailangan!!!" sigaw ko ulit kay Atticus.
Hindi siya sumagot sa sinabi ko kaya akala ko ay umalis na siya sa harap ng apartment ko. Ngunit, laking gulat ko ng bumukas ang pintuan ng apartment ko at mula doon ay pumasok si Atticus na may dalang paper bag.
"Hindi ka talaga nakikinig sakin!!" galit kong sigaw sakanya.
"Gusto ko lang iabot 'tong pagkain, moya Iyubov. Pangako, lalabas din ako agad. Nag-aalala lang kasi ako sa'yo," saad niya na halatang nag-aala sakin.
Bakit ba siya ganito, ako na nga ang may kasalanan sa kanya pero ganito parin ang trato niya sakin, dapat nga ay magalit siya sakin dahil sa ginawa kong pag baril sakanya at pag corner sakanya sa high way. Pero, heto siya sa harap ko, bakas sa mukha ang pag-aalala sakin.
"Hindi ko kailangan yan, Atticus kaya umalis kana!" walang emosyon kong sabi sakanya.
Gumuhit sa mukha niya ang lungkot habang naka titig parin sakin.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 7: Atticus Romero
Romance[R-18 🔞] ||✅Complete|| {Matured Content} (UNDER EDITING) Atticus Romero, the tracker of assassination group obsessed to policewoman August Suãrez who is seeking justice for her father's death.