Chapter 28

28.4K 678 70
                                    

PAUWI NA AKO GALING sa trabaho ng maisipan kung dumaan muna sa grocery. Naalala ko kasi na paubos na ang stocks namin sa bahay.

Nakakapagod ang araw ko ngayon, pero masaya naman ako lalo na't ako ang naka tuklas kung saan ang bentahan ng druga dito sa lugar namin. Kaya agad nag sagawa ng raid ang mga kasamahan kong pulis.

Nilalagay ko ang mga healty snack na para kay Xanth, hindi ko kasi siya pinapayagan kumain ng mga chichirya kahit pa nga gustong-gusto niyang kumain.

Kumuha narin ako ng mga hygiene na para kay ate Minerva. Lagi ko talagang sinasalihan siya kapag nag gro-grocery ako pati narin mga meryenda niya.

Nang makita kong puno na ang push cart na tinutulak ko ay agad kong tinungo ang counter para mag bayad. Mahaba ang pila dahil madaming tao ngayon na nag gro-grocery. Kinuha ko nalang muna ang cellphone ko para tawagan si yaya Minerva, gusto kong makausap ang anak ko habang nag hihintay umusad ang linya.

Naka ilang ring lang ako ng sagutin 'to ni ate Minerva. Tinawag naman niya agad si Xanth para makausap ko 'to.

"Hi, mama!" bati sakin ng anak ko.

"Hello, anak. Nandito pa si mama sa grocery kaya hindi pa ako nakakauwi," saad ko kahit hindi nagtatanong ang anak ko. Nadala na kasi ako nong natagalan akong naka uwi at hindi ako tumawag. Nagtampo sakin ang anak ko dahil hindi ko man lang daw siya tinawagan, nag-aalala siguro siya sakin kung bakit ako hindi naka uwi agad. Alam niya ang oras ng out ko kaya kapag hindi ako naka uwi sa saktong oras ay kailangan kong tumawag para hindi siya mag tampo.

"Mama, can you buy chocolate ice cream for me?" tanong ng anak ko.

"Yeah, sure. Pag uwi ni mama may ice cream akong dala," sagot ko sakanya.

"Thank you po mama," sagot niya sakin. Nang makita kong malapit na ako sa cashier ay nag paalam na muna ako kay Xanth saka ko pinatay ang tawag.

Nang makita ko kung magkano lahat ng pinamili ko ay inabot ko ang bayad sa babaeng cashier. Kinuha ko na ang mga pinamili ko saka ako naglakad palabas ng mall.

Tinungo ko ang kotse ko na nasa parking lot saka ko inilagay ang mga pinamili ko sa likod ng kotse ko. Naglakad ako papuntang driver seat saka ko 'to binuksan para pumasok.

Pinausad ko lang ang sasakyan para makauwi na ako sa bahay. Gustong-gusto ko na talagang mag pahinga. Kaya talagang wala na akong oras kay Xanth para makipag laro sakanya. Sa day off lang talaga ako bumabawi sakanya at sinusulit ang oras na magkasama kami.

Nagtataka nga ako kay Xanth kung bakit hindi na niya ako tinatanong tungkol sa papa niya. Siguro dahil nakita niya akong umiyak last week ng makita ko si Atticus na may kasamang babae. Ayaw na sigurong malaman pa ni Xanth kung nasaan ang papa niya kaya hindi na siya nagtatanong sakin.

Para nga akong tanga nang araw na yun dahil para akong wala sa hwesyo. Nakikipalakpak na nga lang ako don pero ang isip ko lutang. Pilit ko nalang kinakalimutan ang nakita ko, masaya naman na din si Atticus kaya ayos lang.

Nakarating ako agad sa bahay namin at ang anak kong si Xanth ay sinalubong agad ako. Pumasok kami sa bahay at talagang inuna niyang hinanap ang ice cream na pinabili niya sakin.

"Anak, later na yang ice cream. Dinner na muna tayo," sabi ko sa anak ko na binubuksan na ang lalagyan ng ice cream.

"Naku, Ma'am August, tapos na po yang kumain. Excited yata kumain ng ice cream," biglang sulpot ni ate Minerva sa kusina.

Assassin Series 7: Atticus RomeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon