Chapter 32

29.4K 669 130
                                    

NAGLALAKAD AKO KASAMA ang anak kong si Xanth habang may hawak kaming basket na may lamang bulaklak. Isang buwan narin ang lumipas simula ng namatay si August.

Nag-aalala ako kay Xanth dahil nag iba ang ugali nito. Lagi nalang siyang nagkukulong sa kwarto niya, ayaw niyang makipag-usap kahit na kanino maging sakin. Ilang araw ko pa siyang pinilit na kausapin ako dahil nag-aalala ako sakanya. Hindi din siya kumakain, kung hindi ko pa siya pipilitin hindi talaga siya kakain.

Lagi ko ding nakikita na yakap-yakap niya ang picture frame ni August sa t'wing natutulog siya.

Kaya lagi kong pinapapunta dito sa bahay sina Alexios at Evreux at nag babakasakali ako na bumalik ang sigla ng anak ko.

Sa tulong nila Alexios at Evreux ay lumalabas narin sa wakas ang anak ko sa kanyang kwarto. Nakikipag halubilo narin 'to sa mga uncle's niya at tita Ruwi niya. Malapit siya kay Ruwi kaya lagi siyang nasa bahay nito. Kailangan ko pa siyang sunduin para lang umuwi sa bahay dahil doon na naka tambay sa pamilyang Vandeleur.

Nandito kami ngayon sa simenteryo para dalhan ng bulaklak ang puntod ni August. Galing na kami kahapon dito pero gusto ko lang dalawin ulit ang babaeng ng iwan samin ni Xanth.

Nakarating kami sa harap ng puntod ni August kaya agad naming inilapag ang dala kong basket saka ako umupo sa damuhan.

"Kamusta kana po, mama?" tanong ni Xanth saka umupo sa damuhan sabay haplos sa lapida ni August.

Hinaplos ko ang buhok ng anak ko saka ako ngumiti sakanya. "Sigurado akong masaya si mama mo dahil lumalabas kana sa kwarto mo," saad ko kaya napa-ngiti si Xanth pero alam kung pilit ang ngiti niya.

"Mama, marunong na po ako gumamit ng sword. Tinuruan po ako ni tita Ruwi gumamit," saad ni Xanth na ikinalaki ng mata ko.

"Tinuruan ka ng tita Ruwi mo?" tanong ko dahil hindi ko alam. Babatukan ko talaga 'to si Ruwi kapag nakita ko siya.

"Opo. Nakita ko po kasi si kuya Alexios humawak ng sword, papa. Ang galing po niya! Kaya sabi ko gusto ko pong matuto pero ayaw pumayag ni kuya Alexios turuan ako, kaya si tita Ruwi ang kinulit ko," naka nguso niyang sabi sakin.

Kaya naman pala may maliit siyang sugat sa kamay na naka benda. Ang sabi pa sakin ng anak ko ay nasabit lang daw siya sa alambre nong naglalaro sila ng kuya Evreux niya. Lagot talaga 'to sakin si Ruwi. Kaya naman pala gustong-gusto ng anak ko na pumunta sa bahay nila Ruwi.

"Hindi kana pwedeng humawak ng sword, okay?! Masyado ka pang bata para sa ganyan, Xanth." seryoso kong sabi sa anak ko kaya napayuko 'to.

"Isusumbong po kita kay mama, papa. Para hilain po ang paa mo mamayang gabi," sagot ng anak ko na ikina-iling ko. Pala sagot talaga 'tong anak ko. Mana kay August. Para lang tuloy kaming mag barkada ng anak ko.

Kinekwentuhan lang namin ang puntod ni August, ang anak ko naman ay kinukulit na akong umuwi dahil gusto daw niyang pumunta sa bahay ng tita Ruwi niya. Ewan ko ba kung anong meron sa bahay ni Ruwi at pati ang anak ni Lucifier, Salem at Raizen ay gustong-gustong tumambay sa bahay niya. Wala namang magandang tanawin doon bukod sa pag mumukha ng kambal na si Lord at Lorcan at ang isa pa nilang kasama na si Genesis na wala ng ginawa kundi mahigh blood sa ingay ng mga anak namin. Siya kasi ang inutusan ni Ruwi na bantayan ang mga bata at baka kung saan-saan lumusot sa bahay ni Ruwi.

May mga alaga kasi si Ruwi na mga hayop kaya hindi pwedeng walang bantay sa mga bata.

"Balik ulit kami dito, mama. Ba-bye po!" naka ngiting paalam ni Xanth sa puntod ni August.

Nakapamulsa akong tumitig sa lapida ni August saka ko 'to hinaplos at ngumiti. "Tara na papa! Baka malate po ako," saad ng anak ko na hinihila ang kamay ko.

Assassin Series 7: Atticus RomeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon