NAGISING AKO NANG maramdaman kong may humahaplos sa buhok ko. Ayaw ko sanang gumising dahil masyadong maganda ang panaginip ko na ayaw ko ng magising pa.
Hinaplos ulit ang buhok ko kaya inangat ko ang aking ulo para makita ang taong humahaplos sa buhok ko. Napakurap-kurap ako habang nakatitig sa mukha niya.
Kinusot ko pa ang dalawa kong mata at baka nanaginip pa ako. Ngunit kahit anong kusot ko ay nandito sa harap ko si August.
"Moya Iyubov.." tawag ko sakanya. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya na may naka konekta paring dextrose. Ngayon lang pumasok sa isipan ko na totoo nga na buhay si August. Buhay ang dragon ng buhay ko.
Apat na araw na ako dito sa underground ng Siege habang binabantayan si August. Ang anak naming si Xanth ay iniwan ko muna kay Salem. Hindi kasi siya pwedeng pumasok dito. Kaya kahit gustong-gustong makita ni Xanth si August ay wala akong magagawa dahil rules yun ng Siege.
Nong una kong nakita si August ay hindi ko pa siya maka-usap ng maayos. Medyo groggy pa siya nang araw na yun dahil siguro sa mga gamot at operasyon na pinagdaanan niya.
Pinapalabas ako ni Genesis at bumalik nalang daw ako bukas ngunit ayaw kong pumayag. Ayaw kong mawalay ulit kay August.
Natakot ako n'ong sinabi sa 'kin ni Doc. Percival na kailangan paring obserbahan ang kalagayan ni August. Lalo na't kinailangan nilang gamitan 'to ng gamot na nang galing sa red market.
Kaya ginawa ko ang dapat kong gawin. Ayaw kong may pagsisihan ako sa huli. Sa tulong ni Genesis ay may nakuha 'tong pari, hindi para ipagdasal si August, kundi ay ikasal kaming dalawa ni August.
Hindi ako makakapayag na hindi siya matali sa 'kin lalo na't hirap parin ang kondisyon niya. May naka kabit parin na aparato sa gilid ng katawan niya n'ong una ko siyang nakita.
Naikasal kami ni August kahit medyo groggy pa siya at hindi pa nagsasalita. Nag-aalala nga ako pero sabi naman ni Doc. Percival na dahil lang daw yun sa gamot. Hindi makapalag si August kaya naikasal kaming dalawa.
Sa pangalawang araw na gising si August ay medyo bumubuti na ang kalagayan niya. Nakaka-usap ko narin 'to ngunit maikli lang sagot niya. Sa pangatlong araw ay napansin kong unti-unti na siyang lumalakas dahil sinakal lang naman niya ako.
Nagulat kasi 'to kung bakit daw may suot siyang wedding ring. Wala naman daw siyang naalala na meron siyang ganun kaya tinanong niya ako. Akala ko pa naman ay alam niyang kasal kami n'ong araw na magising siya, yun pala lutang parin pala siya sa gamot. Halos murahin at sinakal ako ni August dahil hindi parin daw ako nagbabago.
Ngumiti ako sa asawa ko kaya inirapan niya ako. Nakatulog pala ako kanina habang binabantayan siya.
Hindi ako pinapansin ni August dahil sa ginawa kong pagpapakasal sakanya. Kaya heto.. sinusuyo ko ang dragon ko, mahirap na baka mabugahan pa ako ng apoy.
"Are you hungry? May niluto ako kanina, moya Iyubov." Sabi ko sabay hawak sa kamay niya.
Nakasimangot siyang humarap sa 'kin at agad akong inirapan. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang ngiti ko. Damn it! Na miss ko ang ka malditahan niya kaya napapangiti nalang ako.
"Nakaka-inis yang mukha mo, Atticus." Mataray niyang sabi sa 'kin.
"Hindi pa nga tayo nag ho-honeymoon, buntis ka na agad, moya Iyubov." Sabi ko kaya piningot niya ang teynga ko.
"Aray! Aray ko!" Reklamo ko habang naka ngiwi.
"Honeymoon mo yang mukha mo. Ipapalunok ko sa'yo yang married certificate na yan." Pananakot niya sa 'kin sabay turo sa idinikit kong married certificate namin sa pader. Syempre, proud akong asawa si August kaya dapat lang ipagmayabang ko sa bawat doctor na pumapasok dito sa kwarto ni August na misis ko na siya.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 7: Atticus Romero
Romansa[R-18 🔞] ||✅Complete|| {Matured Content} (UNDER EDITING) Atticus Romero, the tracker of assassination group obsessed to policewoman August Suãrez who is seeking justice for her father's death.