Special Chapter IV

49.3K 1.2K 122
                                    

DALAWANG TAON ang lumipas simula ng maging mag-asawa kami ni Atticus. Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na makakasama ko ulit sila.

Kinasal kami ulit ni Atticus sa simbahan dahil binugbog ko siya. Kaya ayon, one month lang ng magising ako at nakauwi kami sa bahay niya ay nag pakasal kami agad sa simbahan.

Pinagbawalan kami ni Atticus na magka baby agad lalo na't hindi pa masyadong bumabalik ang lakas ko sa tagal kong inooperahan dahil nga sa nangyari
sa 'kin. May tahi din ako sa gilid kaya pinagbabawal muna ni Doc. Percival na magka anak ulit kami ni Atticus.

Pero dahil shop shooter ang gago, na buntis niya agad ako. Halos murahin ni Doc. Percival si Atticus at muntik ng barilin dahil sa frustration niya. Nag-aalala kasi siya dahil sa daming gamot na iniinom ko para lang mag hilom ng tuluyan ang mga sugat ko.

Si Doc. Percival kasi ang doctor ko kaya naiintindihan ko siya kung bakit niya kami pinapagalitan. Wala naman na din siyang magagawa dahil blessings yun para samin. Kaya todo ingat kami ni Atticus. Bawat kilos ko ay naka alalay siya
sa 'kin. Pati narin ang anak kong si Xanth ay tinutulungan din ako lalo na't excited siya dahil magkakaroon na daw siya ng kapatid.

Halos umiyak ang anak ko nang magkita kami ulit. Akala ko talaga, hindi ko na ulit mayayakap ang anak ko.

Sinumbong din sa 'kin ni Xanth na ang daming babae daw na umaaligid sa papa niya. Pasalamat nalang talaga 'to si Atticus at walang sinusumbong sa 'kim si Xanth kundi gulpi ang abot niya.

Tahimik narin ang buhay namin kaya malaya na akong nakakalabas ng bahay. Pero, nandito parin ang takot ko at baka maulit ang nangyari dati. Ayaw ko ng mangyari yun lalo na't dalawa na ang anak namin ni Atticus.

Galing ako sa labas ng bahay namin at nakikipag kwentuhan sa asawa ni Salem na si Courtney.

Linggo ngayon kaya walang pasok ang dalawa kong anak. Pagkapasok ko palang sa bahay bumungad
sa 'kin ang katahimikan.

Napa-iling nalang ako dahil alam kong nasa taas na naman ang tatlo at nag bo-bonding. Nang ipanganak ko ang bunso namin ni Atticus ay sobrang tuwang-tuwa si Xanth, maging si Atticus ay tuwang-tuwa dahil may baby girl na daw siya. Pinangalanan namin siyang Agathua Cate Romero.

Umakyat ako sa hagdan saka tumungo sa terrace dahil baka nandoon silang tatlo. Ngunit, tahimik din sa terrace. Naisipan kong pumunta sa kwarto ni Xanth at baka nandoon sila.

Akmang hahakbang na sana ako ng marinig ko ang hagikhik na tawa ni Cate. Galing 'yon sa kwarto naming mag-asawa kaya tinungo ko 'to agad.

Pinihit ko ang siradura ng pinto saka ko 'to binuksan. Mas lalo kong narinig ang tawa ng bunsong anak ko na nang gagaling sa banyo. Pati boses ni Xanth ay naririnig ko din na tawa ng tawa.

Dahan-dahan akong lumapit sa naka awang na pintuan ng banyo namin para silipin sila. Mahina akong natawa ng makita ko ang tatlo na nasa bath tub na may lamang tubig.

Sa gilid nito ay nakahiga ang mga barbie na laruan ni Cate. Naka suot ng facial mask si Atticus, Xanth at pati narin ang bunso naming anak. Habang si Atticus ay sinusuklayan ang buhok ng barbie, panay naman ang tawa ng anak kong si Cate.

Ganyan silang tatlo, hindi sila maka hindi kay Cate kapag nag aya maglaro ng barbie. Pati si Xanth na naglalaro ng basketball ay walang magawa kapag inaya siya ng bunso niyang kapatid na maglaro.

Mahina akong natawa ng makita ko si Atticus na kinuha ang cutics para lagyan ang kamay ng barbie doll.

"Anong ginagawa niyong tatlo?" Bigla kong sabi kaya halos magulat si Atticus. Mabilis niyang tinanggal ang suot ng facial mask saka siya ngumiwi sa 'kin.

Assassin Series 7: Atticus RomeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon