LUMIPAS ANG TATLONG TAON mahigit, lumalaki narin ang anak kong si Xanth. May pagka masungit ang mukha nito na namana niya kay Atticus.
Sa edad niyang four years old ay mahilig si Xanth magkalikot ng laptop. Naalala ko pa ng palitan ko ng password ang laptop ko dahil panay bukas siya n'on para manood. Nong binuksan ko na ang laptop ko ay nakalimutan ko kung anong inilagay kung password.
Halos pinagtawanan ako ng anak ko dahil hindi ko talaga maalala kung anong inilagay ko.Ipapaayos ko na nga sana nong araw na yun pero pinigilan ako ni Xanth. Kinalikot niya ang laptop ko at laking gulat ko ng mabuksan niya 'to. Hindi ko alam kung saan nagmana ang anak ko, hindi ko naman kasi nakita si Atticus na magaling pagdating sa laptop.
Wala akong pasok ngayong araw kaya nandito lang ako sa bahay. Nagpa day off si ate Minerva ngayon dahil balak niyang bisitahin ang mga anak niya. Pinayagan ko naman dahil matagal-tagal narin na hindi siya nakakapag day off. Siya kasi yung umaayaw kapag pinag o-off ko siya, sayang daw kasi.
Isinalang ko ang damit naming mag-ina sa washing saka ako mag luluto ng almusal namin ng anak ko. Tulog pa naman siya kaya walang maingay sa bahay. Maingay ang anak ko dito sa bahay, pero kapag nasa public place kami ay laging naka simangot. Ayaw na ayaw niyang makipag laro sa mga kapwa ka edad niya dahil bored daw silang kalaro.
Pinipilit kong itaguyod ang anak ko kahit pa nga minsan ay nagtatampo siya sakin lalo na kapag nag tatanong siya tungkol sa papa niya. Iba kung mag-isip si Xanth, alam na niya ang nangyayari sa paligid niya, minsan ay may pagka matanda mag-isip si Xanth. Kaya nga lagi ko siyang pinipilit makipag laro sa mga bata pero talagang ayaw niya, mas gusto pa niyang mag basa ng libro o di kaya ay magkalikot sa laptop ko.
Hindi ko kasi masabi sakanya ang tungkol sa ama niya. Ang alam lang ng anak ko ay ang pangalan ni Atticus. Pinakita ko din sakanya ang picture ng ama niya na nasa wallet ko para naman makilala niya 'to. Alam ko kasing hindi na sila magkikita ng ama niya lalo na't may sarili na 'tong pamilya.
Lagi niya akong tinatanong kung nasaan daw ang papa niya at bakit hindi daw namin 'to kasama. Sinasabi ko nalang kay Xanth na nasa malayong lugar ang ama niya. Pero, makulit ang anak ko kaya tinatanong niya sakin kung kailan daw babalik ang ama niya.
Wala na akong balita kay Atticus, malamang ay nanganak na ang asawa niya. Bigla ko tuloy naalala ang asawa ni Atticus. Mabuti nalang talaga at hindi ako na aksidente habang pauwi nang araw na yun dahil panay ang iyak ko. Wala akong ginawa kundi sisihin ang sarili ko sa mga nangyari. Kasalanan ko naman lahat kaya hindi ko masisi si Atticus na mag mahal ng iba.
Matagal bago ako naka pag move on. Nabinat pa ako dahil panay ang iyak ko at lagi akong nalilipasan ng gutom.
Pinagalitan ako ni Daphne dahil pumayat ako ng sobra. Biglang bumagsak ang katawan ko dahil siguro sa binat. Muntik pa akong isugod sa hospital ni Daphne dahil nahirapan na akong huminga. Hindi biro ang pinagdaanan ko para makalimutan lang si Atticus. Wala naman akong galit na nararamdaman para kay Atticus.
Hiniling ko nalang sa Panginoon na sana.. maging masaya siya sa piling ng babaeng mahal niya. Hindi ako deserve ni Attticus kaya sana.. ang babaeng pumalit sakin ay mamahalin siya at aalagaan. Hindi ko nagawa yun kay Atticus dahil masyadong maikli lang ang relasyon namin. Sigurado ako, masaya na siya ngayon sa piling mg mahal niya. Kaya magiging masaya narin ako, kahit kami lang dalawa ng anak ko.
Inayos ko na muna ang pagkain na niluto ko sa lamesa habang hinihintay kong magising si Xanth. Nang maiayos ko ay naglakad ako papunta sa kwarto namin para silipin ang anak ko. Baka kasi kanina pa siya gising at kinakalikot na naman ang laptop ko.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 7: Atticus Romero
Romance[R-18 🔞] ||✅Complete|| {Matured Content} (UNDER EDITING) Atticus Romero, the tracker of assassination group obsessed to policewoman August Suãrez who is seeking justice for her father's death.