KATATAPOS KO LANG maglaba ngayong araw dahil wala akong pasok ngayon. Naisipan kong maglinis ng apartment ko dahil matagal-tagal narin kasing hindi nalilinisan.
Inuna ko ang paglalaba saka ako mag pupunas sa mga pader para mawala ang alikabok.
Napatigil ako sa pag pupunas ng mapatitig ako sa kisame malapit sa lababo. Matagal ko na talagang napapansin ang maliit na tuldok sa kisame ko. Hindi ko alam kung dumi ba yun o hindi. Sobrang liit kasi niya na hindi talaga mahahalata pero kapag tinitigan ang kisame ay makikita.
Titig na titig ako sa dot na yon hanggang sa napansin ko na may nag blink na kulay red. Kinusot ko pa ang mga mata ko dahil baka namamalikmata lang ako dahil sa kakatitig ko sa maliit na dot na 'yon.
Tinitigan ko ito ulit at talagang may kumislap na kulay red dito. Agad kong kinuha ang nag-iisang upuan ko saka ako pumatong.
Pinagmasdan ko ito ng mabuti saka ko hinaplos ang maliit na dot at agad itong natanggal ng daliri ko. Ngayon lang ako naka kita nito kaya hindi ko alam kung ano 'to. Agad akong bumaba sa upuan saka ko pinagmasdan ulit ito.
Nag blink ulit siya ng red at doon ko na pagtanto na isang small device na cctv ito. Kumunot ang nuo ko at bigla akong kinabahan kung sino ang naglagay ng cctv na 'to.
Isa lang ang pumasok sa isipan ko at alam kong siya lang talaga ang gagaw nito. Humanda ka talaga sakin, Atticus!!! Ipapalunok ko talaga 'to sakanya.
Agad akong nag hanap ng malaking damit saka isinuot ito. Kinuha ko lang ang susi ng kotse ko saka ako lumabas ng apartment ko.
Sa sobrang pagmamadali ko ay nakalimutan ko pang magpalit ng short. Hinayaan ko nalang dahil mahaba naman nag suot kong tshirt.
Agad akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot ito papunta sa subdivision kung saan nakatira ang lalaking 'yon.
Mabilis akong dumating sa harap ng gate ng subdivision. Alam kong hindi nila ako papasukin dahil mahigpit ang security sa lugar na 'to. Kinuha ko ang cellphone ko saka ko tinawagan ang hinayupak na 'yon. Mukang matagal na niya yata ako binubusohan. Naalala ko pa sa t'wing pag galing ko sa trabaho ay nag huhubad lang ako ng damit sa kama at talagang naka harap pa ako kung saan naka lagay ang device na 'to.
"Puntahan mo ko dito sa gate ng subdivision," saad ko ng masagot niya ang tawag. Hindi ko na siya hinintay na makapag salita at agad kong pinatay ang tawag.
Iginilid ko ang sasakyan ko para hindi ako harang sa mga dumadaang sasakyan. Lumabas ako ng kotse saka hinintay si Atticus.
Ilang sandali pa ay nakita ko siyang naglalakad papunta sa gate. Magulo ang buhok nito na parang bagong gising lang habang naka suot siya ng white tshirt at black jogger pants. Piste! Bakit ang gwapo niya sa paningin ko? Para itong modelo kung maglakad habang ang mukha niya ang napaka seryoso.
Tumikhim ako ng makalapit ito sakin at pilit na pinapakalma ang puso ko na parang tinatambol. Walangya talaga.
"Umamin ka nga sakin, Atticus, ikaw ba ang nag lagay ng device sa loob ng apartment ko?" tanong ko sakanya na wala ng paligoy-ligoy.
Natigilan naman siya kaya confirm talaga na siya ang naglagay. "Huh?" tanong niya.
"Huh? Hotdog!" inis kong sabi sakanya saka pinakita ang napakaliit na device na nasa daliri ko.
"Kailan mo pa ako binubusohan ha?!" inis kong sabi.
Palipat-lipat ang tingin niya sakin saka device na nasa daliri ko. "Sumagot ka sakin, Atticus, kundi iuuntog ko nuo mo sa kotse ko," galit kong sabi.
"Fuck!" mura niya kaya masama ko siyang tinignan.
"Ahm.. yeah. A-ako ang naglagay niyan," utal-utal niyang sabi habang nakayuko.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 7: Atticus Romero
Romance[R-18 🔞] ||✅Complete|| {Matured Content} (UNDER EDITING) Atticus Romero, the tracker of assassination group obsessed to policewoman August Suãrez who is seeking justice for her father's death.