Chapter 7

32K 760 57
                                    

BUONG MAGHAPON lang ako nag pa-patrolya sa buong lungsod, ngayon naman ay nakatayo ako sa kalsada para mag traffic control muna.

Kanina pa din sumasakit ang mga binti ko dahil sa walang tigil kakalakad kapag bumaba ako ng patrol car. Naglilibot kasi ako sa mga kasuluk-sulukan para masigurong walang pakalat-kalat na mga masasamang loob.

Mag gagabi na ng makabalik kami sa presinto para mag report muna bago umuwi. Nang matapos ako ay agad akong lumabas ng presinto at paika-ika akong lumabas dahil ang sakit ng mga binti ko.

Nag exercise kasi kami kaninang umaga bago mag simulang mag patrolya. Every week 'yun kaya kaming lahat kailangan sumali sa activities na 'yun. Mabuti nalang talaga day off ko bukas.

Napangiwi ako habang dahan-dahang bumababa ng hagdan. Ngunit, nagkamali ako ng hakbang kaya hindi ko inaasahang ma-out of balance ako. Hinanda ko nalang ang aking sarili na malamang sa lupa ang bagsak ko. Ngunit agad umangat ang katawan ko dahil sa matipunong braso na sumalo sa 'kin.

Napahawak agad ako sa leeg ni Atticus ng masalo niya ako at agad na binuhat. Napalunok tuloy ako ng ilang beses habang magkatitigan kaming dalawa.

"S-Salamat," naka ngiwi kong sabi at agad nag iwas ng tingin.

"Hindi ako tumatanggap ng pasasalamat, moya Iyubov. Kiss lang ang tinatanggap ko." Naka ngisi niyang sabi kaya agad ko siyang binatukan sa ulo.

"Ibaba mo na nga lang ako!" Irap kong sabi.

Ngunit hindi niya ako pinakinggan, deri-deritso lang ang lakad niya hanggang sa makarating kami sa kotse niya.

"Open the door, moya Iyubov." utos niya sakin kaya agad kong binuksan ang pintuan ng passenger seat ng kotse niya.

Dahan-dahan niya akong inilapag sa upuan at talagang inayos pa niya ang mga binti ko. Naiilang naman ako sa sobrang lapit ng mukha niya habang kinakabit niya ang seatbelt sa katawan ko. Nakahinga lang ako ng maluwag ng lumayo ang mukha niya saka niya isinara ang pinto ng kotse.

Naglakad siya papunta sa driver seat saka 'to pumasok sa loob ng kotse.

"Hasn't your car been fixed yet?" Tanong niya habang binubuhay ang makina ng sasakyan.

Napahilot ako sa sentido ko ng maalala ko ang kawawang sasakyan ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa napapapalitan ang gulong. Kahapon din ay lumapit ako sa may-ari ng cctv na katabi ang apartment namin para sana makita kung sino ang salarin. Ngunit kumunot lang ang nuo ko habang nire-replay ang kuha ng cctv dahil walang nakita do'n, burado na naman kagaya do'n sa coffee shop.

"Hindi pa. Mamatay na sana ang gumawa no'n sa sasakyan ko." Nang gagalaiti kong sabi.

Bigla namang nasamid si Atticus kaya panay ubo 'to habang nag mamaneho. Tinapik-tapik pa niya ang dibdib niya habang umuubo. Hindi ko nalang siya pinansin at agad tumingin sa labas ng bintana. Malay ko ba kong nabilaukan lang siya ng laway niya.

"Masakit parin ba mga binti mo?" Tanong niya
sa 'kin. Tumango lang ako sakanya habang hinihilot ko ang mga legs ko.

Hanggang sa makarating kami sa harap ng apartment na tinutuluyan ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng pigilan ako ni Atticus.

"Let me carry you, moya Iyubov." Sabi niya saka mabilis na lumabas ng kotse. Hindi tuloy ako naka sagot sa sinabi niya.

Umikot siya sa papunta sa passenger seat saka niya binuksan ang pintuan. Akmang magsasalita sana ako ng mabilis niya akong nabuhat ng walang kahirap-hirap.

Hindi na ako magtataka dahil malaki naman kasi ang katawan niya. Halos humapit ang suot niyang polo tshirt sa braso niya dahil sa mga nag puputukan niyang muscle.

Assassin Series 7: Atticus RomeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon