PINAPUNTA AKO NI Atticus sa bahay niya pagkatapos ng duty ko. Kaya dumeritso nalang ako dahil mag tatampo daw siya kung hindi daw ako pupunta.
Pagkadating ko sa harap ng gate ng bahay niya ay agad kong itinapat ang mukha ko para bumukas ang gate. Nang bumukas 'to at pumasok ako sa loob at naglakad para pumasok ng bahay niya.
Hindi na ako kumatok dahil alam naman ni Atticus na darating ako. Pinihit ko nag siradura ng pinto saka ko 'to binuksan. Nakita kong tahimik ang bahay kaya napakamot ako sa gilid ng kilay ko.
"Atticus!" tawag ko sa pangalan ng lalaki. Ang akala ko ay walang tao, ngunit narinig ko ang mga yapak ng paa niya na parang nag mamadali 'to. Lumabas 'to mula sa kusina habang may suot na apron at tagaktak ang pawis sa nuo.
"Hi, moya Iyubov." naka ngiwi niyang bati sakin kaya mahina akong natawa. Nag kukunwaring chief cook na naman yata siya kaya ganyan ang hitsura niya.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko saka lumapit sakanya. Pinunasan ko ang pawis na nasa nuo niya gamit ang palad ko. Naramdaman ko naman ang isang kamay niya na humawak sa beywang ko at mas lalo akong hinila palapit sakanya.
"Gusto kitang ipagluto, my love, pero wala talaga akong talent kaya ayon.. nasunog ang niluto ko," naka ngiwi niyang sabi saka ako hinalikan sa nuo.
"Matagal ko ng alam na wala kang talent sa pagluluto, Atticus." pang-aasar ko sakanya kaya nalukot ang mukha niya.
Umorder nalang si Atticus ng pagkain namin dahil hindi talaga makakain ang niluto niya. Pina-upo lang muna niya ako sa sala dahil may aayusin daw siya. Kaya nandito ako sa sala habang kumakain ng ice cream.
Ilang saglit lang ay dumating ang mga inorder ni Atticus kaya agad niya 'itong kinuha mula sa nag deliver saka umakyat ng hagdan kaya kumunot ang nuo ko.
Maya-maya lang ay bumaba si Atticus sa hagdan saka 'to lumapit sakin. "Tara sa taas, moya Iyubov, doon tayo mag di-dinner," saad niya sakin saka hinawakan ang kamay ko.
Naglakad kaming dalawa paakyat ng hagdan at agad na dumeritso sa malaking terrace, napansin ko agad na may candle lights kaya napa-iling nalang ako habang naka ngiti.
Nakita ko ang magandang pagkaka ayos ng lamesa, may champagne pa 'to at may naka lagay na bouquet sa gilid ng lamesa. "Happy three months of love, moya Iyubov." bulong sakin ni Atticus saka hinalikan ako sa pisngi. Hindi ko inaasahan na gagawin niya 'to. Nong first month kasi namin ay dinala niya ako sa restaurant para mag celebrate, sa second naman ay dinala parin niya ako sa restaurant. Kaya akala ko ay dadalhin niya ako ulit sa resaturant, hindi ko inaasahan na mag e-effort si Atticus. Ang ganda din kasi ng mga lights na naka palibot sa terrace, pati narin ang sahig ay may mga nagkalat na red and white petals.
Sa sobrang tuwa ko ay humarap ako kay Atticus at mabilis kong siniil ng halik ang mga labi niya. Tinugon naman niya agad ang iginawad kong halik sakanya at mas lalo pang pina-ilaliman 'yon.
"Let's eat, moya Iyubov, baka ikaw pa ang makain ko," pilyo niyang sabi ng mag hiwalay ang mga labi namin.
Tumango nalang ako dahil ayaw kong makain niya ng wala sa oras dahil halos apat na oras niyang ginagawa yun, nagugutom pa naman ako kaya agad akong naglakad palapit sa table habang magka hawak kamay kami ni Atticus.
"Sayang lang, dapat luto ko ang kakainin natin," naka nguso niyang sabi kaya mahina kong kinurot ang labi niya.
"Ayos lang naman sakin," naka ngiti kong sabi. "Thank you sa effort mo, Atticus." pasasalamat ko sakanya habang naka ngiti.
Pinatakan niya ng halik ang labi ko saka niya hinaplos 'yon gamit ang daliri niya. "Anything for you, moya Iyubov. Handa akong maging corny basta para sa'yo, wag lang malaman ng mga kaibigan ko," saad niya kaya mahina akong natawa. Dakilang kanchawero kasi mga kaibigan niya kaya na iinis siya.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 7: Atticus Romero
Storie d'amore[R-18 🔞] ||✅Complete|| {Matured Content} (UNDER EDITING) Atticus Romero, the tracker of assassination group obsessed to policewoman August Suãrez who is seeking justice for her father's death.